KABANATA 47: BIRTHDAY SURPRISE ( PART 2)

19 1 0
                                    

 ALEXA'S POV

" Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya sa kabilang linya.

( Hindi ba sabi ko kanina gusto kita makita. So here I am )

" Aish " Tanging nasambit ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Gusto ko mang kiligin sa ginawa niya pero there is a part of me na gusto siyang pagsabihan dahil gabing-gabi na and he needed to rest.

( You know it is cold here,)

Nabalik ako sa katinuan ng marinig ang boses niya sa kabilang linya. Agad kong isinara ang kurtina ko at kumuha ng jacket sapagkat I am just wearing my nighties. Pinatay ko na rin ang tawag sapagkat pupuntahan ko naman siya. Dali-dali din akong bumaba, but of course, I made sure na wala akong noise na nilikha sapagkat alam ko that my parents will scold me. Bago ko buksan ang pinto namin ay huminga muna ako ng malalim upang itago ang sayang nararamdaman ko dahil nandito siya. Nang masiguro ko na kalmado na ako ay lumabas na ako ng bahay at binuksan ang gate namin.

" Pasok ka muna sa loob," suhestiyon ko ng makalapit ako sa kaniya.

" Huwag na. Hindi rin naman ako magtatagal dahil gabing-gabi na rin," pagtanggi niya. Pinagmasdan ko siya at kitang-kita sa hitsura niya ngayon na pagod na pagod siya.

" Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kaniya,

" Here," Turan niya saka inabot sa akin ang bouquet of tulips na hawak niya.

" Thank you pero for what?" tanong ko rito matapos kong kunin ang bouquet.

" Happy birthday," nakangiting turan niya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang may nagwawala sa loob ng tiyan ko dahil sa ngiti niyang yun. It also hits me na birthday ko nga ngayon.

" Salamat pero sana tumawag ka na lang or waited sa event," sagot ko sa kaniya. Kahit deep inside kinikilig ako.

" Well, gusto ko kasi na ako ang unang babati sa iyo in your special day to prove to you how special you are to me. Saka, I want to see you dahil ilang araw din tayong hindi nagkita. Baka kasi namiss mo na ako," biro niya sa akin kaya bahagya kong hinampas ang braso niya.

" Asa ka naman diyan," pangbabara ko sa kaniya. Syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin na miss ko siya. Dalagang Pilipina tayo here.

" Ouch, grabe ka ha," turan nito habang hinahawakan ang dibdib niya at umaaktong nasasaktan.

" Che, ang drama mo! Nabanggit kasi sa akin ni Rhea kanina na nasa basketball training ka kaya hindi rin ako nagworry masyado sa iyo," paliwanag ko rito.

" Hulaan ko, si Caleb ang nagsabi sa kaniya no?" saad ni Ken na tinanguan ko na lamang.

" As expected kaya napagalitan yun ni coach eh. Tumakas ba naman sa practice," kwento nito sa akin.

" Talaga? Naku, yung dalawang yun, sino kaya ang unang aamin sa kanila?" komento ko naman.

" Dapat si Caleb dahil siya yung lalaki," saad naman ni Ken.

" Yeah, you have a point. Pero, let them be na lang. Bahala na sila mamroblema sa lovelife nila," tugon ko rito saka tiningnan ang oras sa cellphone ko.

" It is getting late. You should go home na. Maaga ka dapat rito mamaya," wika ko sa kaniya.

" Dapat lang. Ako kaya ang escort ng pinakamagandang birthday girl," pambobola nito sa akin.

" Asus, ako ay tigilan mo sa pambobola mo. Sige na, umuwi ka na." utos ko rito.

" Pasok ka muna tapos uuwi na ako," utos naman niya sa akin. Dahil wala akong lakas makipagtalo sa kaniya at idagdag mo pa ang lamig ng simoy ng hangin ay pumayag na din ako.

" Sige. Mag-iingat ka. Good night,"

" Good night and happy birthday ulit," turan naman ni Ken. Nginitian ko na lamang siya saka kumaway bago ako pumasok ulit sa bahay namin.

Pagpasok ko ay narinig ko ang pagstart ng sasakyan ni Ken at ang pagharorot nito. Sumilip muna ako sa pintuan kung nakaalis na nga ba talaga siya at nung nakita ko na nakaalis na nga siya ay umakyat na muli ako sa kwarto ko.

Inilagay ko muna sa flower vase ko ang bouquet na binigay sa akin ni Ken. Pagtapos ay tinext ko lamang ito ng thank you at bumalik na ako sa higaan ko upang matulog.

***

" Basta ako na ang bahala. Humingi ka na lang ng tulong," saad niya sa akin.

" Pero---"

" Wala na tayong oras , Alexa. Umalis ka na," impit na sigaw niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi tumakbo ng mabilis at iwan siya.

Halos magkadapa-dapa na ako dahil sa dilim ng paligid at tanging ang buwan lamang ang nagsisilbi kong ilaw. Dinala nila kami rito sa kagubatan kaya nalilito rin ako kung saan ako dapat dumaan.

" Hanggang diyan ka na lang," sigaw ng isa sa mga kumidnap sa akin kaya napahinto ako.

Paano na? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko. Pumikit ako ngunit agad din akong dumilat ng makita ko ang mukha niya. May tiwala siya sa akin na makahingi ako ng tulong kaya naman kahit natatakot ako ay nilakasan ko ang aking loob at nagsimulang tumakbo muli. Ngunit hindi pa ako masyado nakakalayo nang biglang...

* bang *

***

" Ma'am Alexa, gumising na po kayo "

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ko na may yumuyugyug sa akin. Panaginip lang pala. Tiningnan ko naman ang isa sa mga kasambahay namin na tila nagulat sa pagbalikwas ko.

" Pasensya na po kayo," paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

" Ayos lang po yun, Ma'am. Mukha pong binabangungut kayo kaya ginising ko po kayo," paliwanag niya sa akin.

" Ayos lang po. Maraming salamat. May kailangan ka po ba?" pag-iiba ko ng usapan namin sapagkat ayaw ko maalala yung panaginip ko.

" Ah, opo. Pinapatawag na po kayo nila Ma'am at Sir. Handa na daw po ang umagahan," malumanay na sambit niya sa akin.

" Ah, ganun po ba? Sige po. Mag-aasikaso lamang ako at susunod na din ako sa baba maya-maya," tugon ko sa kaniya.

Tinanguan lamang niya ako saka lumabas ng kwarto ko, Napatingin naman ako sa larawan na nasa side table ko. Hindi ko maiwasang lumuha dahil sa panaginip ko. Patawarin mo sana ako, Cassie.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now