CHAPTER 48

8 3 0
                                    

"Why do I need to wear this, Mom?" tanong ko kay Mommy mula no'ng makarating kami dito sa New York ay naging tahimik s'ya

Nilingon lang ako nito at ni isang salita ay walang lumabas sa bibig n'ya. Alam kong normal naman sa kan'ya 'yon pero ang pakiramdam ko ngayon ay kakaiba para bang may mali.

"Bagay naman sa'yo" biglang sumulpot si Zira sa tabi ko

Hindi ko s'ya pinansin dahil ang atensyon ko ay nasa salamin. Masama ang tingin sa sarili. Satin backless bodycon slip dress ang suot ko at hindi ako komportable sa suot na 'to.

"Pang party club itong outfit ko Zira" sarkastikong sabi ko sa kan'ya

"Dad prepared it for you. Hanggang ngayong gabi mo lang naman isusuot 'yan" biglang nagsalita si Mommy

Hindi ako makapaniwalang hinanda ni Lolo sa'kin 'to. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Hindi ko inaasahan ang ganitong okasyon kay Lolo.

"Ang taray naman ng pasabog ni Lolo sa'yo Tania" tuwang tuwa sabi nitong si Zira

Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa kama. Mukhang wala na 'kong magagawa kundi isuot na lang 'to.

Dinig kong nagsisimula na ang party sa baba.

"Para saan ang okasyon na 'to Ma?" tanong ko sa kan'ya hindi ko man s'ya lingunin ay ramdam ko naman ang titig n'ya sa'kin

"Tinatawag na ko ng speaker" tumayo s'ya "Hintayin mong may tumawag sa'yo dito" dagdag pa n'ya ni hindi man lang sinagot ang tanong ko bago s'ya tuluyang umalis

"Masama ang pakiramdam ko" naging seryoso ang boses ni Zira maging ang mukha n'ya na ikinakunot ng noo ko

"Kinakabahan ako para sa'yo Tania" nakatitig na ito ngayon sa'kin at bakas nga sa mukha n'ya na kinakabahan s'ya para sa'kin ngunit nanatili akong kalmado sang ayon naman ako sa sinasabi n'ya kagaya ng sinabi ko kanina ay masama din ang pakiramdam ko sa okasyon na 'to

"Bakit?" tanong ko sa kan'ya

"Kung makikita mo 'yong theme ng party mo sa baba kakabahan ka talaga"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko napansin ang theme ng party na sinasabi n'ya, dahil mula noong umalis at kami at makarating dito ay si Vierquinn ang iniisip ko. Pansin ko kasi ang pag iwas nito sa'kin mula noong halikan n'ya ko sa kwarto ko. Ang babaeng 'yon talaga hindi ko rin alam kung bakit n'ya ginawa 'yon at bakit ko hinayaan ang sarili kong gawin n'ya sa'kin 'yon

"What do you mean?"

"Mukhang engagement party"

Natigilan ako dahil sa sinabi n'ya, doon ay nagsimula na nga akong kutuban. Engagement party? Nino?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Zira" seryosong sabi ko sa kan'ya

"Ilan ba kayong apo ni Lolo?" tanong n'ya sa'kin at doon ay napaisip ako

"Tatlo?" hindi ako sigurado sa sagot ko dahil tanging si Gus at Ate Quinn ang kilala ko kaya ba sila nandito dahil sa party na 'to? Hindi bat ang sabi ni Gus sa'kin ay nais akong makita ni Lolo

Napansin kong doon palang ay may mali na. Bakit hindi ako ang unang sinabihan nila na pupunta dito at bakit kasama mga kaibigan ko pagpunta dito? Hindi ako tanga hindi ko lang inaasahan na ganito ang gagawin nila sa'kin.

"Mukhang namang walang plano mag asawa si Gus e mukha kasi s'yang bading" sabi n'ya wala namang katotohanan ang sinasabi n'ya

"Si Quinn" sabi ko sa kan'ya at agad naman s'yang natigilan

Mas lalo lang akong kinakabahan dahil sa sinasabi ni Zira.

"Huwag mo na ngang isipin 'yan---"

"Paano kung ikasal ka sa iba?"

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now