Chapter 35

27.3K 585 34
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 35

We never had the chance to find out the reason why Crisante Meneses did that to my father. Kinabukasan matapos ang aksidente, nalaman naming hindi na ito pumapasok pa sa trabaho. He got hit by a car and was proclaimed as dead on arrival.

Parehas kami ng hinuha ni Ethan na maaaring may kinalaman si Royce dito. Nakakapagtaka lang na matapos malaman ng mga Suarez ang nangyari at kung kailan hinihintay ito para makausap, saka naman may mangyayaring aksidente.

Gusto kong isipin na aksidente lang talaga ang lahat. Na walang kinalaman si Royce sa mga nangyari pero sa paglipas ng panahon na hindi ko siya nakikita at walang paramdam mula sa kaniya, lumalakas lang ang paniniwala kong hindi pa rin siya tapos lalo pa at patuloy pa rin siyang nananahimik.

Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang itim na toga na naka-hanger sa aparador. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong itaguyod ang sarili ko at makatapos sa pag-aaral.

Bukas na bukas ay aakyat na ako ng stage. Magagawa ko nang humarap sa mga magulang ni Ethan at mayroon na akong maipagmamalaki.

Lumangitngit ang pintuan. Tumingin ako sa gawing iyon at nakita si Ethan. He was slowly entering the door, his eyes were already focused on me. Ngumiti ako sa kaniya at isang beses pang sinulyapan ang toga.

Naramdaman ko ang mga bisig niya na yumakap sa bewang ko. He rested his chin against my shoulder that made me smile even more.

"Are you excited?" he whispered.

"Oo naman. Alam mo kung gaano ko hinintay ito. Attend ka bukas, ah?"

His hugged on my waist tighter. "I wouldn't miss it for anything."

Ang sabi ni Papa ay a-attend din daw siya bukas. Hindi ko alam kung isasama niya ang mag-ina pero ano pa man, huwag na sana silang manggulo.

"Let's have dinner outside. I reserved a table for us."

"Ngayon na? Anong isusuot ko? Pormal ba?"

"Wear anything you want. We'll be leaving in an hour."

Pumihit ako paharap sa kaniya. Bahagya akong tumingkayad para halikan siya sa kaniyang labi.

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Mahirap ang mga pinagdaanan ko sa pag-aaral sa mga nakalipas na buwan pero palagi kang nasa likod ko. Hindi mo ako pinabayaan."

May mga pagkakataon na umuuwi akong pagod sa pag-aaral at pagtatrabaho. Nariyan ang nakatulog ako habang nakaupo sa harapan ng laptop at gumagawa ng mga report. Nagigising na lang akong may comforter na nakapatong sa mga balikat ko at makikita siyang gumagawa ng dapat ay responsibilidad ko.

He gave me encouraging words whenever I felt down and I already wanted to give up. Sa lahat ng tao, siya ang walang sawang ipinaparamdam sa akin na kaya ko. Na wala akong hindi kakayanin kasi magaling ako.

And now I am here, already surpassed the trials because he's always standing behind my back.

"Why are you crying?" he asked, a smirk was rolling across his lips as if he's teasing me. 

Dinala niya ang kamay sa gilid ng mga mata ko at marahan iyong pinunasan. I giggled as I helped him dry my tears.

"Wala lang. Naisip ko lang... palagi naman... kung gaano ako kasuwerte sa'yo. Kung ano man ang narating at natapos ko, Ethan, ikaw ang isa sa pinakadahilan ko. Ikaw ang inspirasyon ko."

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now