CHAPTER 38

14 2 2
                                    

𝐙𝐈𝐑𝐄𝐈𝐍𝐀 𝐏𝐎𝐕

Lumalala na ang sitwasyon ni Tania at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin at ipaliliwanag sa kan'ya ang mga nangyayari sa kan'ya ngayon. Tahimik na pinagmamasdan ko ang mukha n'ya iniisip kung paano nga humantong sa ganito.

"How will you explain this Reina?" napipikong tanong ni Achyls sa'kin

Napayuko na lang ako habang malalim na nag iisip.

'Paano ko nga ba sasabihin?'

"Ang sabi ni Riley sa'kin habang palabas daw sila ng gymnasium e bigla daw bumagsak ang katawan ni Satania. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako sa nangyayari noong una ay sinabi mo sa'min na patay na s'ya matapos nung insedenteng yun" si Daughtler na seryoso at mukha nga talaga s'yang naguguluhan

Napabuntong hininga na lang ako

"Tell me anong ginawa mo sa kan'ya?" tanong ni Achlys sa'kin "Simula noong bumalik kami hindi n'ya nababanggit ang nangyari sa kan'ya! Anong ginawa mo sa kan'ya Zireina!?" galit na s'ya

"W-Wala akong ginawa sa kan'ya---

"Huwag mo nga kaming tarataduhin! What did you do!?" tumayo s'ya at hinila ang damit ko na ikinatakot ko naman

"Ano ba Achlys! You're hurting her!" awat ni Daughtler

"And this bitch hurting her!" ang tinutukoy n'ya ay si Tania na hanggang ngayon ay wala pa ring malay

Nainis naman ako sa sinabi n'ya kaya inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa'kin "I'm not hurting her! I'm just protecting her!" galit na sabi ko

"Protecting her!? Nakikita mo ba ang paraan ng pagprotektang ginagawa mo sa kan'ya ha!? Nakikita mo ba!?" malakas n'ya akong itinulak kaya naman bumagsak ako sa sahig

"Tama na yan Achlys!"

"Pinapatay mo ang puso n'ya siraulo ka ba ha!?" sigaw n'ya at muli na naman n'ya akong sinugod hindi agad ako nakagalaw dahil sa bilis ng galawa n'ya

'Pinapatay ko ang puso n'ya?'

Malakas n'yang sinampal ang kanang pisnge ko dahil para matigilan ako. Ramdam na ramdam ko ang galit n'ya na ngayon ko lang nakita.

"Nani yatten no yo?"

Halos manlamig ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang malamig na tinig na yun. Maging si Achlys at Daughtler ay natigilan dahil sa taong kadarating lang. Ang presensya n'ya ay kagaya ng presensya ni Tania. Mag ina nga sila.

"T-Tita Umbriel"

"M-Ma"

Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa presensya n'ya kahit na nakikita ko s'ya madalas sa bahay. Wala na namang emosyon ang mukha n'ya kagaya ng nakasanayan ko naming lahat.

Nilingon n'ya ako kaya naman dali dali akong tumayo hindi na ininda ang sakit na ginawa ni Achlys sa'kin.

"She's sleeping keep quiet" aniya at naglakad patungo kay Tania

'A-Ano daw? Natutulog lang si Tania?'

Naupo ako sa couch at nanahimik na lang habang pinagmamasdan ko si Tita Umbriel. Hinahaplos nito ang buhok ni Tania.

"Ano bang pinag aawayan n'yo?" tanong ni Tita Umbriel sa'min agad naman akong kinabahan dahil batid kong seryoso s'ya

"K-Kasi po Tita si Tania po hindi po namin alam ang nangyayari sa kan'ya. Ilang beses na pong naulit yan sa kan'ya. Ang bigla na lang bumagsak ang katawan n'ya, nanghihina pagkatapos ay mawawalan s'ya ng malay" paliwanag ni Achlys

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now