Chapter 28

30.3K 628 21
                                    

Chapter 28

Pinilit kong kalimutan ang nasaksihan sa apartment nung araw na 'yon. Now that I am living here in Ethan's penthouse, I have to admit that I am somehow relieved. Siguro, ngayong nasa puder niya na ako, walang kahit na sino ang makakagalaw o mananakit sa akin.

I used to be alone. Nasanay na akong ako mismo ang nagtatanggol sa sarili ko sa oras ng kaguluhan . Akala ko kaya kong maging matapang gaano man kadelikado ang sitwasyon. But Ethan made me feel vulnerable. Na kahit gusto kong maging matapang para sa sarili ko, hindi niya ako hahayaan. Kasi nariyan siya para protektahan ako.

I tossed the omelette in the frying pan. Maaga akong nagising, siguro ay namamahay pa. Ethan was still sleeping. Parehas naman kaming puyat pero sa aming dalawa, mas higit siya. Lalo pa at ilang beses niya akong inangkin kagabi.

Natigilan ako sa pagluluto nang maramdaman ang mga bisig na pumulupot sa bewang ko. I smiled as soon as I felt his chin resting against my shoulder.

"Good morning. Nakialam na ako dito sa kusina mo." sabi ko nang may ngiti sa may labi.

His hug on my waist tightened. "Do whatever you want. This is your kitchen, too," he whispered and brushed his lips on my cheek. "Morning, baby."

His voice was still gruff from a long sleep. It's  embarassing to admit but it made me turn on. Iyon ang epekto sa akin simula nang may mangyari sa amin. But no regrets. I am actually looking forward to it to happen everyday.

Ethan always makes me ask for more.

"Hmm. Salamat. Pero paubos na ang grocery mo at wala ka ng stocks para sa iba. Siguro ay dahil nga madalang ka manatili dito."

Inilipat ko ang omelette sa lagayan. Medyo limitado ang kilos ko dahil sa pagkakayakap niya sa akin pero ayos lang naman. Hindi ako nagrereklamo.

"We'll do grocery later. No work in the restaurant?"

I smiled inwardly. "Saulo mo na talaga ang schedule ko..." Pumihit ako paharap sa kaniya dahilan para mas maayos kong makita ang gwapo niyang mukha. "Oo, may klase ako hanggang alas tres."

Dinala ko ang kamay sa buhok niya. Bahagyang magulo pa ito pero nakakadagdag kagwapuhan niya iyon. His plain white shirt was a bit crumpled, too. Dumudulas ang mga manggas noon sa tatuan niyang braso.

"Naroon na ako sa eskwelahan bago mag-alas tres."

Tumango ako. "Babalik ka pa sa trabaho pagkatapos natin mag-grocery?"

Madalas kasi ay ala singko o ala sais pa siya umaalis sa kumpanya nila. Ngayon lang magiging maaga dahil iyon ang oras ng uwian ko.

"Hindi na. I'll try to finish all my pending works this morning."

"Huwag na. Puwede namang sa ibang araw na tayo bumili ng mga stocks mo-"

"Natin. We're now living together."

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Parang hindi pa rin pumapasok sa isip ko na nagsasama na kaming dalawa sa ilalim ng iisang bubong. It's still unbelievable on my part but it's the situation that asked for it.

"Is there any chance that I can talk to your father?"

Napukaw no'n ang atensyon ko.

"Si Papa? Wala na kaming komunikasyon. Tumatawag ako sa kaniya pero laging patay ang cell phone niya. Ilang linggo na rin. Balak ko siyang puntahan ngayong sabado sa bahay namin dati. Bakit mo siya gustong kausapin?"

He stared at me, intently. Sumibol ang kaba sa dibdib ko nang makita ang pagiging seryoso ng ekpresyon ng mukha niya.

Bakit niya gustong kausapin si Papa? Ano ang magiging sadya niya dito?

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now