KABANATA 27: FIGHT

21 2 0
                                    

ALEXA'S POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school upang hanapin si Ken at kausapin sa nangyari kagabi lalo na at hindi niya ako nirereplyan sa mga text ko sa kaniya. Pagpasok ko ng classroom ay si Caleb at Rhea lamang ang nakita ko na nasa loob pero nasa upuan naman ni Ken ang bag niya. Lumapit ako sa kanila at saka inilapag ang mga gamit ko.

" Good morning. " bati ko sa kanilang dalawa

" Morning/Hi beshy " sabay na wika naman ni Caleb at Rhea

" Si Ken? " diretsang tanong ko sa kanila

" Oww, may LQ kayo, no? " mapang – asar na turan ni Rhea

" Ha? Paanong --- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na si Rhea

" Paano ko nalaman? Well, pumasok lang naman yung fake boyfriend mo na parang pinagsukluban ng langit at lupa. Saka kulang na lang ay may kumuha na ako ng plantsa para diretsuhin ang kunot niyang noo. " mahabang paliwanag ni Rhea

" Saka for the record, kagabi pa ganun ang itsura niya. Wala naman siyang pinuntahan kahapon after practice kundi sa inyo. " wika naman ni Caleb

" Pumunta siya sa inyo?! " nagugulantang na turan ni Rhea

" Yep, ininvite daw ni Mom sa dinner then Dad invited James naman. Nastress ako ng bongga that time. Then, basta sabi niya uuwi na daw siya and whatsoever tapos di na nagreply kagabi nung nagtext ako if nakauwi na ba siya. " pagkukuwento ko sa kanila

" Baka naman kasi nagselos yun beshy " wika naman ni Rhea

" Selos, bakit naman siya magseselos? " wika ko

Napatampal naman sa noo si Rhea habang si Caleb ay umiling iling dahil sa sinabi ko.

"Anong reaksyon yan guys? " takang tanong ko

" Hindi ko talaga alam kung manhid ka or in denial ka lang " wika ni Rhea

" Ako? Manhid? " turan ko

" Oo, di mo nga napapansin nararamdaman ni Ken sa iyo eh. " wika naman ni Caleb

" Look, we are just in fake relationship, nothing else " wika ko

" Nothing else " mapaklang wika ng nasa likod ko

Agad naman akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ken na hindi maipinta ang mukhang nakatingin sa akin.

" K-ken k-kanina k-ka p-pa d-diyan " nauutal na turan ko.

" Sakto lang para marinig ang sinabi mo. Now I know kung ano pala tayo " malamig na turan niya

" We will run the last rehearsal ng 8AM, see you sa gym. " dagdag niya pa at saka lumabas muli ng classroom

Agad naman siyang hinabol ni Caleb habang ako ay nanghihinang napaupo sa upuan ko. Di mawaglit sa isipan ko ang itsura niya kanina na kahit na malamig ang tingin niya ay nakita ko ang pain sa mga mata niya.

" Are you okay? " Rhea asked

" O-oo n-naman " nauutal kong tugon sa tanong niya

" You are crying " wika niya kaya I automatically touch my face

Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ko naman alam kung bakit ako umiiyak. Inabutan naman ako ni Rhea ng tissue and niyakap niya lang ako. Maya – maya ay nagsisidatingan na ang mga kaklase namin kaya inayos ko na ang sarili ko.

" Beshy punta na ako ng gym ah " paalam ko kay Rhea pagkatapos kong tingnan ang oras

" Are you sure na okay ka na? " tanong niya

BLIND DATE | COMPLETED |Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu