CHAPTER 11

10 3 0
                                    

"Kung may masakit sa'yo tawagan mo ako" Zira said habang inaayos ang sarili n'ya

Ngayon ang alis ni Mommy at dahil ganito ang kalagayan ko hindi n'ya ako payagang sumama sa kanya para ihatid si Mommy sa airport.

"Wala akong sakit ano ba" inis na sabi ko

"I said no" matigas na sabi nya

'Napakatigas ng bungo ampota'

"'Yong pagkain mo dadalhin na lang dito ni Manang wag na ngang matigas ang ulo talagang bubukolan na kita" banta n'ya "Ma tara na!"

Naiwan na naman ako sa bahay na nakahilata lang sa kama halos dalawang linggo na akong ganito. 'Nakakairita na'

Kinuha ko ang laptop ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak papasok ako ah" ani Manang sinagot ko naman s'ya ng "Opo"

Kinuha n'ya ang mga damit na hinubad ko habang ang atensyon ko naman ay nasa laptop ko.

"Wala ka na bang ibang ipalalaba hija?" magalang na tanong ni Manang sa akin

Nilingon ko ang basket na hawak n'ya at agad na napakunot ang noo ko ng may mapansin akong jacket na hindi naman pamilyar sa akin.

Nang mapansin ni Manang na nakatitig ako doon ay lumapit ito.

"Hindi mo ba naaalala ang kasuotang ito?" tanong nya na talaga namang ikinakunot ng noo ko

Napailing ako dito habang pilit na inaalala kung saan nga ba.

"Isang Vierquinn ang may ari nito marahil ay s'ya iyong babaeng laging nasa tabi mo nung nahospital ka" ani Manang

'Babaeng laging nasa tabi ko? Pinagloloko n'ya ba ako?'

"Alam mo bang tinamaan ng kriminal na 'yon ang tagiliran n'ya" aniya agad naman akong natigilan dahil sa sinabi n'ya

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" naguguluhang tanong ko

"Ang sabi ng mga pulisya nakipag agawan ang babaeng 'yon ng baril doon sa lalakeng dumukot sa'yo"

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya. 'Paanong nagawa n'yang mabuhay pa tss'

"Sige po Manang" sabi ko

Mag aalasingko na ng hapon ng maisipan kong lumabas.

"Sigurado ka ba hija na kaya mo na?" tanong ni Manang sa'kin

"Opo Manang dyan lang naman po ako bibili" huling sinabi ko bago umalis ng bahay

Nakakalakad naman na ako napuruhan itong kaliwang braso ko. Inayos ko ang sling ko habang naglalakad.

Tahimik na ang buong paligid ng makapasok ako sa Goldenbucks Café

"Good afternoon po Madame" ani ng isang staff ng masalubong ako

Tinanguan ko lang ito "Where's manager Fujimawa?" tanong ko

"Good afternoon po Madame" ani manager na kadadating lang

"Take out" ani ko agad naman s'yang tumango inalalayan ako ng isang staff na maupo muna

Napabuntong hininga na lang ako nang makaupo na ako. Tahimik na nagbabasa ako ng magazine nang makarinig ako ng ingay.

"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!"

Nilingon ko ang tinig ng babaeng 'yon. Masama ang timpla ng muka n'ya salubong ang kilay, lumalaking butas ng ilong, namumulang labi at hapit na kasuotan

'Mukha bang bar ang lugar na 'to'

"I'm s-sorry po Ma'am" nanginginig sa takot na waiter dali dali itong lumuhod habang pinapunusan ang paa ng babaeng hipokritang ito.

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now