Chapter 49

23.3K 518 18
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 49

Hindi na ako nakatulog pa matapos no'n. Bumangon na ako at nagtungo sa kusina para mapag-isa. Mabilis ang tibok ng puso ko, tila hinahabol. I could even feel my hands getting sweaty.

Nasisiguro ko na ang taong kasama ko ngayon at ang lalaki sa ala-ala ko ay magkaiba. Kung sinasabi ni Ethan na si Royce ang lalaking kasama ko ngayon at hindi Oliver ang pangalan, sino si Royce na siyang nasa ala-ala ko? Bakit magkaiba sila ng itsura?

Hindi si Oliver ang lalaking kasama ko sa aksidente kung hindi ibang tao rin. Kung tama ako ng pagkakaintindi sa ala-ala ko, kausap ko si Royce sa cell phone bago kami naaaksident nung lalaki.

Matapos no'n, wala na akong natandaan. Nasisiguro kong ang pagkakaroon ko ng amnesia ang sumunod na nangyari.

Si Oliver at Royce... sino sila? Magkaibang tao ba sila? O, maaaring iisa rin?

"You're awake."

I almost jumped out of the high stool when I heard his voice. Nang mag-angat ako ng tingin ay naglalakad na si Oliver palapit sa akin. He still looked sleepy but obviously attentive to me.

"Maaga akong n-nagising. Ipagluluto sana kita ng almusal." dahilan ko.

I have no idea what to feel towards him right now. Mag-aalala? Matatakot? Hindi ako sigurado. Paano kung ibang tao talaga siya at hindi naman si Royce? At kung sakaling si Royce man siya, posible bang nagpaiba siya ng mukha para sa plano niyang itago ako kay Ethan?

Tumango siya. "Okay. I just remember going to sleep first last night. Pagkatapos ay ikaw pa ang unang nagising sa ating dalawa ngayon."

Tipid lang akong ngumiti. "Magtitimpla na ako ng kape mo."

Tumalikod na ako bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin. Pakiramdam ko, oras na lumiit ang distansiya naming dalawa, mahahalata niyang may kinalaman sa kaniya ang pagbalik ng ilan sa mga ala-ala ko.

My actions sometimes become expressive.

Pinilit ko ang maging abala sa buong umaga. I couldn't look at Oliver the way I looked at him before. Hindi ko siya magawang tingnan nang walang takot at kaba kahit pa masiyado naman siyang mabait sa akin.

Ako:

Pupuntahan kita sa hotel n'yo. May kailangan akong sabihin sa'yo.

Nang sabihin sa akin ni Oliver na gagabihin siya ng uwi ay naisip ko agad na lapitan si Ethan at sabihin sa kaniya ang nangyari.

Ethan:

I'll book the nearest hotel from you so you won't have to walk far.

Ako:

Paano si Felize?

Ethan:

Sasama sa akin si Mama. Kukunin niya si Felize para ipasyal sa kabilang bayan.

Hindi kaagad ako sumagot sa reply na 'yon ni Ethan. Magiging ligtas naman siguro si Felize kung sakaling ilabas siya nina Ma'am Chloe at Sir Samael. Mahirap alisin ang pag-aalala lalo pa at posible silang makita ni Oliver.

Ako:

Sige. Mag-aayos na rin kami. Sabihin mo na lang sa akin kung saang inn ka magtitigil.

Nang sandali rin 'yon ay naligo na kami ni Felize at inayusan siya. The moment I informed her that we're off to see Ma'am Chloe, she was very delighted.

"Mommy, are we heading to a different hotel?" tanong ni Felize nang naglalakad na kami sa kalsada.

Tanaw ko na ang maliit na hotel na sinasabi ni Ethan. Totoong malapit lang 'yon sa apartment namin. Kaunting lakad lang ay naroon na. There's nothing suspicious around me. Maraming tao ngunit mukhang wala namang Oliver na nagmamasid.

Suarez Empire Series 3: The Devil's Touchजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें