KABANATA 43: FEELINGS

21 2 0
                                    

ALEXA'S POV

Ilang minuto lamang ay bumalik na si Ken sa kinaroroonan ko habang hawak ang lampara sa kaliwa niyang kamay samantalang may hawak siyang tela sa kanan niyang kamay.

" Punasan mo muna yung sarili mo para hindi ka sipunin, " mahinahong utos niya sa akin saka inabot ang telang hawak niya.

" Salamat, " mahinang pagpapasalamat ko sa kaniya saka kinuha ang tela.

Agad kong pinunasan ang buhok ko samantala si Ken naman ay ipinatong ang hawak niyang lampara sa lamesa sa gilid ng inuupuan ko. Sinubukan ko naman tumayo upang umupo sa sahig dahil mas komportable ako kung ma-idederetso ko ang parte ng tuhod ko na may sugat. Pasalamat na lang talaga kami ni Ken at hindi kami gaanong nabasa sapagkat mabilis siyang nakatakbo papunta dito sa abandonadong bahay. Hindi ko alam kung malaking coincidence ba na may abandonadong bahay dito o sinet-up kami para mapunta dito haysss.

" Ano iniisip mo? "

Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko na magsalita si Ken. Bahagya naman akong napausog nang mapansin masyado kaming magkadikit dalawa.

" Nothing important, iniisip ko lang kung kelan titila itong ulan baka kasi nag – aalala na si Rhea at Caleb sa atin, " palusot ko sa kaniya na tinanguan naman niya.

" Hmm, mukhang malabong tumila ang ulan. Mas maganda siguro na dito na lamang tayo magpalipas ng gabi, " suhestiyon niya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

Iba naman talaga ang biro ng tadhana. Wala na ni isa sa amin ni Ken ang umimik pagkatapos ng maikling usapan na iyon. Tanging buhos lamang ng ulan at tunog ng mga kulisap ang maririnig. Dahil sa katahimikan ay hindi ko maiwasang antukin nang biglang...

" Waah, mommy! " mangiyak ngiyak na sigaw ko habang nakapikit dahil sa lakas ng kulog na may kasama pang kidlat.

" Hush, andito ako sa tabi mo. Huwag kang matakot, " rinig kong turan ni Ken kasabay nang paghagod niya sa buhok ko.

Nang wala na akong marinig ay dumilat na ako ngunit agad ko din itong pinagsisihan.

" S-sorry, " mahinang turan ko sa kaniya pagkatapos kong kumalas sa pagkakayakap niya.

" Bakit? " tanong ko matapos kong marinig ang mahinang pagtawa niya.

" Sino ba naman kasi ang mag- aakala na yung maangas na babaeng nakablind date ko ay takot sa kulog, " natatawang komento niya kaya di ko mapigilang titigan siya mula sa chinito niyang mata, matangos na ilong at mapupulang labi.

" Alam ko namang pogi ako pero huwag mo ako masyadong titigan baka matunaw ako niyan, " natatawang komento niya ulit.

" Asa ka naman diyan, " depensa ko saka pabiro siyang inirapan saka iniwas ang tingin ko.

" Asus, natulala ka nga sa akin nung first meeting natin eh, " sambit niya habang mayroong nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.

" Sinong hindi matutulala eh kinuha mo yung first kiss ko, " pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

" Kasalanan yun ng labi mo, inaakit ako, " depensa niya kaya bahagyan akong napanganga. Kasalanan ko pa?

" Che, ganun ba sa ibang bansa? Bigla bigla na lang nangunguha ng first kiss sa first meeting, " pahayag ko naman sa kaniya

" Hindi no, sadyang inakit lang ako ng labi mo at sobrang ingay mo pa nung time na iyon, " paliwanag naman niya

" parang kasalanan ko pa, " di makapaniwalang turan ko sa kaniya

" Pero alam mo, ayun din ang first kiss ko, " natatawa niyang turan kaya naman napatingin ako sa kaniya.

" Seryoso ka? " nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon