Chapter 60

23.9K 488 23
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 60

Sa kagustuhan ni Mama Chloe, doon kami lahat natulog sa family house nila. I have got the chance to meet Heislee and Caleb, Kuya Caspian and Ate Embry's twins.

Tama nga sila, magkamukhang magkamukha si Felize at Heislee. They can even pass as sisters. Pero si Caleb ay kamukha ni Kuya Caspian.

Dalawang taon pa lang sila. Ang sabi ni Ate Embry, marami silang pinagdaanan ni Kuya Caspian para lang mabuntis siya. She had a hard time conceiving and almost gave up. But the dear Lord is really good to bless them more than one.

Alam kong hindi totoo ang salitang perpekto. Pero ang klase ng pamilya na mayroon si Ethan, sila ang babali sa kasabihan na 'yon. Kahit pa may problema na pinagdaanan, hindi 'yon magiging dahilan para masira sila.

"Ang aga nating aalis. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Ethan nang sumakay kami sa kotse.

Iniwan namin si Felize kay Mama Chloe. Ang sabi kasi ni Ethan ay may importante kaming lalakarin at baka abutin ng maghapon. He doesn't want to tell me about it but the curiosity is already killing me.

"Ngayon na ba tayo tatakas?" segunda ko at nilingon siya matapos ikabit ang seat belt.

As soon as he started the engine, he glanced at me and gave me a ridiculous sexy smirk.

"No, baby. We're not doing that today."

Ngumuso ako. "Kailan? Hindi rin naman natin ginawa kagabi."

Hindi ko akalain na sa pagbalik ng ala-ala ko, maging ang kasabikan ko pagdating sa bagay na 'yon ay babalik rin.

"You easily doze off. What do you want me to do? Wake you up?"

"Oo. Puwede naman."

He chuckled. Sa tono ng tawa niya, para bang pinagtatawanan niyang sabik na sabik ako sa bagay na 'yon.

"You're exhausted last night, Fatima. If I do you, you must need a lot of energy," he said. "One round won't be enough."

Alam ko naman. Parang katulad lang dati na sa tuwing ginagawa namin 'yon, ihi lang ang pahinga.

Pero nakakahiya rin naman kasi kung doon pa namin 'yon gagawin sa bahay nina Mama Chloe. Baka mamaya ay mapalakas ang ungol ko at marinig ako ng kung sino man.

Alangan naman itanong ko kay Mama Chloe kung sound proof 'yong mga pader nila sa bahay. Baka bigla niya ako buhusan ng holy water. Ang dami ko kasi nakikitang ganoon sa bahay nila.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Umaandar na ang sasakyan at nasa high way na kaagad kami. Mabilis magpatakbo si Ethan at sa tingin ko, ugali niya na 'yon na mahirap baguhin. Mabuti na lang at kapag kasama namin si Felize, nagagawa niyang kontrolin.

Nagbaba ako ng tingin sa hita ko nang maramdaman ang paglapat ng kamay ni Ethan doon. His large hand was gently caressing it as if it was seducing me.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. His eyes were focused on the road. His free hand was the only one maneuvering the steering wheel.

Sa itsura niyang iyon, hindi ko maiwasan ang hindi siya hangaan sa isip ko. Para bang hindi ako makapaniwalang asawa ko siya. Na sa akin siya.

Kinuha ko ang kamay niya at nakangisi itong ipinasok sa loob ng dress ko. I placed it in between my thighs, letting him feel that.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now