KABANATA 52: CONFRONTATION

19 2 2
                                    

ALEXA'S POV

Ilang minuto ding tumahimik ang paligid matapos umalis ni ate Cassie. Sa sobrang tahimik ay naririnig ko ang pag-echo ng mga hikbi ko. I felt so betrayed right now.

" Lex," tawag sa akin ni Ken at sinubukan niya akong hawakan. Marahas kong pinahid ang mga luha ko.

" Huwag kang lalapit sa akin," ma-awtoridad kong turan sa kaniya.

" Alexa, just let me explain, okay?" pagsusumamo niya. Kita ko rin ang sakit sa mga mata niya.

" Totoo ba ang lahat ng sinabi ni ate Cassie?" Sinubukan kong patapangin ang boses ko.

" Makinig ka muna sa akin, okay?" pagkumbinsi niya sa akin pero umiling ako.

" Sagutin mo muna ang tanong ko. Totoo ba na ikaw ang boyfriend ni ate Cassie? Si ate Cassie ba at si Sandra ay iisa?" tanong ko muli sa kaniya habang hinuhuli ang mga mata niya. Ilang minuto siyang nanatiling tahimik. Nabasag lamang ang katahimikan ng marinig namin ang bell ng school, hudyat na start na ng klase.

Ngumiti ako sa kaniya nang mapakla, " Well, I guess ate Cassie was telling the truth. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mo ginusto maging fake boyfriend ko. Nakikita mo siya sa akin,"

" It is not like that," sagot niya. Tumaas na din ang boses niya.

" Do not try to deny it. Your expression earlier and your silence says it all," turan ko sa kaniya. Hindi ko na kayang maging matapang dahil alam ko anytime I will break down kaya naman bago pa mangyari yun ay pinili ko na lamang talikuran siya.

" Pwede bang makinig ka muna sa akin?" Tanong niya saka hinatak ako pagharap sa kaniya.

Malamig ko siyang tiningnan," Bakit? Ano ba kita? Ah, oo nga pala, my soon-to-be brother-in-law," turan ko saka mapaklang tumawa.

" Lex, please," pagsusumamo niya sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Masyado pang magulo ang isip ko para pakinggan siya. Pakiramdam ko ginamit at pinaglaruan niya lang ako.

" Wala tayong dapat pag-usapan," malamig kong turan sa kaniya saka siya tinalikuran muli. Ngunit kagaya kanina ay hinatak na naman niya ako kaya wala na akong choice kung hindi gawin ito.

Malakas na echo ang umalingawngaw sa buong parking lot ng dumapo ang kamay ko sa mukha ni Ken.

" Beshy!" Hindi ko na nilingon ang tumawag sa akin dahil alam ko namang si Rhea yun.

" Hey, nag-aaway ba kayong dalawa?" Tanong ni Caleb sa amin ng makalapit sila sa akin.

Hinawakan ni Rhea ang braso ko. Nginitian ko na lamang siya saka tumalikod at naglakad palayo habang tumutulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

KEN'S POV

" Beshy!" Sinubukang tawagin muli ni Rhea si Alexa ngunit hindi ito muling lumingon sa amin. Tiningnan lang ako ni Rhea saka umiling. Pagkatapos ay tumakbo na siya papunta. Pupuntahan ko sana ang kinaroroonan ni Alexa ng humarang si Caleb.

" Caleb, ano ba!" naiinis kong turan sa kaniya sapagkat ayaw niya akong padaanin.

" Let her be muna. Hayaan mo munang si Rhea ang kumausap sa kaniya," Mahinahon ngunit seryosong turan ni Caleb.

" I need to talk to her. I need to explain my si-side," Nagcrack na ang boses ko sa huling salitang binitawan ko. Mahirap sa akin na makita si Alexang ganun.

" Nakita mo naman yung reaksyon niya diba? Galit at sakit ang nasa mata niya. Hindi ko alam kung tungkol ba ito kay Sandra, pero bro, mas magandang pakalmahin mo muna siya. And you, you need to sort out things between you and Sandra bago mo habulin si Alexa. Kambal sila and blood is thicker than water" payo sa akin ni Caleb saka hinawakan ang balikat ko.

" Pe-pero," tanging nasambit ko dahil pumatak na ang mga luha ko. Napaluhod na din ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Sandra pero hindi na gaya ng pagmamahal ko sa kaniya noon. Mahal ko si Sandra dahil naging parte na siya ng buhay ko.

ALEXA'S POV

" Ihatid niyo po siya ng maayos sa bahay nila manong ah. I-text mo ko pag nakauwi na siya," rinig kong bilin ni Rhea sa driver ng pamilya nila.

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse nila dahil yung driver namin ay hinatid na daw si ate Cassie pauwi sa bahay. Iyak lamang ako ng iyak kanina kaya naman napagdesisyunan na ni Rhea na pauwiin na lamang ako upang makapagpahinga. Gustuhin man niya na samahan ako pauwi ay di maaari dahil may pasok kami ngayon.

Napatingin na lamang ako sa kawalan ng maramdaman ko na nagsimula ng umandar ang kotse. Hindi pa rin talaga nagsisink in sa utak ko ang lahat. Kahapo sobrang saya ko na makitang buhay si ate Cassie tapos ngayon lumuluha ako dahil sa mga narinig ko. May parte sa puso ko na gusto kong pakinggan ang paliwanag ni Ken pero natatakot ako na baka hindi ko rin kayanin ang mga maririnig ko.

" Ma'am Alexa, andito na po tayo." Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng driver. Napatingin ako sa bintana. Oo nga, andito na kami.

" Marami pong salamat sa paghatid sa akin. Mag-iingat po kayo," Magalang ko pagpapasalamat sa kaniya saka ako ngumiti ng tipid.

" Ma'am sandali po. Hindi ko po alam yung eksaktong problema niyo pero kanina ko pa po kasi kayo pinagmamasdan. Payo lang po no nang nakakatanda sa inyo. Hindi po ako naniniwala na ang pag-ibig ay isang sugal. Na dapat may mananalo o matatalo. Dapat po lagi niyo lang pipiliin yung isa't isa kahit anumang problema. Kung mahal mo, ilaban mo sa paraan na alam mo." turan nito habang tinitingnan ako mula sa salamin

" Paano po kung talo ka na sa simula pa lang?" Tanong ko sa kaniya. Nagulat naman ako ng ngumiti ito sa akin.

" Alam niyo kayong mga kabataan, akala niyo ang pag-ibig laging masaya, nakakakilig. Pero kapag ba wala ng kilig, nawawala na din ang pag-ibig?" Tanong niya sa akin. Hindi man siguro ay umiling ako.

" Ganun din sa tanong mo kanina. Sa pag-ibig wala namang natatalo eh. May mga nanalo at nakakatuluyan yung taong mahal nila. May mga tao namang natuto lang at nagiging mas matibay. Sa pag-ibig, may nanalo at may natuto," Nakangiti niyang sagot sa akin kaya ngumiti na lamang ako.

" Pasok na po ako, " paalam ko sa kaniya. Tumango naman ito kaya naman lumabas na ako ng kotse at dumiretso na sa pintuan. Pagbukas ng pinto ay nakarinig ako ng bahagyang sigawan mula sa dining hall kaya naman lumapit ako upang alamin kung ano ang nangyayari.

" How could you do that to your sister?" Galit na tanong ni mommy kay Cassie. Nakita ko naman ang pag-awat ni Daddy kay Mommy.

" She deserves it. Kulang pa yun sa mga naranasan ko," Sigaw naman ni Cassie. Isang malutong na sampal ang iginawad sa kaniya ni Daddy. Ano bang nangyayari?

" Huwag na huwag mong kakausapin ng ganiyan ang mommy mo, Cassandra! Hindi ka namin pinalaking ganiyan," nagpipigil sa galit na turan ng ama ko.

" Huh, nagagalit kayo kasi ginawa ko yun sa paborito niyong anak. The way you look at me right now is like questioning why I am still alive," naluluhang turan ni Cassie.

" It is not like that Cassie. I am sorry, iha. Hindi ko sinasadyang masampal ka," Tila nahimasmasan si daddy sa sinabi ni Cassie.

" No, dad. You never feel sorry about me. Wala kayong ginawa para iligtas ako noon. At alam ko na wala din kayong gagawin ngayon kundi paburan si Alexa," sigaw nito sa mga magulang namin.

" You are being immature here, Cassie. Kung galit ka sa amin, hindi mo dapat sinabotahe ang kapatid mo. Paano kung napahamak siya sa pagbali mo ng heels niya. Paano kung napahiya siya dahil sa sira-sira niyang gown," Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni mommy. What? Siya ang nasa likod ng mga yun?

" Did you really do that?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakisawsaw na din sa usapan nila.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now