CHAPTER 13

12 3 0
                                    

ZIREINA POV

I'm cooking for our breakfast nang biglang tumunog ang doorbell ng bahay namin mula sa labas.

"Manang ako na po, kayo na po dito" hinugasan ko ang kamay ko at mabilis itong tinuyo

Umuulan ng malakas kaya naman kumuha ako ng payong. Binuksan ko ang gate at halos makapatay naman ako sa gulat ng makita ko kung sino ang bwesita

"Potangina---

'Anong ginagawa ng babaeng ito dito?'

"Anong ginagawa mo dito hampas lupa?" masungit na tanong ko sa kaniya maging s'ya ay nagulat din ng makita niya ako

'Hindi ako makapaniwalang makikita ko ang ulupong na 'to dito!'

"Y-You! What are you doing here?" maarteng tanong n'ya

"HOOOOYYY!" malakas na sigaw ko at hinampas ang gate na hawak ko "Malamang sa alamang pamamahay namin itong ginagambala mo! Hindi ito ang direksyon papuntang impyerno pero kung ipipilit mo sige ako na mismo magdadala sayo tangina mo"

"Ano bang sinasabi mo d'yan!?"

"E ano namang ginagawa mo dito!?" napipikong tanong ko

"Katulong ka ba dito?" kunot noong tanong n'ya

'Katulong? W-What?'

"Mukha ba kong katulong? Umalis ka na nga dito! Maling Bahay ang napuntahan mo" isasara ko na sana ulit ang gate

"Ano ba!? Sa tingin mo ba ay gano'n ako katanga para maligaw ha!?"

"Letse keaga aga nambubwesit ka! Ano na naman bang kailangan mo!? Hanggang dito ba naman mandedemonyo ka!?"

"Your mouth yuck! Pinadala ito ni Mommy sa'kin ok" maarte pa ring sabi n'ya at inabot sa'kin ang kahon

"Oh e para kanino daw 'to?" tanong ko

"Edi basahin mo bobo" aniya na sinunod ko naman agad na sumama ang tingin ko sa kaniya

"Walang pangalan 'to! Tinatarantado mo ba ako ha!?" inis na tanong ko sa kaniya

"Alam mo naman pala e! Nakita mo ng walang pangalan address lang ang nakalagay d'yan malay ko bang taga d'yan ka ha!?" naiinis na sabi n'ya

"Kapag natampal ko 'yang bibig mo tingnan ko lang kung makita mo pa kagandahan ko! Lumayas ka sa pamamahay ko Riley hindi ka welcome ka dito" inis na sabi ko at hinablot ang kahong hawak n'ya

"Ang lakas ng ulan. Nakikita mo ba 'yan?" sarkastikong sabi nya napahagalpak naman ako ng tawa

"OO AT KAPAG HINDI KA PA UMALIS DITO KIDLAT NA TATAMA SAYO TANGA!" sigaw ko sa kanya pagsasarhan ko na sana s'ya ng gate ng biglang dumating si Manang

"Ano ba ang nangyayari dito?" tanong ni Manang

"Ayan Manang masamang elemento" itinuro ko naman si Riley na ngayo'y basang basa na ng ulan

"Pumasok ka muna hija. Ka eskwela mo itong mga alaga ko pareho kayo na uniporme"

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Manang.

"Hindi s'ya welcome dito Manang---

"Huwag ka ngang gan'yan sa bisita sige na gising na iyong alaga mo s'ya na muna intindihin mo. Hija pasok ka muna dito"

"Tss!" iniwan ko na lang sina Manang dun

Nakita ko naman agad si Tania sa kusina may hawak itong towel habang pinupunasan ang buhok n'ya. Kakatapos n'ya lang maligo.

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now