Chapter 22

34.7K 698 52
                                    

Chapter 22

Ramdam ko ang puso ko sa aking lalamunan, masiyadong nagwawala. Ako naman ang naghamon nito pero pakiramdam ko, hihimatayin ako sa sobrang kaba. Ayaw ko rin umatras. Iyon ang huli kong gagawin.

Hindi naman nagpakita ng motibo si Ethan sa akin pagdating sa bagay na ito pero pakiramdam ko... siya mismo ang motibo. I won't be surprised anymore that women are after him. Sa kilos at pananalita niya pa lang, masiyado nang malakas ang dating.

His large hand held the door knob and twisted it. Bumukas iyon. The light automatically turned on as if it sensed that someone came in.

Tuluyan na akong pumasok, huminto sa gitna habang pasimpleng iginagala ang mga mata sa paligid. Ethan let go of my hand. Sinundan ko siya ng tingin. He inched the distance towards the wide white curtains. He pressed on to something and it slowly parted into half, making me see the burning city lights from afar that looks like a yellow bokeh.

He turned around, leaning his body against the glass wall. He crossed his arms above his chiseled chest while staring darkly at me. Nang hindi ako magsalita ay nauwi iyon sa pagtaas ng isang kilay niya.

Suminghap ako at bumuntonghininga. Iginala ko sa paligid ang mga mata ko at ngumiti. Lahat ng haligi ay yari sa salamin.

"Ito ang kwarto mo? Maganda," pagbubukas ko ng tema mawala lang ang ilang sa pagitan naming dalawa. "Lahat naman ata ng lugar dito sa penthouse mo ay maganda."

Naglakad lakad ako hanggang sa makarating sa gawi niya. Tinanaw ko ang mga gusali sa malayo habang ang kamay ay nasa dingding. My fingers were slowly sliding down the wall glass like a dramatic lead in a novel.

Ramdam ko ang mabigat na titig ni Ethan sa akin mula sa gilid ko. Pilit ko iyong hindi pinagtutuunan ng pansin. Sa ilang buwan na magkakilala kami, ngayon lang ako nailang sa kaniya.

"Mas maganda kung mayroong titira." sagot niya sa mababang boses.

Tiningnan ko siya at nginitian. "Sobrang dalang mo ba uwian ang lugar na ito? Ilang beses sa isang linggo?"

"Twice a week."

"Madalang nga," sabi ko at tumango tango. "May maintenance naman na naglilinis?"

"Yes."

"Mabuti kung ganoon. Aalukin sana kita na kahit dalawang beses rin sa isang linggo, lilinisin ko itong penthouse mo. Kapalit na rin sa mga bagay na naibigay mo sa akin."

"No need. Everything is being taken care of here," sagot niya. Nang tingnan ko siya ay mariin siyang nakatitig sa akin na para bang wala sa pinag-uusapan namin ang isip niya. "Puwede mo akong bayaran sa ibang bagay."

Words had a hard time falling down my lips. Sa ibang bagay? Ano iyon? Bakit mayroon kaagad tumatakbo sa isip ko. Pakiramdam ko... ang bagay na iyon ang siyang bagay na kanina pa laman ng utak ko.

Fatima, kailan ka pa naging interesado sa bagay na iyon?

Simula ng magkaroon ako ng nararamdaman para kay Ethan. Simula ng hayaan ko siyang dumikit sa akin at hinayaan iparamdam ang mga emosyon na hindi ko akalain na posible pala.

"Sa ibang bagay..." ulit ko at mariin siyang tinitigan, hindi malaman kung saan ako kumukuha ng tapang. "Parehas ba tayo ng iniisip, Ethan?"

Mabagal siyang umalis mula sa pagkakasandal sa salamin na haligi at maingat ang bawat galaw na lumapit sa akin. Pinanood ko siya hanggang sa tumayo siya sa mismong harapan ko. His tall height was reugnii over me. It was as if he was claiming me in every possible way.

"What are you thinking?" his voice was deep and husky, almost sounded like seducing.

Tuluyan ko na siyang hinarap. Sa naging galaw ko na iyon, mas lalong lumalim ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon