KABANATA 40: THE PLAN

19 1 0
                                    

KEN'S POV

" Kung ayan yung gusto mo, let's end this, fake boyfriend. " turan ni Alexa sa akin.

Masakit makitang ang babaeng mahal ko na nagpipigil ng luha upang ipakitang malakas siya. Hindi ko na kayang makita pa siyang ganiyan kaya naman tumalikod na ako. Nagsimula akong lumakad papalayo sa kaniya na pinipigilan ang sariling lingunin siya dahil alam ko na masisira ang plano ko kung sakaling lingunin ko siya. Tuluyan ko ng nilisan ang rooftop at dumiretso sa classroom namin.

" Nasa rooftop siya. Puntahan mo because she needs you. " seryosong turan ko kay Rhea ng makalapit ako sa kinaroroonan niya.

" What did you do? " takang tanong niya sa akin pagkatapos niyang tumayo sa kaniyang pagkakaupo.

" I ended our relationship. " sagot ko sa katanungan niya na nagpakunot ng noo niya.

" What did you say? " pag uulit ni Rhea sa akin ngunit mas tumaas na ang boses niya kaya naman napatingin na rin ang mga kaklase namin.

" Ang sabi ko hiwalay na kami ni Alexa. " mariin kong sagot kay Rhea at medyo nilakasan ko dahil nakita ko na papasok si James.

Hindi na muling nagsalita si Rhea at nagmamadaling tinungo ang pintuan ng classroom namin. Maging si James ay bahagyang nagulat sa sinabi ko at nagsimula na rin ang mga bulong-bulongan sa classroom namin. Pinagwalang bahala ko na lamang ang bulungan nila at umupo na sa upuan ko. Kailangan kong makipaghiwalay kay Alexa to make it fair and square sa aming dalawa ni James. Ayun rin kasi ang naging pakiusap sa akin ng mama ni Alexa noong magpaalam ako sa kaniya na liligawan si Alexa.

Maya – maya ay dumating na rin ang aming teacher at nagsimula na ang aming klase. Buong umaga ay hindi pumasok si Alexa at Rhea. Nagtext naman sa akin si Rhea na sinamahan niya muna si Alexa sa mini office neto. Kung nagtataka kayo bakit hindi galit sa akin si Rhea sa ginawa ko sa bestfriend niya, simple lang, alam niya ang plano ko.

Dahil sa pag – iisip ko kung paano ako aamin kay Alexa ay di ko namalayang na lunch break na pala. Kung hindi pa ako tinapik ni Caleb ay tulala pa rin siguro ako for sure. Nakakatulala pala mag – isip kung paano aamin sa babaeng mahal mo, no? I mean, ilang beses na ako umamin kay Alexa pero tingin ko tinuring niya lahat yun na joke kaya naman nag – iisip ako ng big gesture para ipagsigawan ang nararamdaman ko sa kaniya.

" Tara na tol, tama na muna yang pagtulala mo dahil nagugutom na ako. " rinig kong turan ni Caleb.

" Basag trip ka talaga minsan, tol. " bulalas ko pagkatapos kong makita siyang nakabusangot.

" Tara na. " pag – aya muli niya sa akin saka kinuha ang bag niya.

Tumayo naman na ako at kinuha ang bag ko. Kailangan ko ring bilisan ang pagkain dahil pupuntahan ko pa si Xander para hingin ang permiso niya sa panliligaw ko kay Alexa. Palabas na sana kami ni Caleb ng classroom namin ng biglang lumitaw si James sa harap ko.

" Problema mo? " maangas kong tanong sa kaniya.

" Gusto ko lang magpasalamat at nakipaghiwalay ka na kay Alexa. She did not deserve that kind of relationship. " maangas na sagot pabalik sa akin ni James kaya naman napangisi ako.

" At ano ang deserve niya? The way you treat her? Do not make me laugh, James. " nakangisi kong turan sa kaniya.

" Say whatever you want to say. Ngayong hiwalay na kayo, makakaporma na ako sa kaniya. " nakangisi niyang turan sa akin. Tsk, ginagaya niya ba ang reaksiyon ko.

" I just let her go for a while in order to hold her tighter the next time. Wala kang pag – asa sa kaniya. " makahulugang turan ko sa kaniya.

" Huh, may the best man win kung ganun. " mapanghamong turan niya sa akin saka ako tinalikuran.

" Napakayabang ng mokong na iyon ah, ano pre, resbakan natin? " komento ni Caleb pagkaalis ni James.

" Hayaan mo na yun, magsasayang ka lang ng oras sa kaniya. Kumain na tayo at may pupuntahan pa ako. " pag – aya ko sa kaniya saka nagsimulang maglakad.

Agad din namang sumunod si Caleb sa akin at agad din naman naming tinungo ang papunta sa cafeteria.

ALEXA'S POV

" Baka naman may dahilan si Ken kaya siya nakipaghiwalay sa iyo. " pag – alo sa akin ni Rhea.

" Kung ano man yun, sana mas importante yun kaysa sa nararamdaman ko ngayon. " sagot ko sa kaniya saka ako muling sumubsob sa unan.

Andito kami ngayon ni Rhea sa mini office ko. Pagkatapos kasi ng usapan namin ni Ken ay biglang dumating si Rhea sa rooftop makalipas ang ilang sandali. Tinulungan niya akong tumayo at sinamahan niya ako pumunta rito sa mini office ko. Parehas tuloy kaming absent sa morning class namin.

" Basta tandaan mo, Beshy na everything works for our own good. " pagpapalakas ng loob sa akin ni Rhea.

" Sana nga, Beshy. " tanging nasabi ko na lamang dahil hanggang ngayon ay di pa totally nagsisink-in sa utak ko na wala na talaga kami ni Ken.

" Gusto mo bang tumawag ako sa inyo para masundo ka at makapagpahinga ka naman? " tanong sa akin ni Rhea.

" Hindi na, kumain ka na ng lunch para makapasok ka mamaya sa afternoon class. Ako na lang ang tatawag sa bahay. " turan ko sa kaniya

" Ha? Di kita iiwan dito hangga't di ko nasisigurado na okay ka. " pagtutol naman ni Rhea sa sinabi ko.

" I will be fine, Rhea. " paninigurado ko sa kaniya kahit ang totoo ay nais ko lamang mapag-isa.

" Are you sure? " nag – aalalang tanong sa akin ni Rhea.

" Yes, do not worry about me too much. " sagot ko sa kaniya saka pilit na ngumiti.

" Fine, kahit sure ako na gusto mo lang mapag – isa. " turan niya kaya nabigla ako.

" Talagang nabigla ka pa na alam ko. Magkaibigan na tayo since I do not remember when kaya kilalang kilala na kita, but I respect that personal space na gusto mo. " nakangiting turan sa akin ni Rhea.

" Sorry. " tanging nasambit ko saka napayuko na dulot ng hiya.

" Do not be. Just call me when you need me. I will be there right away. " masiglang turan nito saka ako tinapik sa balikat.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng mini office ko hudyat na umalis na si Rhea. Naging hudyat din iyon ng pag uunahan ng luha ko na kumawala sa mga mata ko.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now