Chapter 3: No Choice

66 7 0
                                    


ALEXA'S POV

Wala ako sa sarili buong araw dahil sa mga nangyari. I excused myself din sa last subject ko dahil nawiwindang pa rin ako sa mga naganap ngayong araw. Ano ba itong napasok ko. I said ayaw ko na maging center of attention.

" Ma'am Alexa, andito na po tayo. " magalang na sabi ng aking driver.

Tingnan mo dahil sa kalutangan ko ay di ko napansin na andito na pala kami sa bahay. Nagpasalamat ako sa driver namin at pumasok na sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko upang magpahinga sana ngunit pagbukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad na sa akin ang mukha ni Rhea. Although I am expecting her pero nagulat pa din ako.

" Not now Rhea, I am tired " paos kong wika kay Rhea.

" Kung hindi ngayon, kelan beshy? " maarte niyang sagot sa akin

Nagpakawala muna ako nang buntong hininga at pagkatapos ay umupo sa aking kama at hinarap siya.

"What now Rhea?"

" Well, as your beshy, I deserve the truth. I deserve an explanation. "

Napaikot na lang ako nang mata dahil sa kaartehan ng babaitang ito. Seriously ?!

" Direct to the point Rhea" naiinis kong lintiya sa bruha

" Totoo ba ang tsismis? Kayo ba talaga nung Ken Valenzuela na yun?" tuloy- tuloy niyang ang tanong

I sighed then replied, "Yep"

" Whaaaaaaaaaat ! Ano? Paano? Bakit? " malakas niyang turan.

" Tsk ! Kindly lower down your voice. Baka marinig ka ni kuya. Malalagot pa ako neto eh" pagalit ko sa kaniya.

" Paano nangyari ang lahat ng ito? Bakit hindi ko alam? Diba bestfriends tayo, no secrets pa nga diba. " pagdadrama nito.

" Mahabang kwento Rhea at wala akong lakas ngayon para ikwento sa iyo to." Pagkasabi ko ay humiga na ako sa kama. Ramdam ko ang aking pagod kahit halos di ko na nga pinasukan ang iba kong klase dahil sa pangyayaring yun.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang hatakin akong patayo ng babaitang ito. Inis ko siyang tiningnan.

" Look, I want to rest so beshy..."

" No, no, no, magkwento ka muna. Aba't di matatahimik ang katawang marites ko kung hindi ka magkukwento. " tugon niya.

" Fine" naiirita kong tugon.

*** FLASHBACK ***

Kinadladkad ako ni Ken papuntang rooftop. Kahit magpumiglas man ako ay napakahigpit ng pagkakahawak niya, Sumusobra na ang taong ito, kung ano-ano ang sinasabi. His girlfriend daw eh kahit friend hindi kami ganun kainis.

"Ano bang problema mo ha ! " inis na sabi ko sa kaniya.

" Be my girlfriend" seryoso niyang sabi.

"What? Are you kidding? " I hysterically replied.

" No, do I look like kidding to you? " seryoso niyang tugon

" At anong tingin mo sa akin ha? Di nga kita kilala so I have no reason para maging girlfriend mo !" bulyaw ko sa kaniya

" Look, I am doing you a favor. Alam na ng buong campus na girlfriend kita. " seryoso pa rin niyang sagot.

"And so? Madali lang sabihin na hindi yun totoo. Gosh, you are really getting into my nerves. Malapit na ang first class ko, bahala ka na sa buhay mo. "

Pagkatapos kong sabihin yun ay tinalikuran ko na siya at tinahak ang papunta sa pinto ng rooftop pero natigilan ako sa sinabi niya.

" At anong tingin mo ang kalalabasan nun? Kahihiyan sa iyo at sa family mo? Hindi naman sigurong maganda na pangit ang image mo sa sarili mong school? "

Napalingon ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman yun? Only some people know that.

" How did you know?" mariin kong tanong sa kaniya.

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti sabay sabing, " I have my sources darling."

" Do not dare to tell anyone about it. " pagbabanta ko sa kaniya

" Then be my girlfriend and I will not." nakangisi niyang tugon sa akin.

"Fine" nag-aalangan kong sagot.

He gave me a "I win" smile which makes me roll my eyes. Kung hindi lang dahil ayaw ko malaman ng lahat ang connection ko sa school na ito, hindi ako papayag sa gusto ng taong ito.

*** END OF FLASHBACK ***

" Waaaaaaaaaaaaaah ! " Halos mabingi ako sa tili ni Rhea

" Tsk, I said lower down your voice. " I said it with the most irritated tone of my voice

Ngumiti lang sa akin ang bruha sabay sabing, " Nakakakilig kaya, isipin mo sa Novelah ko lang ito nababasa pero ngayon nangyayari na sa iyo. O-M-G."

" Walang nakakilig dun Rhea. He blackmailed me. " inis kong wika sa kinikilig na bruha

" Duh, baka may gusto sa iyo yung tao saka ikaw naman kasi nag-disguise ka na nga as ugly nerd tapos ayaw mo pang malaman ng schoolmates natin na kayo ang may-ari ng school natin" sermon niya sa akin

" Mawawalan ng saysay ang disguise ko kung malalaman din nila, kaloka ka. " tugon ko

" Yeah! whatever with capital W. Pero nagdadalaga ka na, may lovelife ka na friend" panunukso niya sa akin.

" Sino ang may lovelife? " Halos mapatalon kami sa gulat ni Rhea ng marinig namin ang boses na nagmumula sa pinto ng aking kwarto.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, napaka-ingay kasi nitong babaeng to. Walang nagbalak na sumagot sa tanong ni kuya.

" I said sino ang may lovelife" mariin niyang ulit sa kaniyang tanong

Kinakabahan man ay sinagot ko ang tanong ni kuya, "Si rhea, oo, si rhea kuya."

Nadako naman ang tingin ni kuya sa kinakabahang si Rhea

"Totoo ba iyon Rhea? " Mahinahon ngunit maawtoridad na wika ni kuya.

Nagpabalik balik ang tingin ni Rhea sa amin ni kuya. Di ko siya masisisi. He likes kuya a lot but she needs to save me sa problemang ginawa niya. Nang dumako muli ang mata sa akin ni rhea, pinandilatan ko na siya at binigyan ng "umoo ka na lang" look.

"Ahm, opo kuya. " nakayuko niyang turan.

" Ganun ba, congrats sa inyo. Sige na, magpahinga na kayo at maaga pa ang pasok ninyo bukas. "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto. Pagkasara ng pinto ay isang hampas ang inabot ko kay Rhea.

"What!"

" Baliw ka ba, alam mo naman nararamdaman ko sa kuya mo tapos ako pa tinuro mo. " mangiyak ngiyak siya sa pagkakasabi neto.

" I'm sorry Rhea pero kasalanan mo rin naman kung bakit nangyari ang mga nangyari. " taas kilay kong sermon ko sa kaniya

" You are so mean. Broken-hearted na nga ako eh. " sabi niya with matching pout pa yan

" Aish, gagawan ko ng paraan para Ayusin to beshy. But for now, I wanna rest so good night and sweet dreams. "

" Fine, good night din Alexa. " wika niya

Pagkasabi niya nun ay umakyat na din siya sa kama ko. Dito na naman matutulog tong babaitang ito. Dahil wala na akong lakas makipagtalo sa kaniya ay humiga na lang din ako sa tabi niya.

What a day? I wonder what will happen next with this fake relationship.........

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon