Chapter 62

20.7K 439 15
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Few chapters left for The Devil's Touch. Epilogue and special chapters are available exclusively for VIPs and Patreon subscribers.

Chapter 62

Umalis kami kaagad ni Ethan sa bagong bahay namin. Maraming naging katanungan ang Papa ko, nag-aalala. Sinabi naming babalik na lang kami at saka mag-uusap.

"Hindi ba kasama si Papa Samael magsimba?" tanong ko kay Ethan nang makasakay kami sa kotse.

He's obviously losing his cool now. Paulit ulit sa paggalaw ang buto sa panga niya habang minamaniobra ang sasakyan.

"Maagang umalis si Papa bago pa tayo. He told me last night that he would be meeting a Chinese investor this morning. Mama was alone."

Alanganing araw ngayon para sa misa. Baka may idinaan lang sa simabahan? Hindi kaya namasyal lang? Pero bakit hindi niya sasabihin kay Papa Samael?

"Hindi ugali ni Mama ang hindi sumagot sa mga tanong ni Papa tungkol sa pag-alis niya. O, kung saan man siya pupunta. She knows how he gets worry of her everytime."

"Nanggaling na ba si Papa sa simbahan? Baka may nakakita kay Mama na puwede niya pagtanungan." sabi ko.

Tumango si Ethan. "He already went there. Nagpunta raw si Mama doon para magdala ng mga rosary at pagkatapos ay umalis na rin. She didn't spend too much of her time there."

Bumuntonghininga ako. Wala sa sarili kong iginala ang mga mata sa labas ng bintana, nagbabakasakaling makita ko si Mama Chloe.

Saan siya puwedeng magpunta at hindi niya sinasabi kay Papa Samael?

"Damn it. She's not answering her phone."

Nilingon ko si Ethan. Inihagis niya ang cell phone sa ibabaw ng dashboard habang matalim ang mga matang nakatitig sa kalsada.

I can feel his anxiety. Si Mama Chloe ang pinag-uusapan at alam ko kung gaano niya ito kamahal. Alam ko kung gaano siya kahanda gawin ang lahat mapasaya lang ito. I remember how her words became his guide to forgive Oliver and move on from all his hatred and grudges against him.

"Baka low batt lang si Mama, Ethan. Huwag muna tayo mag-isip ng hindi maganda. Sigurado akong ayos lang siya sa mga sandaling ito."

Sana nga. Sana umuwi na rin si Mama Chloe. Sana walang nangyaring hindi maganda sa kaniya.

Hindi sumagot si Ethan. Nagbaba ako ng tingin sa manibelang hawak niya. His hands were gripping it tighter. Alam kong sa mga sandaling ito, nahihirapan na siyang kumalma.

Sa tulin niyang magpatakbo, nakarating kami sa bahay nila hindi kalaunan. Mabilis kaming pumasok sa loob ng bahay at naabutan si Ate Embry at Kuya Caspian na naroon at seryosong nag-uusap.

"Ethan!" tawag ni Ate Embry saka tumayo.

"Ano'ng nangyari, ate? Nasaan si Papa? Ang mga bata at si Felize, nasaan?"

Huminto kami sa tapat nila. Ate Embry looked more anxious. Sa sandaling nakasama ko siya, nalaman ko kung gaano siya ka-masayahin na tao kaya madali lang para sa akin makita ngayon ang takot sa mga mata niya.

"He's still looking for Mommy. Sinubukan na rin daw niya hanapin sa mga lugar na possible nitong puntahan pero wala. Even Tito Raphael is already looking for her," kwento niya. "Don't worry about the kids. They are with Tita Angelique. Tumutulong na rin sa paghahanap si Tito Gabriel."

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now