Chapter 37

24.4K 517 23
                                    

Chapter 37

I felt my head throbbing as soon as I gained consciousness. Unti-unti kong iminulat ang mga mata para lang muli itong ipikit nang mariin. The sunlight coming from the window made of glass was peeking through it. Makirot ang epekto no'n, tila nakakabulag.

Dinala ko ang kamay sa sentido at marahan itong minasahe. Sa gitna ng ganoong galaw ay mabilis na umahon mula sa isip ko ang mga nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.

I once again unlocked my eyes and looked around us! Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang nasa lugar ako na hindi pamilyar sa akin.

"Nasaan ako?" bulong ko sa sarili, habol ang aking paghinga.

Malawak ang lugar. Puti ang mga dingding at iilan lang ang gamit na naroon. Bukod sa malaking kama kung saan ako naroon, may isang couch rin at cabinet.

Tiningnan ko ang sarili. Suot ko pa rin ang dress ko sa graduation. Pinakiramdaman ko ang sarili kung mali...kung may nasakit. Normal ang pakiramdam ko kaya naman tinanggal ko na sa isip ang bagay na maaaring nangyari sa akin

Si Ethan? Anong lugar ito? Magkasama kami kanina! Pati na rin si Papa. Nasaan sila?

Tuluyan na akong umalis mula sa kama at bumaba sa sahig na yari sa marmol. Dumiretso ako sa pintuan at hinawakan ang door knob. Paulit ulit ko iyong pinihit ngunit sarado.

Sa pagkakaalala ko, nagpaalam ako kina Ethan at Papa na tutungo lang sa banyo para umihi. Nakakita ako ng isang lalaki kung saan may ipinaamoy sa akin gamit ang isang panyo. Nawalan ako ng malay pagkatapos.

"Buksan n'yo ito!" sigaw ko at ilang beses na kinalampag ang pintuan.

I tried to look for my personal belongings or cell phone but realized that I left them in Ethan's car.

Nagsisimula nang mag-init ang mga mata ko. Hindi nakatulong ang kaba at takot na umaakyat sa ulo ko. There's an idea circulating in my head, a conclusion that I don't want to accept. Ayaw kong takutin ang sarili ko.

Maybe this is just a prank made by Ethan? Baka may surpresa siya at kasama ang bagay na ito doon. Hindi ako dapat nag-iisip ng hindi maganda! I have to calm down. Walang nangyaring masama sa akin.

I knocked on the door thrice.

"Ethan? Nariyan ka ba? Buksan mo na 'yung pinto. Kung may balak kang surpresa o ano pa man, huwag sanang ganito..." natawa ako. "Kinakabahan kasi ako."

Naghintay ako ng ilang minuto ngunit walang nagbukas ng pinto. Wala rin akong narinig na ingay o kahit anong kaluskos. Pakiramdam ko, ako lang ang narito sa lugar na ito.

Pumihit ako at naglakad palapit sa bintana. Malawak na kapatagan ang bumungad sa akin. May mga itim na kotse sa ibaba, nakaparada sa mismong tapat. Kahit ang lugar na kinatitirikan ng bahay na ito, hindi pamilyar.

I heard the door knob click. Mabilis akong pumihit paharap sa gawi no'n. It slowly opened. Nagtama ang mga mata namin. Sa tuluyan nitong pagbubukas, bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahang makikita ko rito.

"R-Royce..." my lips quivered at the sight of him.

Walang reaksyon ang mukha niya. He doesn't change a lot. Kung ano siya nang huli ko siyang makita, ganoon pa rin ngayon. Only that he had grown facial hair on his face. Wala na rin salamin sa mga mata. Wala ng bakas ng pagiging mahina.

Malamig siyang nakatitig sa akin. May galit na hanggang ngayon, hindi ko maunawaan kung para saan.

"Royce...a-anong ginagawa mo d-dito? Ikaw ba ang gumawa nito sa akin?"

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now