KABANATA 21: PROTECT

24 4 0
                                    


JAMES' POV

" Di ko na ulit to sasabihin sayo kaya makinig ka. Bitawan mo ang girlfriend ko. " sabi nung lalaking humawak kay Alexa

Nabigla naman ako sa sinabi nito kaya naman lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Alexa. Tiningnan pa ako sa mata ni Alexa at parang nagulat pa siyang nasasaktan ako. Malamang nasasaktan ako dahil siya lang talaga ang gusto ko makasama pero nung mga panahon yun, kailangan ko lang iligtas ang kompanya ng pamilya namin. Hinatak na nang tuluyang nung boyfriend ni Alexa ang mga kamay niya hanggang sa hindi ko na sila mahagip ng aking mga mata.

" Leave them alone. " wika ni Rhea na may pagbabanta ang tono saka ako nilagpasan.

Napangit ako mapakla. I am too late na pala talaga. Nahuli na ako na ayusin ang gulo sa pamilya ko at balikan ang babaeng pinakamamahal ko. Dahil sa sakit na nadarama ko ay napagdesisyunan ko na umuwi na sa condo ko. Hindi ko ata kakayanin kong makita ko silang masaya. Humiga ako sa kama at tumitig sa ceiling. Inaalala ang araw na naghiwalay kami ni Alexa.

*** FLASHBACK ***

" I love him more than you. No, scratch that. I love him the most and you have no space in my heart anymore. " madiin ang bawat salitang sinabi niya

Kitang kita sa kaniyang mga mata ang galit sa akin. Hindi niya ba talaga ako hahayaang magpaliwanag? Sabagay ano ba magagawa ko kung magpaliwanag ako, may mahal na siya iba. Pinilit kong ngumiti sa kaniya.

" Then I am letting you go. I am happy that before I get married you find already the man who will love you. Goodbye Alexa " wika ko kahit durog na durog ako

Hindi ko na kaya makita ang reaksiyon niya kaya naman pinatay ko na ang tawag. Wala na, tapos na.

* knock knock *

" Lumabas ka na diyan James, nakakahiya kay Mr. Gomez! " rinig kong sigaw ng aking ama

Mapakla akong ngumiti saka inayos ang sarili ko. Sigurado akong pag nakita niya ako sa gantong itsura ay masasapak na naman niya ako. Paglabas ko ay di siya pinansin at bumalik na sa party na iniwan ko kanina nung tawagin ko si Alexa. Umupo ako sa bar stool at saka uminom ng uminom. Wala eh broken. Naka-ilang bote na ako nang biglang may humablot ng bote na iniinom ko. Nahihilo akong lumingon sa kaniya at mapaklang matawa nang makita ko ang aking fiancée, Rebecca Gomez

" Ano bang ginagawa mo ha? Tama na yan! " pagalit niya sa akin

" Wala kang alam. Iniwan ako nang babaeng mahal ko dahil nalaman niya ang tungkol sa ating dalawa kaya naman ibalik mo sa akin yan. " sabi ko saka hinablot ang boteng hawak niya pero bigo naman ako dahil natumba ako sa lapag.

" Stand up James. " sabi niya habang pinipilit akong inaaalalayang tumayo

" Bat ba ang bait bait mo sa akin? " tanong ko

" Dahil mabait talaga ako. If you want to win her back, you need to fix yourself then fix your company's problem as soon as possible. " wika niya habang may encouragement smile sa akin

" Paano ka? " halos pabulong kong tanong sa kaniya

" Wag mo akong alalahanin. We do not love each other. Sa ganda kong ito for sure, mahahanap ko din yung para sa akin. At ikaw, sabi mo sa akin, siya na yung para sayo kaya fix yourself and win her back " wika niya saka ako tinayo

Nagising naman ako sa realidad sa sinabi niya.

" Thank you" wika ko

Ngumiti na lamang siya sa akin saka ako inalalayan sa kwarto ko. Pagkahiga ko ay umalis na din siya.

" Hintayin mo ko Wife, I will be back. " huli kong wika bago ako nakatulog ng tuluyang.

*** END OF FLASHBACK ***

Ginugolgol ang panahon ko, para tulungang ibangon ang kumpanya ni Dad. Mahigit isa at kalahating taon din yun pero ayos lang para sa babaeng mahal ko. Nakikibalita ako sa Plilipinas kaya alam ko na wala pa siyang boyfriend ulit. Tungkol naman sa kasal, tinulungan din ako ni Rebecca kumbinsihin ang pamilya namin na wag na ituloy ang kasal. Kaya naman ng pumayag na sila ay bumalik na ako rito sa Pilipinas pero huli na din pala ako

Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Tsk, ano na naman bang kailangan ng babaeng ito.

" Hello. " inis na wika ko sa kaniya

" Oww, ganyan mo ba tratuhin ang future sister in law mo. " tumatawag netong wika na kinainis ko.

Nababaliw na talaga ang babaeng ito.

" Masaya na sila ng boyfriend niya. " malamig kong turan sa kaniya

Narinig ko naman ang mga basag na tunog sa kabilang linya. Nagwawala ba siya?

" Anong sabi mo?! Boyfriend? Nagkaboyfriend pa ulit ang babaeng yun. " nanggagakaiti niyang wika

" Yep, Ken Andrew Valenzuela ang pangalan nung lalaki. "

Narinig ko naman ang pagmumura niya na may halong iyak ba yun? Baliw na nga ata talaga ang babaeng ito,

" Sirain mo ang relasyon nila. " madiin ng wika ng babae

" No, she is happy already. Ayaw ko na siyang masaktan. " wika ko namang pabalik sa kaniya

" Gagawa ka ng paraan o hindi mo na siya muling makikitang buhay. " mapagbantang turan nito

" Wag mong subukang galawin si Alexa. " galit kong wika sa kaniya

" I am giving you the option, tear them apart or she will die. " wika niya

Narinig ko din ang nakakakilabot niyang tawa sa kabilang linya. Crap! Talagang tuso ang babaeng to

" Remember I can see your action, anywhere and anytime. Try to tell her this secret and she will eventually die. " pangbabanta muli neto

Hindi man lang niya ako pinasalita dahil pinatay na niya agad ang tawag. Kailangan kong protektahan si Alexa no matter what happen.

THE GIRL'S POV

Pinatay ko na ang tawag ko kay James. Napangiti ako. Ang sarap talaga nilang paglaruan. Kung nagtataka kayo kung ano ang kasalanan sa akin ni Alexa? Napakalaki!

" Kukunin ko lahat lahat sayo Alexa. Lahat lahat.Walang matitira sayo lalo na si Ken. I will take everything back. Lahat ng sa akin."

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang