CHAPTER 23

14 3 2
                                    

Dedicated to prettydemonice

"Akala ko ba aalis na kayo?" tanong ko sa kanila habang kumakain ng breakfast

"Wala na din naman kaming dahil para bumalik pa don andito ka na e nakita ka na namin" sagot ni Achlys

"Ayaw mo ba nun makakasama mo na kami---

"At sinong may sabi sa inyo na patutuluyin ko kayo dito?" tanong ko

'Ayaw ko ng kasama sa Bahay lalo na kung silang dalawa ang makakasama ko. Hell no'

"Ayyyy beh huli ka na sa balita beh nasa guest room na mga gamit namin beh" sabi ni Daughtler habang punong puno ng pagkain ang bibig n'ya

"Magdahan dahan ka nga" saway ni Achlys

Nahilamos ko na lang muka ko dahil sa inis "Lumayas kayo sa pamamahay ko"

Nagring ang cellphone hindi ko na sana papansinin ito pero napansin ko agad na si Mommy ang tumatawag kaya naman dali dali ko itong sinagot.

"Ma" bungad ko agad sa kaniya

"[D'yan mo muna patuluyin sina Achlys at Daughtler wala ka namang kasama dyan bukod kay Reina]" aniya na ikinainis ko naman

"Zira left our house" sabi ko habang sinisenyasan na manahimik ang dalawang pugong nasa harap ko

"[What do you mean?]" tanong n'ya

"You need to go home Ma ang dami kong gustong itanong sa'yo"

"[Hindi ba pwedeng dito mo na lang sabihin?]"

"No"

"[I still have a job here sweetie. Sige mag uusap tayo but not now tatapusin ko lang trabaho ko dito]" aniya at agad na binaba ang tawag

Napabuntong hininga na lang ako at binitang ang cellphone ko sa lamesa.

"Anong sabi ni Tita? Ibigay mo na daw titulo ng bahay n'yo sa'min" sabi ni Achlys

"E kung sikliin ko 'yang leeg mo" inis na sabi ko at nagsimula na ulit kumain

"Ano nga palang plano kay Zammier?" tanong n'ya sa'kin

Nagkibit balikat lang ako "Hayaan mo s'yang kumilos mag isa"

"Sya nga pala kahapon no'ng umalis ka" natigilan ako sa pagnguya dahil sa sinabi ni Daughtler "Sinampal ni Zammier si Zira"

"And I asked the security guard no'ng condominium building na tinutuluyan nila. Madalas daw nilang makita at marinig na nag aaway 'yong kapatid" dagdag naman ni Achlys

Kaya this past few days napapansin ko ang mga pasa at sugat sa ilang bahagi ng katawan n'ya. Napaisip naman ako ng magandang gawin.

"Anong plano mo Satania?" tanong sa'kin ni Daughtler

Uminom ako ng tubig at sinagot ang tanong n'ya "Kailangan nating makuha si Zira"

Wala pa mang kinikilos si Zammier ay alam ko na ang tumatakbo sa utak n'ya. Once na tinalikuran ni Zira ang plano ni Zammier gagamitin n'ya si Zira laban sa akin.

"Talaga bang hindi nakinig sa inyo ang siraulong Zammier na 'yon?" tanong ko sa kanila tanging iling lang sa akin ang nasagot nila

"Nagawa na namin ang dapat gawin we all know na kapag ikaw ang hinarap namin sa kaniya baka pilitin ka pa n'yang magkwento about sa katangahan n'ya"

"Bakit kukuhanin natin si Zira?" tanong ni Daughtler

"Dahil gusto kong ikaw ang pumalit sa posisyon n'ya"

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now