Chapter 26

36.8K 727 10
                                    

Chapter 26

Marahas na bumukas ang pintuan. Hindi ako nakagalaw para lingunin iyon. My eyes were stuck in the words written in the mirror. I can feel my lips trembling, my knees and hands shaking in fright. Hindi ko akalain na ang mga ganitong eksena ay nangyayari sa reyalidad.

Narinig ko ang mariing mura ni Ethan sa tabi ko. Through our reflection in the mirror, I saw him standing beside me. Hindi ko magawang ialis ang paningin sa mga letra, iniisip kung sa anong dahilan at nakakabasa ako ng mga ganito.

Lumapit si Ethan sa salamin. He lifted his hand and wiped one of the letters with his finger. He looked down and examined it, his thick and bushy brows furrowed with immense anger.

"This ain't blood." he said while still staring at his fingertip.

Hindi dugo? Ano kung ganoon? At kahit pa hindi dugo, bakit mayroong ganito sa loob ng kwarto ko? Paano siya nakapasok dito? At higit sa lahat, sino ang maaaring gumawa nito?

Mabilis kong nilapitan si Ethan. Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya at tinitigan ang kulay pula. It indeed doesn't look like a blood. It looked like a smudged lipstick.

"Lipstick..." he said that word with venom as if he read the same thought in my head.

"Babae ang gumawa nito, Ethan?"

Hindi siya sumagot kaagad. Nilingon niya ako, salubong ang mga kilay na para bang gusto niya rin itanong ang bagay na iyon sa akin.

"I doubt that. Whoever did this is trying to confuse you."

Naiwan akong nakatitig sa kaniya, pilit iniintindi ang sinasabi niya. Ibig sabihin ay lalaki ang gumawa nito. Sino kung ganoon? Wala akong matandaang may kagalit ako.

"Ethan..." tawag ko sa kaniya nang may mapagtanto.

Our eyes collided with each other again.

"You have someone in your head." he trailed as if he knew me that much.

Lumunok ako. "Paano kung ang gumawa niyan ay iyong lalaking muntik na akong patayin sa bahay ni Royce noon?"

Hindi siya sumagot. He was just staring at me, deep and penetrating. Itinuon niya ang mga mata sa salamin, umiigting ang panga.

"I'll check the cctv."

Saka ko lang naalalang mayroong cctv na ipinakabit si Ethan dito sa buong bahay. My heart raced badly when I realized we would find out who did this right away.

"I need your laptop, Fatima."

"O-Oo. Kukuhanin ko."

He nodded his head, his eyes were holding rage and vengeance as he walked past me. Sinundan ko siya ng tingin. Bumaba ang mga mata ko sa mga kamao niyang nakakuyom. Huminga ako nang malalim, hindi pa rin tinatakasan ng kaba sa dibdib.

Tumalikod na ako at kinuha ang laptop ko na nasa loob ng cabinet. Hindi ko mahagilap sa isip ko kung paanong nangyari ang lahat ng ito.

Kung ang lalaking iyon sa bahay man nina Royce ang may gawa nito, sa anong dahilan? Tumupad ako sa usapan namin na hindi ko ipagsasasabi ang mga nasaksihan ko noong gabi na iyon. It was a nightmare I had to bury it under the ground despite haunting me for nights.

Alam niya kung saan ako nakatira. Ibig sabihin ba ay talagang binabantayan niya ako?

The thought of someone's watching me while I am sleeping every night sent shivers deep down my spine. Kung tama man ako ng hinala na may kinalaman ang taong iyon sa nangyari dito, hindi ko alam kung ano ang gusto o kailangan niya sa akin.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now