Chapter 37: General Cleaning

Magsimula sa umpisa
                                    

Ipinihit ko ang ulo ko upang makita ang gwapong alien na nakangiting papalapit saakin.

Pinatigil nya ang itim nyang kabayo sa gilid ko bago nagsalita.

"Kanina pa kita hinahanap. Bakit nandito ka?" Tanong nya.

"Bakit? Bawal ba pumunta dito?" Tanong ko din.

Ngumisi sya bago umiling.

"Tara. Dun tayo. May maliit na lake dun" pinasadahan ko ng tingin yung itinuro nya. Magubat masyado kaya hindi ko gaanong nakikita yung lake.

Tumango ako at akmang paaandarin na ang kabayo ko nung bigla nyang hawakan ang kamay ko.

Natigilan ako ng ilang sandali habang nakatitig sa mga kamay namin.

"Siguro naman, pwede na tayo ngayong mag holding hands?" He asked.

"P-pwede naman" i don't know why i stuttered. Gees.

"Miss na miss na kasi ng palad ko ang palad mo" dagdag pa nya bago kami tuluyang lumarga.

Pumupula nanaman ang pisngi ko. Eeeeeehh!

"Mag boyfriend at girlfriend na tayo pero wala pa kong gaanong alam tungkol sayo."
Muling nakuha ni V ang atensyon ko nung mahina nyang sabihin ang mga yun.

Tumigil ang ga kabayo namin nung nasa tapat na kami ng lake.

"I want to know more about you Louise. kagaya nang Bakit ka pumasok sa school na to?"

Nadama ko ang kabang biglang bumalot sa puso ko.
Handa na ba kong sabihin sa kanya ang totoo? Pero paano pag hindi sya natuwa sa ikekwento ko? Pano pag nagalit sya sa rason ko?

Ayokong sabihin pero alam kong daratong ang panahong kailangan ko na ding umamin.

Huminga muna ako ng malalim.

"May pinagtataguan kasi ako" tinignan ko sya at dun ko nakita ang sinseridad nya. Seryoso lang syang nag aabang sa sunod na sasabihin ko. "T'was my ex. Ayoko na syang balikan pa kaya nagtatago ako sa kanya"

Tumingin ako sa malayo habang inaalala yung lintik na cedrick na yun.

"Do you love him?"

Naipaling ko pabalik sa kanya ang ulo ko. Seryoso ang mga mata nya. He's jaw was slightly clenched. Para bang naiinis na sya.

Tama ba ang desisyon ko sa pag amin?

"I loved him. Nasaktan ako ng husto nung lokohin nya ko at nasasaktan ako sa twing nakikita ko ang mukha nya at yung mukha nung babae nya. Desidido na kong makalimot noon kaya pumasok ako dito. Dito sa lugar kung saan hindi nya maiisip na makikita ako."

Nag dilim ang mukha ni V pero tila desperado na syang malaman ang lahat kaya nagtanong pa sya muli.

"Do you still love him?"
Malungkot ang mga mata nya habang nakatitig saakin.

Umiling ako.
Bahagyang nawala ang pangamba sa mukha nya dahil sa simpleng pag iling ko.

"Hindi na. Ikaw na ang mahal ko" ngumiti ako sa kanya. "Simula nung mahalin kita, napaisip na ko kung pagmamahal nga ba yung nadama ko sa ex ko."

Nagliwanag ang mga mata nya at bahagyang umawang ang bibig. Para bang hindi makapaniwala sa lumalabas sa bibig ko.

"Sayo ko lang nadama to" humawak ako sa dibdib ko. "Ikaw lang ang gumulo ng ganito sa utak ko." Gusto kong mapangiti dahil sa sayang ipinapakita ng mukha nya. "Ikaw lang ang nagbigay ng gantong klase ng saya sa buhay ko at alam kong mahal kita kaya nga feeling ko, infatuation lang yung nadama ko sa ex ko"

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon