KABANATA 18: NEW STUDENT

33 5 0
                                    


ALEXA'S POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Alas sais na kasi ng gabi kami natapos magpractice sa pagrampa at sayaw. Ansakit nga ng mga paa ko dahil sa heels. Kinuha ko yung phone ko at nagscroll sa FB ko. Maya-maya ay nag pop up ang chat heads ni Ken.

" Hey " mensahe niya

" What? " tugon ko

" Sungit naman " reply niya with sad face emoticon pa

" Di kaya . " I replied with a wink emoji

" Di daw, sige na nga, naisip ko lang kung di ba masakit paa mo since nakaheels ka mula kaning umaga. " reply niya

" Masakit but I can manage naman. " I replied

" I see. Pero wag mo i-force ang sarili mo ah. " wika naman neto

" Yes po, wag ka masyado mag-alala sa akin Mr. Valenzuela. " wika ko na may mapang asar na tono sa chat ko

" Mahirap hindi mag-alala sayo Mrs. Valenzuela. " reply naman niya na nagpalaki sa mata ko.

" Anong Mrs ka diyan. Tigilan mo nga ako. " kunyaring pagalit ko sa kaniya pero deep inside parang tumatalon ang puso ko

" Malay mo naman tayo sa huli. " sabi niya

" Taas ng confidence mo, paano kung hindi? Eh peke naman tayo. "

Napapikit ako nung sinent ko ito. Bakit parang ang sakit naman ng thought na yun. Ilang minute na ang nakakalipas pero di pa rin nagrereply sa akin. Kumunot ang noo ko, bakit kaya? Dahil ayaw ko mabaliw kakaisip ay binitawan ko na ang cellphone ko at nilapag sa kama bago ako lumabas ng kwarto. Nagugutom na rin kasi ako. Kumain lamang ako mag-isa since sila Mom and Dad ay may dinner meeting with the investor, si kuya naman ay nasa training pa ata.

Pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Kinuha ko lang ang damit pantulog ko at nagtake ako ng half shower to calm myself. After 20 minutes ay sinusuklay ko na ang buhok ko para matulog ng bigla kong napansin ang cellphone ko. Shoot, nakalimutan ko na magkausap nga pala kami ni Ken. Nagmamadali akong kuhain ang cellphone ko upang Tingnan kong nagreply na si Ken.

Di naman ako nagkamali. Nagreply naman siya na nagpawindang sa isip ko pero nagpabilis ng tibok sa puso ko.

" Pwede naman nating totohanin, just say the magic word my love. " yun ang nasa mensahe niya

Ilang beses kong sinubukan replayan ang chat niya pero lagi ko ding binubura. Ano ba sasabihin ko sa taong ito. Bat naman kasi ganto siya?

" Wag ka masyado kiligin, nagbibiro lang ako. Goodnight. " basa ko rito

Halos matapon ko ang cellphone ko sa inis. Aish, trip talaga ako ng taong ito. Oh bakit parang disappointed ka self? Binatukan ko naman ang sarili ko dahil sa nasa isip ko. Nagsend lamang ako ng like zone at itinabi ang phone ko. Nakakinis talaga tong lalalking to aish. Nakatulog ako nang gabing yun na badtrip na badtrip kay Ken

*** IN THE NEXT DAY ***

In the next day, nalate ako ng gising kaya ito ako ngayon at mabilis na binabagtas ang daan papunta sa classroom dahil malelate na ako. Pagdating ko dun halos kumpleto na kaming lahat magkakaklase, malapit na din kasi magsimula ang first class namin.Napansin ko na sa bandang dulo may pinagkakaguluhan pero di na ako nakisama pa. Umupo na ako sa upuan ko.

" Good morning. " masiglang bati ni Ken sa akin

" Morning. " tipid kong tugon sa kaniya. Naiinis pa rin kasi ako sa nangyari

" Ay ang tipid, galit ka ba? " makulit niyang tanong sa akin

" Back off Ken " sabi ko at inirapan siya.

Nagtaas lamang siya ng dalawang kamay tanda ng pagsuko. Napabuntong hininga na lamang ako. Ano nga bang kinagagalit ko? Napatingin ako kay Rhea na nakatingin din pala sa akin. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o bakas talaga ang pag aalala sa mata niya. I try to give her a what's wrong look but umiling lang siya. Maya - maya,dumating na si ma'am kaya umayos na kami ng upo.

" Good morning, everyone. Does the new student arrive already? " pagbati at pagtanong ni Ma'am

New student? In the middle of school year? Siya kaya yung pinagkakaguluhan ng girls kanina sa likod?

" Yes Ma'am, he is here. " halata sa boses ng class president namin ang kilig. Seriously?!

" Alright, Mr. Mendez pumunta ka dito sa harap at magpakikilala ka sa mga kaklase mo. " utos ni Ma'am

Mendez? Why I think familiar yung surname pero di ko malala kung saan ko narinig yun. Pumunta na sa harap yung lalaki at ganun na lang ang pagkabigla ko nung makilala ko ang bago naming kaklase. Napayuko ako. Why of the sudden? Bakit bumalik pa siya?

" Hi everyone. I am James Mendez. Nice meeting you all and I hope that I will have a meaningful school year with the rest of you. " masiglang turan neto

" Mr.Mendez, kung di mo naman mamasamain at gusto mo lamang i-share, nais ko lang malaman kung bakit ka nagtransfer dito? I mean, it is already the middle of the school year . " puno ng curiosity na tanong ni Ma'am.

Napakuyom ang kamay ko sa narinig ko. Nagtaas ako ng kamay dahil dun nagtama ang mata naming dalawa. Mygesh, I cannot take this anymore.

" Yes, Alexa? " tawag sa akin ni Ma'am nang mapansin niya ang nakataas kong mga kamay

" May I go out po? " pagpapaalam ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko.

" Yes, you may! " nakangiting turan sa akin ni Ma'am

KEN'S POV

Pinagmamasdan ko si Alexa habang siya ay tumatayo. What is wrong with her? Naglalakad na siya palabas ng room ng bigla siya ay matigilan. And I swear gusto kong manapak sa narinig ko.

" The only reason why I transfer here is because of the woman I love, Alexandra Alcantara" talagang diniin niya ang pangalan ng Alexa.

How dare he?! Napasinghap ang lahat sa narinig nila.Even si ma'am nanahimik. Naikuyom ko ang kamay ko kaya ba ganun ang reaction niya? Sino ba siya sa buhay ng mahal ko? Tuluyan ng lumabas si Alexa after niyang mapahinto sa narinig niya. Umupo na yung asungot na yun at nagpatuloy ang klase. Buong klase ay luting ako dahil hindi pa rin bumabalik si Alexa. Where is she?

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now