Chapter 59

28.3K 612 13
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 59

Umuwi muna kami ni Ethan sa penthouse niya para sandaling magpahinga. Ibinili niya rin kami ng mga damit ni Felize na isusuot para mamaya sa dinner.

Hindi naman 'yon pormal dahil kami-kami lang rin ang naroon. Pero aaminin kong nakakaramdam ako ng kaunting kaba na magkikita kami ulit ni Ate Embry.

I know that she's a kind woman. Sino ba namang tao ang magbibigay ng cell phone sa hindi niya kakilala dahil lang narinig niya itong dinadasal iyon. Somewhere in me treated her as my fairy god woman.

Kung magkikita kami, ano ang magiging reaksyon niya? Ethan said she's not even aware that he's already married. Ni hindi niya alam na ako ang karelasyon ng kapatid niya.

All my what if's would be answered now that I'm standing in front of the Suarez' mansion.

"Mommy, their house is so huge!" humahangang sabi ni Felize habang nakahawak sa kamay ko.

Ngayon pa lang rin ako makakarating dito. Maraming beses akong inaya noon ni Ethan na dalhin dito para makilala ang pamilya niya pero ako lagi ang tumatanggi.

"Oo nga, anak."

"Let's go?"

Nilingon ko si Ethan. Bumalik siya sa kotse para may kuhanin at ngayong narito na siya ulit, mas doble ang naging kalabog ng dibdib ko.

Tipid akong ngumiti sa kaniya saka tumango. He took Felize and placed her on his arm. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming tuntunin ang daan patungo sa mansyon nila.

"Nandiyan na ba si Ate Embry?" tanong ko.

"Hmm. The black SUV parked beside us is their family car."

"Daddy, you said that she is my auntie, right? Is she nice like Lola Chloe?" tanong ni Felize.

Ethan let out a soft chuckle. "Very nice, princess. You will surely like her. She speaks like you, too. Conyo."

"What's conyo?"

"When you speak and combine English and Tagalog language in one sentence, that's conyo."

Natawa ako dahil naalala kong ganoon nga ang paraan ng pakikipag-usap ni Ate Embry sa akin noon. Hanggang ngayon pa rin pala?

"Ganoon pa rin magsalita si Ate Embry, Ethan?"

He sighed and shook his head. "Most of the time. Sumasakit na nga ang ulo ni Papa."

Muli akong natawa. Natigil lang iyon nang makarating kami sa harapan ng pintuan. Ethan held the door knob and twisted it. As soon as it opened, he put Felize down the marbled floor.

Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko sina Mama Chloe at Papa Samael na nakaupo sa couch. Sa harapan nila ay isang babae na balingkinitan ang katawan at bahagyang kulot ang mahabang buhok.

Nasisiguro kong si Ate Embry iyon. Sa gilid niya ay lalaki na hindi nalalayo kay Ethan ang taas at bulto ng katawan.

"Lola Chloe!" sigaw ni Felize at tumakbo patungo sa gawi nina Mama Chloe.

Hindi namin inaasahan 'yon ni Ethan. Nagkatinginan kaming dalawa habang nananatiling nakatayo sa labas ng pinto. Nang ibalik namin ang atensyon sa kanila ay saktong pagpihit ni Ate Embry sa gawi ni Felize.

I saw how her eyes widene a bit upon staring at Felize. Sinalubong ni Mama Chloe ang apo at bahagya pang lumuhod para pantayan ang taas nito. Nagyakapan sila at mas lalong bumakas ang pagkalito sa mukha ni Ate Embry.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now