Chapter 33

24.6K 572 37
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 33

Madali akong nakaalis ng restaurant dahil sa katotohanan na si Ethan na ang may ari ng restaurant. Kung ituring ako ni Ma'am Regina, daig ko pa ang mas mataas ang posisyon kaysa sa kaniya. Ayaw ko ng ganoon. Amo ko siya at kahit pa si nobyo ko ang may-ari ng lugar ng pinagtatrabahuhan ko, amo ko pa rin siya.

But that's the least of my concerns now.

"Anong nangyari kay Papa, Winona? Kayo lang palagi ang magkakasama sa bahay." bungad ko nang makalabas kami ni Ethan mula sa restaurant.

She was standing on the ground with confidence. Bagay na hindi ko alam kung saan niya kinukuha, kung sa anong dahilan.  Tinaasan niya ako ng kilay.

"Aba malay ko! Anino ba kami ng Papa mo? Nasa Makati siya noong mangyari iyon. Hindi niya ba nabanggit sa'yo na sa isang condotel siya nagkokonstraksyon? Tinawagan lang kami at sinabing isinugod sa isang hospital!" irap niya sa akin.

Huminga ako nang malalim, ang pait at pag-aalala ay mabilis na natapon at kumalat sa sikmura ko. Kahit pa wala nang komunikasyon ay alam kong maayos ang relasyon namin ni Papa lalo pa at nag-usap naman kami bago ako umalis.

"Kaya naman pala hindi ka na rin talaga umuwi sa bahay, mayroon kang lalaking nahuhuthutan ng pera."

Naagaw ng mga salitang iyon ang atensyon ko. Naabutan kong nakatitig si Winona kay Ethan habang may ngisi sa mga labi.

"Ano bang sinasabi mo diyan-"

"Got a problem with that?" putol ni Ethan sa akin, malamig ang boses.

Nilingon ko siya. His eyes were dark as the dusky night while looking at her. Isang maling salita pa ni Winona ay siguradong may kalalagyan siya.

Natawa si Winona. "Masiyado ka namang seryoso. Magaling ba ang performance ni Fatima? Bakit hindi mo ako subukan? Baka mas magalingan ka sa akin-"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at marahas nang pinalipad ang palad sa kaniyang pisngi. She cupped her cheeks and glared at me with her furious eyes.

"Gaano kakapal ang mukha mo para sabihin iyan sa boyfriend ko habang kaharap ako? Wala ka na talagang kahihiyan!"

"Bakit? Totoo naman, ah! Pokpok ka at kung sino sinong lalaki lang ang pinapatulan mo!"

Ethan all of a sudden let out a sarcastic chuckle. Tiningnan siya ni Winona, ang takot ay mabilis na pinalibutan ang itim ng mga mata niya.

"It seems like you're referring to yourself," may pang-aasar na sabi ni Ethan. "Are you?"

Tiningnan ko si Winona, ang iritasyon ay hindi na maipagkakaila sa mukha.

"Nagkakamali ka! Malinis akong babae at iyang si Fatima ang malandi!"

Napailing ako, hindi makapaniwalang ganoon na siya kadesperada siraan ako. Hinawakan ko ang kamay ni Ethan at bahagya itong hinila.

"Halika na, Ethan."

Hinila ko na ang kamay niya patungo sa kotse niyang nakaparada hindi kalayuan sa amin. Dinig ko ang buntonghininga niya, tila iritado na.

"No wonder you ran away from your house. That woman has the ability to anger someone just by looking at her face."

Sa kabila ng pag-aalalang nararamdaman para kay Papa ay hindi ko naiwasan ang matawa sa panglalait ni Ethan.

Binuksan niya ang pintuan sa passenger side. Bago pa man ako tuluyang pumasok ay natatanaw na namin si Winona na tumatakbo palapit sa amin.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now