CHAPTER 22

17 3 3
                                    

TITANIA POV

"Guys wala daw klase"

"Bakit daw?"

"May meeting ang mga teachers ngayon e"

Napabuntong hininga na lang ako habang nakapatong ang gulo ko sa lamesa ko. 'Ang boring' Itinago ko ang muka ko 'tsaka pumikit. Nasa isang oras siguro akong nakaganito. Gusto kong matulog pero hindi naman ako inaantok.

Umupo na lang ako ng maayos at nilingon ang bakanteng upuan na nasa tabi ko. Maya maya pa'y nakarinig na naman ako ng bulungan.

"Tingnan mo magkasama pala sila kahapon"

"And Miss President she's holding this bitch arm oh look"

Hindi ko pa man nakikita ang pinaguusapan nilang litrato ay alam ko na agad ang sinasabi nila.

"Hoy!" sinipa ni Asthrella ang upuan ko "Sagutin mo nga kami" aniya

Pinagkrus ko ang braso ko at tinapunan kp s'ya ng tingin

"Sasagutin ko lang pala ang tanong mo bakit kailangan mong sipain pa ang upuan ko? Upuan ko ba ang sasagot sa'yo?" tanong ko sa kaniya

Napuno naman ng tawanan ang bawat sulok ng klasrum na ito

"Napaka yabang mo naman ata" sabi naman ni Amelia

"Ano na naman ba 'yan?" tanong ni Venice "Look Asthrella you can ask her nicely"

"She's not nice Venice"

'Hay hay hay heto na naman tayo'

"I don't know why bakit ang taas ng tingin ng mga teachers sa'yo dito"

"Napansin ko din 'yan"

"Like ang bilis n'yang nakapasok sa school na 'to. Muka naman s'yang dukha e"

"Anong ginawa mo para makapasok sa top list ha---

"Utak ang pinapagana para makapasok d'yan. Hindi ako makapaniwalang nakakapasok pala kayo dito e ang kikitid pala ng utak n'yo" sabi ko na ikinatahimik nila "Anong ginamit n'yo? Pera?"

"Manahimik ka!" galit na sabi ni Asthrella

"Ha? Hahaha no'ng kayo ang nagsalita pinagbigyan ko kayo. Ilan kayo lima, anim, pito, walo potangina ninyo" napipikong sabi ko

"Tania tama na 'yan tsss inggit lang ang mga 'yan sa'yo" sabi ni Venice

"Walang nakakainggit sa babaeng 'yan!"

"Tss"

"Guys ano ba 'yan hindi ba kayo titigil? Dadalhin ko kayo sa Detention" kadarating lang na si Raphiel

Napansin ko ang pananahimik ni Zira ilang araw na kaming hindi nag uusap. 'Saradong sarado talaga ang utak n'ya'

"Manahimik nga kayo!" inis na saway ni Zira "Pwede n'yo naman s'yang awayin anytime e pero please lang sa labas n'yo na gawin mga damuhong"

"Zireina! Ano pinagsasabi mo d'yan?'

Nakakarindi sila kaya naman tumayo na lang ako.

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now