CHAPTER 31

11 1 1
                                    

TITANIA POV

Tahimik na nakikinig ako sa usapan nitong mga kasama ko. Nandito kami sa Cafeteria. Sinimsim ko ang iniinom kong cola.

"Ano kayang nangyari kay Director Arumi?" tanong ni Venice habang kumakain

"Hindi ko rin alam biglaan kasi ang pagsulpot n'ya kagaya nang nanay ni Tania" sagot naman si Zira

Napabuntong hininga na lang ako wala naman talaga akong interes sa pinag uusapan nila. Maaga akong umuwi kahapon umaasang maabutan ko si Mommy ngunit ang sabi ni Manang ay nagpunta daw itong Palawan para sa Medical Mission.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako habang nasa likod ko naman sila. Ngunir hindi pa man kami nakakalabas ng cafeteria ay malakas na sigaw ang nagpatigil sa'kin.

"WHAT THE FUCK!? BULAG KA BA!?" malakas na sigaw iyon ni

Aelia...

Napuno ng katahimikan ang paligid namin marahil ang iba'y hindi makapaniwala sa naririnig at nakikita nila.

"Ow my ghad I'm sorry Aelia" tarantang boses naman iyon ni Zira nilingon ko ang mga ito

Nakita kong lumuhod si Zira sa harapan ni Aelia mukhang pupunasan nito Ang sapatos na sa tingin ko'y nabubuan ng chocolate shake na hawak nito

"I'm sorry Aelia hindi ko talaga sinasadya---

"LUMAYO KA NGA SA'KIN!" galit na galit na sigaw ni Aelia hindi pa ito nakuntento itinulak n'ya pa ito ngunit dahil sa bilis ng kilos ko ay agad kong napigilan ang pagbasak ni Zira sa sahig

Hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito at malakas kong hinila patayo

"T-Tania" bakas ang takot sa boses n'ya

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya tanging pagtango lang ang naisagot nito

"Ano bang ginawa mo sa kaniya?" tanong naman ni Venice habang inaayos nito ang uniporme ni Zira

"Sino naman 'tong babaeng 'to?" rinig kong tanong ni Aelia ngunit hindi ko ito pinansin wala akong oras sa kaniya

"I'm asking you lady!" iritableng sabi ni Aelia

"DON'T YOU DARE TURN YOUR BACK ON ME---

"Yariman" bulong ko narinig ata ito ni Zira kaya humagalpak ito ng tawa

Nilingon ko naman si Aelia. Natigilan ito at halos manlaki ang mga mata n'ya nang makita ako. Nginisian ko ito kaya naman bahagya itong napaatras.

"Ikaw na naman" aniya

"Sinadya mo" kalmadong sabi ko

"A-Ano?"

"Ang alin?"

"Sinadya mong mabingi bingihan at magbulag bulagan magmukha ka lang tanga sa harapan ko" sabi ko at iyon naman ang malakas na tawa ni Zira

Napaawang ang bibig ni Aelia dahil sa gulat agad namang napalitan ng galit ang mukha n'ya na s'yang ikinatuwa ko

"ANONG SINABI MO!?" malakas na sigaw n'ya

Napailing na lang ako dahil sa dismaya

"Napaka tanga mo talaga" walang ganang sabi ko na talaga namang ikinagalit n'ya

Napabuntong hininga na lang ako 'Sinasayang ng babaeng ito ang oras ko'

Tinalikuran ko na ito ngunit hindi pa ko nakakahakbang ay naramdaman ko agad ang masamang kilos ni Aelia sa likod ko.

"AAHHH" malakas na sigaw n'ya

Mabilis kong naiwasan ang kamay n'yang may hawak na bato na ikinakunot ng noo ko. Ang batong iyon ay kasing laki ng kamao ko. Agad kong hinablot ang kamay n'ya mabilis akong umikot nabitawan n'ya ang batong hawak n'ya.

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now