EPILOGUE: THINGS WENT RIGHT, FINALLY!

44 2 0
                                    

ALEXA'S POV

" Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap,"

Naputol ang pagtitig ko sa ilog dahil sa mga salitang iyon. Agad ko din siyang nilingon.

" Bakit mo ba ako hinahanap?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

" Well, naghahanda na kasi sila ng makakain, so ako ang naatasan na hanapin ka," sagot niya saka umupo sa tabi.

" Ang ganda ng ilog, no?" komento ko habang minamasdan muli ang ilog.

" Ang ganda nga,"

" Hindi ka naman sa ilog nakatingin eh," pigil kilig kong sambit ng lumingon ako sa kaniya.

" Mas maganda ka kasi kesa sa ilog," depensa naman niya at umiwas ng tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pamumula ng tainga niya.

" Ang bolero mo talaga. Tara," pag-aya ko sa kaniya saka tumayo.

" Saan naman?" takang tanong niya sa akin.

" Basta, Tayo ka na diyan," usal ko saka siya hinatak patayo.

" Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya muli sa akin matapos niyang tumayo.

" Sa walang hanggan," natatawang sagot ko.

Kitang kita ko ang buong pagtataka sa mukha niya. Magsasalita pa sana siya nang hatakin ko siya papunta sa ilog. At walang sabi-sabing hinatak ko siya palusong sa ilog. Sabay tuloy kaming nalublob.

" Alexa," naiinis na tawag ni Ken sa pangalan ko pagkatapos niyang umahon.

" What?" Natatawa kong tanong sa kaniya saka siya binasa muli.

" Anong trip mo, ha?" tanong niya sa akin. Oh, mukha na siyang naiinis.

" Wala lang. Para kasi akong tinatawag ng ilog kanina kaya sinaman na kita," palusot ko.

" What is the matter?" seryosong tanong niya sa akin kaya naman napalunok ako.

" W-wala naman," nauutal kong sagot sa kaniya. Sheems, paano ba kasi to?

" Alexa, you can tell me anything, right?" sambit niyang muli.

Napakamot naman ako sa batok sapagkat medyo nahihiya ako, " naalala mo yung sinabi ni Rhea about sa ilog?"

" Hmm, alin doon?" tanong niya saka lumapit sa kinaroroonan ko.

" Yung tungkol sa sabay na paglublob," sagot ko saka umiwas ng tingin.

" What about it?"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa tono ng boses niya. Pero pinagsisihan ko din agad sapagkat nakita ko ang nakakalokong ngiti niya. Mukhang na-realize niya na ang ginawa ko.

" Err, alam mo na yun," sagot ko saka umiwas muli ng tingin sa kaniya. Ramdam ko din ang pag-iinit ng pisngi ko kahit nakalublob ang katawang ko sa tubig.

" I want to hear it, Alexa," mapanuksong turan niya sa akin kaya napanguso ako.

" Aish, bahala ka diyan," kunyaring pagtatampo ko saka naglakad papunta sa baybayin pero agad din akong napahinto ng hawakan niya ang kamay ko.

" Oh, kala ko ba sasamahan mo na ako sa walang hanggan, bakit aalis ka diyan?" mapanuksong turan niya sa akin.

" Che!" Inis kong turan saka padabog na umahon.

" Alexa, wait lang," tawag niya sa akin pero hindi ako huminto. Nakakainis talaga siya.

" Alexa," napayakap ako sa kaniya dahil sa lakas ng pwersa ng pagkakahatak niya sa akin.

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now