Chapter 51

22.3K 568 30
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 51

Naramdaman ko ang paghawak ni Ethan sa kamay ko. Hindi ko magawang alisin ang tingin kay Oliver.

Alam kong dapat ay natatakot ako sa kaniya sa mga sandaling ito dahil nahuli kami sa akto ni Ethan na magkasama. Pero hindi ko 'yon maramdaman. Having Ethan beside me made me fear no one.

Ang hindi ko maintindihan ay wala akong
makitang gulat sa mga mata ni Oliver habang nakatingin sa amin. It's like he knew that Ethan and I were already seeing each other.

Alam.. niya ba talaga? Pero paano? Kung
sakali man, naging maingat ako sa bawat
galaw ko.

"Daddy! We are with Tito Ethan! Our new friend!" masayang bati ni Felize.

Tumungo si Oliver kay Felize at tipid na ngumiti. Hinaplos niya ang ibabaw ng ulo nito. Hindi ko alam kung mahusay lang siyang magtago ng emosyon kung kaya't hindi ko makitaan ng galit ang mukha niya... o talagang hindi niya iyon nararamdaman sa mga sandaling ito.

"That's a good news. I'm glad you and your mother are starting to make... friends with someone."

He raised his head and met mine. Bahagyang gumalaw ang mga labi niya para sa isang tipid na ngiti. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit kailangan kong makaramdam ng sakit para doon.

"Let's talk about this inside. Huwag na natin iparinig pa sa bata." aniya sa kalmado at malalim na boses.

Tumalikod siya, hawak sa Felize sa kamay. Nilingon pa kami ni Felize saka kumaway. I didn't have the chance to wave back at her for my mind was occupied with Oliver's reaction through this.

Nilingon ko si Ethan at tiningala. Mariin siyang nakatitig sa gawi ni Oliver hanggang sa mawala na ito sa harapan namin.

"He's too calm. I wasn't expecting that," aniya. "Seems like he is planning for something."

Hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba sa sinabi niya. Kung sakali bang may plano man na hindi maganda si Oliver, maaatim niya ba makitang nasasaktan si Felize? Na madamay ito?

Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Nagbaba siya ng tingin sa akin, ang madidilim na mga mata ay bahagyang pumungay.

"Magiging maayos rin ang lahat." paalala ko.

He sighed. Seeing him controlling his anger no matter how intense it was just because I asked him was already too much.

Kinabig niya ako palapit sa kaniya. He kissed me on my forehead before pulling me into a gentle embrace.

"Please help me to calm down," he whispered in my ear. "It won't be possible without you."

Isang tango lang ang ginawa ko. Hindi nagtagal at pumasok na kami sa loon ng apartment. Tahimik akong nakikiramdam nang makarating sa living room.

Naabutan namin si Oliver na nakatayo malapit sa dining area at nakatalikod sa gawi namin. He was pouring a whiskey on his shot glass. The silence reigning over us was really deafening.

"Nasaan si Felize?" mahinahong tanong ko.

He didn't turn around to look at us. Nag-aalala ako na baka sa pagharap niya ay may kung anong bagay na siyang hawak na puwedeng maging laban sa amin. Laban kay Ethan.

"Nasa kwarto niya. Pinaakyat ko muna at sinabing babalikan mo na lang siya mamaya."

Babalikan? Sa temang ginamit niya, parang alam niyang aalis na kami.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now