KABANATA 48: SHE IS ALIVE

24 0 0
                                    

ALEXA'S POV

" Hey, are you okay?"

Napahinto lamang ako sa pagikot-ikot ko rito sa room ko dito sa hotel na pagdarausan ng birthday party ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Rhea.

" Oh, bakit namumutla ka saka bakit hindi ka mapakali diyan? May problema ba?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Rhea habang hinahatak ako paupo sa kama ko.

" Eh kasi ano eh," panimula ko saka siya tiningnan pero nagdalawang isip ako if sasabihin ko ba sa kaniya dahil sigurado akong mag-aalala lamang siya sa akin.

" Ano?" tanong sa akin ni Rhea habang nakataas ang kilay niya.

" Eh kasi I had a nightmare kagabi," pag-amin ko rito.

" Then? About what?" pag-uusisa sa akin ni Rhea.

" About what happened almost 2 years ago," Hindi ko mapigilang yumuko matapos kong sabihin yun.

" You mean you dreamed about that accident?" pagkukumpirma sa akin ni Rhea. Bahagya akong tumango.

Narinig ko naman ang bahagyang pagbuntong hininga ni Rhea at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko, " Beshy, maybe it is time for you to let go of that accident. Hindi na nakakabuti sa iyo ang bagay na yun. Knowing Cassie, if she was still here, she would not be happy to see you dwelling on that accident. You did your best. Maybe, it was really the end of her life,"

Hindi ko na napigilan ang paguunahan ng luha sa mga mata ko at nag-umpisa na akong ngumawa. Mahigpit naman akong niyakap ni Rhea kaya naman sa mga bisig niya ako umiyak. Napakahirap lang sa akin na kalimutan ang trahedyang iyon because I felt like may nagawa dapat ako for her. Edi sana andito pa siya at kasama ko magdiwang ng kaarawan.

Maya-maya ay bumitaw na rin ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya, " Maraming salamat, Rhea. Thankful ako na nandito ka sa tabi ko,"

" Asus, mag-iiyakan pa ba tayo dito? Birthday na birthday mo nagdadrama ka diyan," biro ni Rhea kaya naman pabiro ko rin siyang hinampas.

" Panira ka ng moment talaga. Pero, totoo yun ha, nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi mo ako iniwan," sinserong turan ko sa kaniya.

" Syempre hindi kita iiwan. Bestfriend forever tayo diba," turan niya saka ngumiti.

" Yeah, bestfriend forever," nakangiting sambit ko.

" Oh, paano? Tara na? Your party will start in a bit," pag-aya sa akin ni Rhea saka tumayo.

" Mauna ka na. Magpapahangin lang muna ako sa garden since may time pa naman," turan ko sa kaniya.

" Well, okay. Just make sure na hindi ka na magdadrama sa garden kasi papangit ka talaga mamaya," biro niya sa akin kaya inirapan ko ito.

" Hindi na kailangan magpaganda, may nagkagusto na eh," hirit ko naman sa kaniya saka tumawa.

" Ayan ah do not tell me sasagutin mo na si Ken?" pag-uusisa niya sa akin pero nginitian ko na lamang siya.

" Hay naku, tara na nga," natatawang turan ko saka hinatak siya palabas nang kwarto ko.

Nakita ko naman ang pagnguso nito ngunit sorry siya kasi hindi ako madadala ng pagnguso niya. We separate our ways since pupunta na siya sa venue habang ako ay pupunta muna sa botanical garden sa hotel na ito. I saw kasi in their flyer na sobrang ganda ng garden nila, full of flowers.

Pagdating ko roon ay talaga namang namangha ako sa mga bulaklak na naroon. Agad kong kinuha ang camera na nasa bag ko at nagsimulang kumuha ng mga larawan para sa mga ala-ala ko. Para akong batang sobrang saya dahil niregaluhan ng pinakagustong regalong gusto niyang matanggap. Hindi ko alam pero there is something on flowers that calm me. I mean, the scenery itself calms me. Nadako ang tingin ko sa nakahilerang tulips. Hindi ko mapigilang mapangiti sapagkat naalala ko na naman ang ginawa ni Ken kanina.

BLIND DATE | COMPLETED |Место, где живут истории. Откройте их для себя