Chapter 19

31.4K 660 27
                                    

Hi! I will be at the Manila International Book Fair on September 15, 2023. You may buy my books there or order through Warranj Suarez Monasterio (Facebook).

See you there!


Chapter 19

Iritado akong pinag-iitsa ang mga damit ko sa tukador. Ni isa ay wala akong mahanap na uniporme para sa magiging duty ko ngayon sa restaurant. Mabait si Ma'am Regina pero pagdating sa uniporme, kailangan masunod ang dapat.

"Ang alam ko talaga ay naglaba ako! Nasaan na ang mga 'yon?" inis na tanong ko sa sarili.

Nakapaglaba nga ba ako? Hindi ko matandaan. Masiyado akong abala sa mga gawain sa school. Kung hindi naman ay magkasama kami palagi ni Ethan kung saan-saan. Nawiwili na nga ako kung tutuusin. Pakiramdam ko tuloy, masiyado ko na siyang crush.

"Ethan! Ethan! Puro na lang si Ethan ang nasa isip mo! Wala ka na ngang maisuot na uniform!" iritadong asik ko sa sarili sabay hagis sa isang itim na underwear sa likuran ko.

I heard a husky chuckle near me. Awtomatiko akong natigil sa ginagawa, ang katawan ay naestatwa. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko bago marahas na humarap sa aking likuran.

Tila ako binuhusan nang malamig na tubig nang makita si Ethan na nakasandal sa pader habang nakatingin sa gawin ko, may nakakaloko at mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. Even though I am always with him, seeing him smirking still feels different to me. Parang hindi ako sanay.

I am used to seeing the soulless, terrifying and insensitive version of him.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa nanglalaking mga mata.

Matunog siyang ngumisi hanggang sa bumaba ang mga mata niya sa katawan ko. The sexy snarl on his lips became even more playful when it stayed on my lower extremities.

Sinundan ko iyon ng tingin. Ganoon na lang ang pag-aapoy ng pisngi ko nang makitang wala akong saplot kung hindi panty na kulay pink kung saan may sailormoon na design at itim na bra. Kaliligo ko lang at may nakabalumbon pa ngang tuwalya sa buhok ko.

Kampanti akong magpagala gala nang ganito ang ayos dito sa bahay dahil masiyadong secured ang ginawa ni Ethan dito. Pinalagyan niya pa nga ng CCTV camera samantalang siya lang naman ang laging pumapasok dito.

"Ethan!" sigaw ko sabay takip sa dibdib ko.

Ni hindi ko alam kung ano ang una kong tatakpan gayong kita rin ang ibaba ko. The devious grin on his lips didn't fade. And when he lifted his hand and spun my underwear through his finger, I literally lost my sanity.

"Ethan! Sira ulo ka!"

Tumakbo ako palapit sa kaniya at pilit hinahablot ang panty ko. Nang-aasar pa, itinaas niya pa lalo ang kamay. Masiyadong malaki ang diperensiya ng taas naming dalawa at literal na nangliliit ako kapag magkatabi kami.

"Ethan, isa!" hamon ko at tumatalon pa para abutin ang kamay niya.

He seemed unbothered. Kahit pa nakasimangot ako at mukhang nagagalit na ay para bang hindi siya naniniwala. Kung sabagay. It should be more than this to make the devil get worried or bothered.

"Tell me first why you're blaming me for having no uniform to wear tonight." he said while staring down at me through his menacing eyes.

Ngumuso ako. Ano ba ang isasagot ko? Na siya lagi ang nasa isip ko kaya nakakalimutan ko na rin ang gawin ang paglalaba? Narinig naman ata niya! Gusto lang ipaulit!

"Siyempre, abala ako palagi at maraming ginagawa-"

Matunog siyang ngumisi na ikinatigil ko sa pagsasalita. He even bit his lower lip making it appear redder.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now