Chapter 30

35.4K 689 14
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 30

Hindi ko nakuha ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Ethan. Ni hindi ko magawang maunawaan kung bakit kami nasa lugar na ito. Kung bakit mayroong isang babae ang nasa harapan namin, nakagapos at tila isang bihag.

"Bakit narito ang babaeng kasama ni Royce, Ethan? Bakit nasa ganiyang sitwasyon siya?" tanong ko bago muling binalingan ang babae. She was still glaring at me with anger roaming on her chinky eyes. "At bakit nandito tayo?"

Umigting ang panga ni Ethan bago ako sinulyapan. His dark eyes looked hellish, his calmness was more terrifying than ever. I can feel that he was boiling from the inside and it's somehow starting to send shiver down my body.

"You'll see."

Binitawan niya ang kamay ko. Naglakad siya palapit sa babae na ngayon ay titig na titig kay Ethan habang nababahiran ng takot ang mga mata.

Tumayo si Ethan sa harapan niya at kalmadong inalis ang masking tape sa bibig nito. Naroon ang diin. Hindi ko maiwasan maguluhan, tanungin ang sarili kahit pa alam kong wala akong makukuhang sagot, kung bakit nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon.

He's ruthless. It is already given. But right now, he looks dangerously evil.

He is hell.

"Ano ba ang kailangan ninyo sa akin? Bakit ninyo ako dinala dito? This is already kidnapping!" sigaw nung babae bago dumaan ang mga mata sa akin.

For a moment, I thought I saw the fright in her eyes.

"You are aware of the case I would face for doing this to you. Are you knowledgeable enough to know what cases you should face then for trespassing in my girlfriend's apartment?"

Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko dahil sa mga salitang binitawan ni Ethan. Nagsalubong ang mga kilay ko, ang mga palad ay nanglamig at namawis.

He slowly crouched down and leaned towards the girl, his palms were resting on the arm chair. It's as if he was imprisoning him and nothing could make him let her go.

Even me.

"Add the threat you wrote on that mirror using your lipstick. Hmm?"

The room went cold as if all the lost souls of hell had joined Ethan in his torture — like there were invisible darl shadows flew around him and they were at his command.

Binalot nang matinding takot ang mukha ng babae habang nakatitig kay Ethan. Pansin iyon sa paraan ng pagtaas baba ng kaniyang dibdib. Maging ako na nasa likod niya ay hindi naiwasan ang makaramdam ng takot para sa kaniya.

But Ethan remained unmoved. Destructive.

"Anong sinasabi mo, Ethan? Siya ba ang may k-kagagawan no'n?"

Paanong nangyari na itong babae na ito ang pumasok sa apartment ko para gawin ang bagay na iyon? I don't even know her! Kanina ko lang siya nakita dahil kay Royce. Doon ko lang siya natandaan.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Why would I do such things? Nananahimik ako sa bahay ko nang dalhin ako ng mga tauhan mo dito!"

Sinong tauhan? Ang mga lalaki bang nagbabantay sa akin? O, mayroon siyang sarili na hindi ko nakikilala pa?

Mula sa pagkakadukwang ni Ethan sa babae ay umayos siya ng tayo at marahan akong binalingan. Nagtama ang mga mata namin. I noticed how sharp and heavy his breathing was. He was even clenching his jaw.

Naglakad siya palapit sa akin. Hindi ako makagawa ng kahit anong reaksyon. Pakiramdam ko ay masiyado na ako nilamon ng pangamba at pagkalito sa nangyayari ngayon.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchDove le storie prendono vita. Scoprilo ora