Chapter 41

23.9K 564 27
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 41

Ilang araw lang rin at bumiyahe na kami patungong Spain. Sa ilang sandali namin sa Norway, natutunan ko nang mahalin ang bansang iyon. Lalo na sa Geiranger kung saan kami nagtigil. If I were given a chance to live permanently in one of the countries we have stayed in before, I would choose Norway.

"We'll stay here for the mean time. Kung mayroong magiging pagbabago sa trabaho at kailangan natin lumipat, sasabihan ko kayo." saad ni Oliver nang makapasok kami sa loob ng isang malaking apartment.

The place was modern with a little touch of ancientness. There were abstract paintings hanging on the white wall. Ang ilan doon, tila gawa ng isa sa mga sikat na pintor sa mundo dahil minsan ko nang nakita sa isang museum nang ipasyal kami ni Oliver noong manirahan kami sa Italy.

"The place is nice, Daddy. But I like it more in Geranger." sabi ni Felize habang inililinga ang mga mata sa lugar.

Wala sa sarili akong napatingin kay Oliver. He's also looking at me. Hindi ko magawang basahin ang emosyon sa mga mata niya. Huminga siya nang malalim at nagbaba ng tingin kay Felize.

He carried her and placed her in his arms. Felize innocently stared at her father.

"Don't worry. You will also learn to love this place." saad ni Oliver.

Tumango si Felize at hindi na nagsalita pa. Sa halip ay yumakap na lang siya kay Oliver. He sighed and hugged his daughter back.

Aksidenteng bumaba ang mga mata ko sa mga kamay ni Oliver.

"Nasaan ang wedding ring mo?" biglang tanong ko.

Sandali niya akong tinitigan, tila natigilan at hindi inaasahan ang naging tanong ko. Sa ilang taong pagsasama namin, ni minsan ay hindi niya 'yon hinubad. Ngayon lang.

"I had to remove it. Naghugas ako ng kamay kanina."

"Araw-araw ka namang naghuhugas ng kamay pero ngayon mo lang hinubad iyon."

Umiling siya. "Palagi kong hinuhubad sa tuwing naghuhugas ako. Ngayon ko lang nakalimutan isuot ulit."

Alam ko naman na hindi sinungaling na tao si Oliver. Kapag sinabi niya ang isang bagay, iyon mismo ang katotohanan. Hangga't maaari, ayaw ko siyang pagdudahan.

"Puwede mo nang ayusin ang mga gamit ninyo. Magpahinga ka na pagkatapos. Ako na muna ang bahala sa anak natin." pukaw niya sa atensyon ko.

Tahimik akong tumango. Inisang sulyap ko pa si Felize na ngayon ay nakatulog na sa balikat ng ama niya. Marahil ay napagod na rin sa biyahe.

Umakyat ako sa hagdan bitbit ang personal kong bag. Ang mga bagahe namin, nasa kwarto na at kanina pa naiakyat ni Oliver. Pagkarating doon ay iginala ko ang mga mata sa paligid.

The interior is a combination of white and wood. May fireplace at flat screen tv sa ibabaw. Malalaki ang mga bintana na yari sa salamin at may malaking kama rin sa dulo. There were couches in brown shades and a wooden center table.

Naglakad ako palapit sa bintana. Tanaw ang malawak na espasyo doon. Ang sabi ni Oliver kanina, Plaza Mayor daw ang tawag sa lugar na iyon. Sa harap ay isang matayog at malaking gusali. Maraming tao na namamasyal.

Sana isang beses, magawa namin mamasyal dito. Kahit sandali lang. We failed to do that while we're in Norway. Hindi kami hinayaan ni Oliver lumabas.

Inayos ko ang mga damit at inilagay iyon sa cabinet na nandoon. Bihira ako mag-ayos ng gamit sa tuwing lilipat kami ng bansa. Hindi naman kami nagtatagal kung kaya wala rin saysay.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now