CHAPTER 59

8 3 3
                                    

Naramdaman kong may mainit na kung ano sa mukha ko. Dahan dahan kong naimulat ang mga mata ko. Malabo 'yon at halos mapapikit ulit ako. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko ulit naimulat ang mga mata ko. Puti, puti ang lahat ng nakikita ko mukhang nasa Hospital ako. Gagalaw na sana ako ngunit naramdaman ko ang kakaibang kirot sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung bakit masakit 'yon.

Natigilan ako bigla noong maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Nakapatong ang ulo n'ya sa kama habang nakaupo s'ya sa upuan. Mukhang mahimbing ang tulog n'ya.

Iginalaw ko ang kamay ko para ayusin ang buhok n'ya. Para alisin ang buhok na nakaharang sa mukha n'ya. Si Shiraha. Mahimbing ang tulog n'ya. Hindi ko muna inisip kung anong ginagawa ko dahil nakatitig lang ako sa mukha n'ya.

Napangiti ako hindi na naman makapniwala. Hinawakan ko ang mukha n'ya at nakita ko ang paggalaw n'ya. Para bang naging mabagal sa akin ang lahat habang pinagmamasdan kong buksan n'ya ang mga mata n'ya.

Naghigab ito nakakunot ang noo hinintay ko ang paglingon n'ya sa'kin.

"V-Vierquinn"

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang gulat na reaksyon sa mukha n'ya. Nanlalaki ang mga mata n'ya at nakaawang din ang bibig n'ya

"Y-You're awake Vierquinn" nandoon pa din ang gulat gusto ko sanang magsalita ngunit parang tuyot ang lalamunan ko

Nagulat ako bigla no'ng yakapin n'ya ako at nadinig ko ang pag iyak n'ya. Natigilan ako ilang beses ko na s'yang nakitang umiyak pero kakaiba 'yong ngayon. Niyakap ko s'ya pabalik habang naguguluhan pa din ako.

"Bakit umiiyak?" tanong ko sa kan'ya habang hinahaplos ko ang buhok n'ya sa wakas ay nakapag salita na din ako

"Kasi ang tagal mo magising" umiiyak din s'ya "Natakot ako na baka hindi ka na magising"

Hinawakan ko ang mukha n'ya at pinunasan ko ang luha n'ya. Napangiti ako bigla kasi ramdam ko 'yong pag aalala n'ya at takot n'ya para sa'kin.

"Tahan na makakaisa ka pa" malakas n'yan hinampas ang balikat ko at mabilis na lumayo sa akin kaya naman natawa ako

"Namiss kita Shiraha" sabi ko sa kan'ya

Ngayon lang pumasok sa isip ko kung bakit ako ang nandito?

"Nagugutom ka na ba?" tanong n'ya sa'kin at tinanguan ko din naman agad s'ya

Pinakain n'ya muna ako pagkatapos kumain ay naisip kong tanungin na s'ya.

"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kan'ya at mabilis nawala ang reaksyon sa mukha n'ya "At saka bakit may sugat ako dito?" hinawakan ko ang tagiliran ko at halos mapangiwi ako sa sakit

"Wala kang maalala?" tanong n'ya sa'kin na ikinakunot ng noo ko

Nagsimula na namang maglakbay ang isip ko mula sa Batanes, pagka uwi namin sa bahay nila, pagka uwi ko sa bahay namin at pagpunta ko ulit sa bahay nila para sunduin s'ya. Doon ko nakita sina Zireina at Venice at nakausap ko din si Raphiel pagkatapos no'n nagpunta ako sa Hospital

"Binisita kita" sabi ko sa kan'ya

Nabalot kami ng katahimikan. Nakatitig lang ako sa mga mata n'ya at nakikinig naman s'ya sa'kin.

"Binisita kita kasi ang sabi ni Raphiel sa'kin sinugod ka sa Hospital" dagdag ko pa sa kan'ya kasi muka s'yang hindi kumbinsido e

"Hindi ka dumating Vierquinn" napabuntong hininga s'ya

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Ano bang sinasabi n'ya?

"Dumating ako Shiraha ang sabi pa nga sa'kin ni Achyls nawalan ka ng malay e" naiinis na ako

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now