Chapter 57

27.7K 611 12
                                    

Chapter 57

Hindi ko na naibalik pa sa pagkain ang atensyon. Tumayo ako nang huminto sa harapan ng mesa si Oliver. Sa paraan ng pagtingin sa akin ni Ethan, para bang sinasabi niya na hindi ako dapat mag-alala na narito ito.

Alam kong mabait na tao siya at napatunayan ko 'yon sa mga nakalipas na panahon na nagsasama kami sa ilalim ng isang bubong. Pero hindi pa rin maiaalis sa akin ang mag-alala na narito siya, humaharap sa pamilya ng lalaking inalisan niya ng karapatan makasama ang sariling pamilya nito.

"Good morning. I know I am not welcome to come here nor have ask for your permission about this. I just really want to talk to all of you."

Wala sa sarili akong napatingin kay Ethan. He was just coldly looking at him. Walang emosyon ang mukha niya pero alam ko na alerto siya ano man ang mangyari.

I tried to look at Mama Chloe and Papa Samael. They were both sitting on the chair while staring at Oliver. Wala rin emosyon na matatanaw sa mga mukha nila.

For some reason, it made me feel scared that their expressions remain stoic. Para bang sa kabila ng ganoong reaksyon nila ay may itinatago silang kalupitan.

"We don't have much time for this," sagot ni Papa Samael sa malalim at buong boses. "Talk."

Huminga nang malalim si Oliver. Tumungo siya at nanatili sa ganoong posisyon sa sumunod na mga segundo. It's then he raised his eyes and met our gaze.

"In front of all of you, I want to apologize for everything I have done to you, Ethan and Fatima. Malaki ang naging pagkakamali ko sa inyo dahil sa kagustuhan ni Royce. It was a mistake neglecting to do the right thing. Sa kagustuhan kong makaganti sa mga magagandang nagawa ng kapatid ko para sa akin noong nabubuhay pa siya, mas pinili kong gumawa ng pagkakamali..."

Narito siya para humingi ng tawad sa mga Suarez, kung ganoon?

"Alam ko na hindi maibabalik ang mga nasayang na panahon sa inyo gaano man ako humingi ng tawad, Ethan at Fatima. Gusto ko lang talaga humarap sa inyo ng pormal para sa kapatawaran dahil pakiramdam ko, 'yon ang nararapat," aniya at muling huminga nang malalim. "Pero maiintindihan ko kung hindi n'yo maibibigay 'yon."

"Hindi kami ang Diyos para hindi ka patawarin sa mga pagkakamali mo, Oliver. The fact that you are brave to stand where you are right now, admit your mistakes and ask for forgiveness are already enough for us to forget everything and move on."

Ngumiti si Oliver, pilit at halata ang pagkahiya.

"I'm sorry. Mostly to you, Ethan and Fatima. Sorry for depriving you the chance to be happy with each other. For taking your freedom away for so long..." he was looking at me. Tumungo ako, hindi makayanan makita ang sakit sa mga mata niya. "Just in case you decided to send me to jail, I'm just in the apartment. Sasama kaagad ako sa inyo."

Walang nagsalita ni isa sa amin. Mula sa pagtitig sa sahig ay napansin ko ang bahagya niyang paglapit sa gawi ni Felize. Sinubukan kong mag-angat ng tingin sa kaniya. He was staring at my daughter with a little smile on his lips.

"Daddy Oliver, I have now my Daddy Ethan with me. He said I can have two daddies!" masayang sabi ni Felize.

Hindi ko magawang alisin ang atensyon mga mata kay Oliver kaya naman kitang kita ko ang tunay na ngiti sa mga labi niya. He even stroked her soft hair like he used to do back then.

"Love him more, Felize. He's your super hero. Time will come and you will be needing someone when you are in trouble and your Daddy Ethan will come to save your day."

Felize giggled, taking the conversation lightly.

"That's why I thought he is like Captain America, Daddy Oliver. They are both pogi and strong."

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchDonde viven las historias. Descúbrelo ahora