Chapter 40

24.5K 511 17
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 40

Sa kabila ng pagkakaroon ng hindi sapat na tulog mula sa nagdaang gabi ay maaga pa rin akong nagising. Inaasikaso ko si Oliver para sa pagpasok niya sa trabaho. Nagluluto ako at sinasabayan na rin siya sa pagkain ng almusal.

Kahit madalas ay tahimik kami sa hapagkainan at hindi nag-uusap, sinasabayan ko pa rin siya.

"Nagluto ako ng paborito mong ulam. Baka gusto mong mag-baon." sabi ko habang nilalaro ang kanin sa plato.

He didn't answer me right away. Naghari ang katahimikan dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya. He was eyeing me intently as if he wanted to know something.

"You have bags under your eyes," he noticed. "Did you sleep properly?"

Ako naman ang hindi nakasagot. Sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa pananakit ng ulo ko kagabi? Pero ayaw kong mag-alala siya dahil lang doon. Marami na siyang trabaho at ayaw kong magdagdag alalahanin sa kaniya.

Hindi ko rin gustong sabihin na tila ako nakakita ng isang lalaki sa isip ko. Kapag sinabi kong hindi siya iyon, ano na lang ang iisipin niya?

Mag-asawa man kaming dalawa kagaya ng sinasabi niya, aaminin kong hindi ako gaanong palagay sabihin sa kaniya ang mga ganoong bagay. We kiss but we don't do things a marriage couple should do. Hindi ako kumportable at hindi niya rin naman ako pinipilit.

He earned my respect for that.

"Hindi naman. Medyo m-malamig lang ang klima kagabi kaya pagising gising ako." dahilan ko.

He doesn't seem convinced with my alibi though. Nanatili siyang nakatitig sa akin dahilan para makaramdam ako ng pagkailang.

"Matulog ka pag-alis ko. Let Felize play inside the house. Huwag na kayong lumabas ng bahay."

Tumango ako bilang sagot. Sandali akong nanahimik. Bumalik na siya sa pagkain habang ako, pasulyap sulyap sa kaniya.

"Oliver..." tawag ko, hindi na nakatiis pa.

He raised his eyes and glanced at me. "Hmm?"

"Sinabi mong matagal na tayong magkasintahan bago pa tayo nagpakasal. May mga... kaibigan ba ako?" lakas loob na tanong ko.

He suddenly stopped chewing. His eyes dimmed but his expression remained the same - cold and serious. Hindi naman siya galit sa tanong ko, hindi ba? Wala naman sigurong masama doon.

"Why did you suddenly ask that, Frances?"

Frances... Everytime he calls me that, it also doesn't feel right. Iyon naman talaga ang pangalan ko, hindi ba? Bakit pakiramdam ko... hindi iyon ang tunay kong pangalan?

I don't know why over the past years that I'm living after that accident, this is the only time that I felt something was off. Is it because of that flashback?

"Frances..." Oliver saved me from drowning from my thoughts.

"Huh?" lumunok ako. "Wala naman. Naitanong ko lang. Naisip ko lang kung... ganito na ba talaga ang sitwasyon natin kahit noon. P-Palagai lang akong naiiwan sa bahay?"

"You want to do something else?"

Hindi ako nakasagot. Ang sabi niya noon, nakatapos ako ng pag-aaral pero hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na maghanap ng trabaho. Nangyari ang aksidente at ganitong buhay na ang nakamulatan ko.

"You have no friends before. Ako lang ang kaibigan na mayroon ka noon..." aniya at ibinalik ang atensyon sa pagkain. "Hanggang ngayon."

Hindi siguro ako palakaibigan? Masama ba ang ugali ko sa ibang tao?

"If you want to do something, wait till we go in Spain. Mananatili tayo doon ng ilang buwan."

"Aalis na tayo kaagad dito?" taas ang dalawang kilay na tanong ko.

He didn't look at me and just nodded his head.

"Business related."

Ilang linggo pa lang kami dito, aalis na kaagad? Bakit sobrang bilis? Hindi katulad sa mga nakaraang paninirahan namin sa ibang bansa, umaabot ng buwan.

"Sayang naman. Nagustuhan ni Felize ang lugar na ito. Bukod sa malayo sa syudad ay maganda ang tanawin."

He averted his eyes on me, his expression remained vague.

"Spain is a nice country, too. She will surely like it there."

Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa. Kahit naman tumutol ako sa mga desisyon niya, kahit napapagod sa palagi naming paglipat ng tirahan, wala akong magagawa kung hindi ang sumunod pa rin.

Pakiramdam ko, wala akong magagawa para suwayin siya dahil literal na wala akong kakayahan gumawa ng isang desisyon. Lalo pa at wala akong naaalala.

May regular check up naman ako online. Kaibigan ni Oliver ang doktor na tumitingin sa akin. Ang sabi, babalik pa naman daw ang ala-ala ko pero hindi ko puwedeng pilitin dahil maaaring tuluyan na itong hindi bumalik.

Just in case my memories finally come back, would I be able to find out things that are different from what I know now?

Pumasok na si Oliver. Nang magising si Felize ay pinakain ko na siya at pinaligo pagkatapos. Kagaya ng bilin ni Oliver, hindi na kami lumabas ng bahay. We don't have internet here. May tv naman at iyon na lang ang pinagkakaabalahan namin.

"Mommy, there's a Filipino channel here." Felize said.

Mula sa mga damit na itinutupi, bumaling ako sa kaniya. She was sitting on the bed, her eyes focused on the flat screen tv.

Napatingin ako roon. Base sa altar at dami ng tao, isang catholic mass ang ipinapalabas. Hindi ko alam kung kailan ako huling nagsimba. Maging iyon ay nawala na rin sa ala-ala ako. One thing's for sure, Oliver has never brought me to church to attend a mass with him.

The camera was suddenly focused on a beautiful woman standing on a dumbo. Sa tingin ko ay naglalaro sa sinkwenta ang edad niya pero ang ganda na mayroon siya ay pinapabata siya. Nakaharap ito sa microphone, nakatungo habang nagsasalita sa malambot na boses.

"She's very pretty, Mommy." Felize mumbled.

Immense pain suddenly squeezed my head. Wala sa sarili akong napahawak dito bago yumuko. Pumikit ako nang mariin, sinusubukan masahihin ang aking sentido ngunit sa bawat paglipas ng segundo, mas lalong tumitindi ang kirot.

"Sobrang ganda ng Mama mo. Magkamukha sila ni Ate Embry. Tapos ikaw, kamukha mo si Tito."

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang litrato ng pamilya niya. Hindi ko magawang alisin ang mga mata sa mismong mukha ng Mama niya. Kulang ang salitang paghanga para mailarawan ang nararamdaman ko.

"Mas maganda ka..."

Humagikhik ako sa naging sagot niya.

Another set of stinging pain attacked my head that stopped me from seeing the owner of that voice.

Hinihingal, mas lalo kong ipinikit ang mga mata, nagbabakasalin giginhawa ang pakiramdam ko matapos ang mabilisang pagsulpot ng ala-ala na iyon.

"She looks like me, Mommy."

Those words made me lift my eyes to Felize. She was still looking at the television. Wala sa sarili kong pinagmasdan ang babaeng naroon. As she was speaking on the microphone, she raised her angelic eyes and glanced at the monitor as if she was looking at me.

Ang babae sa ala-ala ko...at ang babaeng nakikita ko ngayon... ay iisang tao lang.

Sino siya? Anong koneksyon ko sa kaniya?

To those who want to subscribe on VIP Facebook Group, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Completed on VIP Facebook Group, Spaces, and Patreon. Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now