CHAPTER 53

17 3 3
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Vierquinn na tapos na ako sa pamimili ng mga ingredients na lulutin ni Manang para sa Christmas Eve mamaya. Wala sina Zira sa bahay kaya naman ako lang at si Manang ang tao sa bahay. Dahil nga abala si Manang sa pagluluto ng kung ano ano at ayaw ko naman s'yang maistorbo ay ako na lang ang nagkusang nagsabi sa kan'ya na ako na lang ang bibili tutal wala naman akong ginagawa.

"[Honey]"

Natigilan ako dahil sa sinabi n'ya. Ilang beses ko ng naririnig 'yon sa kan'ya at hanggang ngayon ay nagugulat pa din ako. I ran my hand through my hair. It's not good for me na tawagin n'ya 'kong gano'n whenever she wants. It reminds me of something. I took a deep breath.

"[Hey bakit ang tahimik mo Hon?]" bakas ang pang aasar sa boses n'ya

"Do you like calling me that so much?" tanong ko sa kan'ya habang ang paningin ko ay nasa sahig

"[I like it honey]"

Halos maubo naman ako dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang kadali sa kan'ya na sabihin sa'kin kung anong nasa utak n'ya o kung ano man ang nararamdaman n'ya.

"[Hey baby are you okay? Tapos ka na ba d'yan. Should I pick you up na kanina pa kita gustong sunduin d'yan e]"

"I-I'm done" I said "Hihintayin kita" huling sinabi ko sa kan'ya bago ko patayin ang tawag

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na mapangiti. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Dalawang paper bag ang hawak ko. Nasa exit na ko ng mall nang mapansin kong umuulan pala ng malakas.

Pinagmasdan ko ang kalangitan mag aalas syete na ng gabi. Naagaw ang atensyon ko sa babaeng tumatakbo. Basang basa s'ya ng ulan at hindi nakakaaya ang hitsura n'ya. Nilingon ko ang mga taong nasa paligid ko at halos lahat ng atensyon nila ay nasa kan'ya.

Puting t-shirt ang pang itaas n'ya at dahil nga sa basang basa iyon ng ulan makikita mo kung anong nasa loob no'n.

"Pre!"

"Tsanggala tingnan mo pare!"

"Ang ganda na at ang sexy pa!"

"Oo nga pre sumama kaya s'ya sa'kin mamaya!?"

"Anong gagawin mo!?"

"Paliligayahin ko syempre naman! Wala pang babaeng umaayaw sa'kin pare!"

"Kunan n'yo ng picture for sure mag tetrending s'ya"

Napantig ang tenga ko dahil sa mga boses na 'yon.

"Kunan n'yo ng picture dali!"

Iniabot ko kay Leatherette ang paper bag na hawak ko. Tama kayo si Leatherette ang babaeng basang basa ng ulan ngayon na pinag pipyestahan ng mga gunggong na 'to.

"S-Sino yan!?"

"Sandali lang" sabi ko sa kan'ya bakas sa mukha n'ya ang pagtataka ngunit hindi ko man lang s'ya tinapunan ng tingin

"Pare may epal naman oh!"

"Hoy Miss tumabi ka nga d'yan!"

Nilingon ko ang grupo ng mga kalalakihan at agad namang rumehistro sa mukha nila ang gulat. Dahan dahan akong naglakad sa direksyon nila at hindi man lang sila natinag.

"M-Miss beautiful" mangha nauutal na sabi ng isa sa kanila ang titig n'ya sa'kin ay hindi nakakatuwa

"Give me your phone" sabi ko sa isa sa kanila

"B-Bakit Miss Beautiful?"

"Kukuhanan ko kayo ng hindi n'yo makakalimutang litrato" seryosong sabi ko ngintian ko pa sila kaya naman nagpaunahan silang magbigay ng cp sa'kin

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now