Chapter 45

23.2K 583 25
                                    

Order my published books at Warranj Suarez Monasterio on Facebook.

Chapter 45

Ma'am Chloe and Sir Samael were really happy the moment they saw Felize stepping in their living room. Kitang kita kung gaano sila kasabik sa bata lalo na si Ma'am Chloe. Sa tuwing magtatabi sila ni Felize, tila sila mag-ina dahil kahit may edad na rin ito, hindi iyon halata.

"Thank you for bringing Felize here. You don't know how happy I am right now." she expressed her feelings.

Nakaupo kami sa living room. Nasa gitna nila ni Sir Samael si Felize. Habang si Ethan, nakatayo sa likuran ko at siguradong nagmamasid. His presence somehow intimidated me.

I wonder if he's been like this even before? Palagi rin ba akong naiilang sa presensiya niya noon? Marahil ay oo. Nasanay na lang siguro kalaunan.

Habang tumatagal, ang kagustuhan kong makaalala at balikan ang nakaraan namin noon ay mas lalong lumalala.

"Gusto rin po kasi kayo makita ni Felize." tipid ang ngiting sabi ko.

"I'm also bored in our house and even Mommy. Daddy will be home later pa po so we have nothing to do there." sabat ni Felize dahilan para mapatingin sa kaniya ang lahat.

Ma'am Chloe bore her soft brown eyes on Ethan. May laman ang tingin na iyon. Ako man ay nakuha na kaagad ang ibig sabihin. Alam kong masakit para kay Ethan na ibang tao ang tinatawag ni Felize na ama niya.

Kapag naalala ko na ang lahat sa amin, ipinapangako kong ipagtatapat ko mismo kay Felize ang katotohanan. Kahit pa mahirap, pipilitin kong ipaintindi sa kaniya.

"I'm not sure if we can bring you somewhere fun, hija..." sabi ni Ma'am Chloe at tumingin kay Sir Samael. "Do you think it's safe?"

Huminga nang malalim si Sir Samael at tiningnan si Ethan at maging sa akin, tila humihingi ng permiso.

"Saka na po siguro, Mama, kapag maayos na ang lahat. Sa ngayon dito na lang po muna ang bata." sagot ni Ethan.

Iyon rin ang nasa isip ko. Kung lalabas sila kasama si Felize, hindi malabong aksidente siyang makita ni Oliver.

"We'll make it up with her next time, Elizabeth. Don't worry." sambit ni Sir Samael habang nakatingin sa asawa.

Malungkot na ngumiti si Ma'am Chloe at nagbaba ng tingin kay Felize. She caressed her cheek as gently as possible.

"We'll play here, Felize. I'm used to play with a little girl because of your Tita Embry."

"Who's Tita Embry po?" puno ng kuryosidad na tanong ni Felize.

Embry, ang pangalan ng babae sa panaginip ko at pamilya rin nila.

Napatingin sa akin si Ma'am Chloe, humihingi ng paumanhin. Alam kong mahirap para sa kaniya ang pigilan ang sarili pagdating sa bagay na ito at hindi ko siya masisisi.

"Ayos lang po. Malalaman niya rin naman po." tipid ang ngiti na sabi ko.

Umiling si Ma'am Chloe at bigo ang ekpresyon nang maganda at maamong mukha. Binalikan niya ng tingin si Felize.

"She's my daughter. You'll meet her one day... if God permits."

Felize nodded her head. Titig na titig ako sa anak ko na bawat kibot ng labi ay mas lalong nagiging kahawig ni Ma'am Chloe.

"Can we talk in private?" Ethan whispered in my ear.

Marahan ko siyang nilingon. Nakatitig siya sa akin, nakaabang sa isasagot ko. Tumango ako sa kaniya ng isang beses. He sighed and nodded his head, too.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon