KABANATA 37: CELEBRATION PARTY

21 1 0
                                    


ALEXA'S POV

' I wish you were here to witness this. ' Bulong ko at may luhang tumulo sa aking mga mata.

" Beshy " rinig kong tawag sa akin ni Rhea kaya agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa akin.

Nilingon ko siya na may ngiti sa labi. Agad naman siyang tumakbo sa kinaroroonan ko.

" Congratulation, Lex. You did it. Proud of you. " Turan niya sa akin saka ako niyakap.

" Thank you for believing in me. " pasasalamat ko sa kaniya pagkatapos kong tugunin ang pagkakayakap niya.

" Princess! " rinig kong tawag sa akin ni kuya kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap ni Rhea at tinungo ang pwesto nila kuya.

" We are so proud of you. " mangiyak ngiyak na turan ni Mom ng makalapit ako sa kanila

" Salamat sa pagtitiwala niyo sa akin na kaya ko. " nakangiti kong turan sa kanila

" My princess is really grown up now. " komento naman ni Dad

" Pwede ng ligawan. " rinig kong biro ni kuya kaya hinampas ko siya sa braso

" Aba kung magpapaalam lang sa amin ay papayagan naman. " pang – aasar din ni Dad sa akin

" Mommy oh, si kuya at si daddy. " sumbong ko naman kay Mommy

" Aba, excited na din akong makilala ang soon to be boyfriend ng anak ko. " segunda naman ni Mommy kaya napanguso ako.

Tumawa naman sila sa naging reaksyon ko, ngunit napawi din ito kaagad at bigla silang sumeryoso. Nakakaloka ang pamilya ko, ang bilis ng mood swings. Nilingon ko naman kung saan sila nakatingin at nakita ko si Ken na papunta sa direksyon namin.

" Magandang hapon po, Tito, Tita at Kuya Sebastian. " magalang na pagbati ni Ken

" Magandang hapon din, iho. Congratulation for winning Mr. BEU. " balik na pagbati naman ni Mommy habang nakangiti.

" Oo nga, ang ganda ng sagot mo sa Q and A ah, parang totoo. " komento naman ni Kuya Sebastian kaya napaubo ako ng wala sa oras.

" Are you alright, sweetie? " nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin

" Yes po, nasamid lang ako ng sarili kong laway. " paliwanag ko

" Ahm, Tito, Tita, Kuya Seb, if you will excuse us, magpipicture taking daw po kasi kami with the judges. " magalang na pagpapaalam ni Ken sa pamilya ko

" Sure, iho. Hintayin na lamang namin kayo sa parking lot. Nagpaluto ako for dinner, sa amin ka na kumain. " pagpayag ni Mommy.

Napatingin ako kay Dad na kasalukuyang walang imik pero nakatingin lang sa amin. Tila inoobserbahan niya kami.

" May problema po ba, Dad? " tanong ko rito kaya nabalik siya sa realidad.

" Nothing, sweetie. You two go na para maaga din kayong matapos. " sagot naman ni Daddy.

Tumango na lamang ako bilang tugon kay Daddy. Inalalayan naman ako ni Ken papunta sa photo booth. Pagdating namin doon ay dinumog kami ng mga estudyante na nais magpapicture sa amin. Sinigurado naman ni Ken na comfortable ako habang nagpipicture taking kami.

JAMES' POV

Wala akong magawa kundi tanawin ang babaeng mahal ko na inaalalayan ng ibang lalaki. Masakit makita na yung mga ngiti at saya na sa akin niya lamang nakukuha noon ay iba na ang nagbibigay ngayon. Hindi ko na kayang makita pa siya kaya naman tumalikod na ako at paalis na sana ng gymnasium ng makasalubong ko ang magulang ni Alexa at ang kuya nito.

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now