Chapter 42

23K 558 19
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 42

I braced myself when another grinding pain surged through my head. Napaatras ako, tumungo at napahawak sa aking ulo. Pumikit ako nang mariin, nagsisimula nang manikip ang dibdib

"Huwag mo na akong ligawan! Gusto rin naman kita at isa pa, hindi ka naman marunong. Ang sabi nila... kapag parehas ninyo gusto ang isa't isa, hindi na kailangan ng pangliligaw."

Tumaas ang kilay niya bago ngumisi. Mula sa pagkakatuon ng mga kamay niya sa magkabilang gilid ko, mas lalo niya pang inilapit ang sarili sa akin. I can already feel the cold wall behind me

"Hindi talaga. Kung pag-aaralan ko pa kung paano mangligaw, baka matagalan at makakita ka ng mas higit sa akin..." bulong niya sa napapaos na boses.

He inched his face closer to mine that I could already smell his bubble mint breath. Sa tuwing magiging malapit kami kagaya ng mga sandaling ito, ramdam ko ang matinding pagwawala ng puso ko. Para akong kinukuryente. Para akong hindi mapalagay sa kilig na nararamdaman.

"I'm not going to take my time just to learn to court the right way. Kaya kong..." he brushed the tip of his nose against my jaw that sent shiver deep down my spine. "Pakiligin ka kahit tayo na."

I massaged my head even more. I felt a gentle hold on my waist but I didn't bother to look who it was.

"Tandaan mo ang mukhang ito, Ethan. Ito ang magiging mukha ng anak natin kung sakaling babae."

Tumaas ang kilay niya.

"Why would I need to remember your face? It's not that I won't be able to see you again."

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Expression lang iyon para sa magiging mukha ng anak natin sa hinaharap."

"Fatima..."

The pain continued. Sa kabila ng kirot ng ulo na nararamdaman ay pilit akong nag-angat ng tingin. Bumungad sa akin ang madidilim niyang mga mata na puno ng pag-aalala.

He's the man that I kept on seeing on my flashbacks. Ang lalaking sa tuwing kausap ko ay ramdam ko ang tuwa at kilig sa puso ko. Anong relasyon namin? Bakit siya ang palagi kong naaalala? Nagkaroon ba kami ng relasyon bago si Oliver?

Pumikit ako at pinilit ang utak na makaalala pa... na hindi ko dapat ginawa. The pain was now unbearable I could feel myself losing its strength.

"Fatima..." tawag muli nung lalaki na nasisiguro kong Ethan ang pangalan.

Umiling ako sa kaniya. "Hindi Fatima ang p-pangalan ko. Ako si Frances."

Matapos sabihin iyon ay naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko at dilim na unti-unting kumain sa aking kamalayan. Just before my eyes totally shut down, I still saw how his thick brows furrowed as if he's curious with the words I told him.

Nagising akong nakahiga sa isang kwarto. Ang mataas na ceiling ang bumungad sa akin. Sandali akong pumikit, naalalang nawalan ako ng malay kanina sa Plaza Mayor habang kasama si Felize.

My eyes suddenly opened when I remembered my daughter. Marahas akong bumangon, mabilis ang tahip ng puso.

"Felize!" sigaw ko.

Luminga linga ako. Ganoon na lang ang pagtalon ng puso ko nang makita si Ethan na nakatayo sa isang sulok. He was leaning his back against the nude wall. His arms were crossed against his chest while staring intently at me through his dark and intimidating eyes.

Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, tila ba pinag-aaralan niyang mabuti ang mukha ko. The way he stared at me feels like he couldn't believe that he was seeing me.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now