KABANATA 36: OUR NEW MR. AND MS. BEU

20 1 0
                                    

ALEXA'S POV

Habang nasa pila kami ni Ken for the final walk ay iniisip ko pa rin kung ano ang pinag – awayan ni Rhea at Caleb. Okay pa naman sila kanina nung bago mag question and answer portion.

" Huwag mo muna masyado isipin yung dalawa. " rinig kong turan ni Ken kaya napalingon ako sa kaniya

" I cannot help, I am too curious. " natatawa kong turan sa kaniya

" Kung anuman pinag-awayan ng dalawa, malamang hindi na yun away magkaibigan. " komento naman ni Ken

" Paano mo nasabi? " takang tanong ko sa kaniya

" Hindi magiging ganun ang reaksiyon ni Caleb kung away kaibigan lang yun. " paliwanag ni Ken

" Tingin mo may something na sa dalawa? " tanong ko muli sa kaniya

" Nauna pa sila sa atin. " natatawang turan ni Ken

Napaiwas naman ako ng tingin kay Ken dahil sa sinabi niya. Bakit parang iba ang impact sa akin ng sinabi niya.

" Huwag ka masyado mag – alala, kaya kitang hintayin kahit gaano pa katagal. " rinig kong tinuran niya kaya lalo akong nailang.

Hindi pa rin kasi ako sanay na ganiyan siya umaasta pag tungkol sa akin. Mas sanay akong iniinis niya ako araw – araw.

" Ladies and gentlemen, our top five contestants in their final walk. " rinig kong turan ng emcee

Ayun ang naging cue ko para i-ayos ang aking sarili at maghanda na upang rumampa. Kinuha ni Ken ang kamay ko at siya na mismo ang nag-angkla noon sa braso niya kaya napatingin ako sa kaniya.

' Konti na lang Ken, malapit na. ' sigaw sa isip ko

Naramdaman ko naman na aabante na kami kaya naman ibinalik ko na din ang atensyon ko sa harapan. Nagsimula na kami rumampa at noong nasa bandang center na part na kami ng stage ay nagulat ako sa aking nakita. Si Rhea at Kuya ang magkatabi habang si Caleb at isang babae naman ang magkatabi. Ano ba nangyayari sa dalawang yoon?

Iwinaksi ko na muna ang iniisip ko dahil may pageant pang nagaganap pero mag – uusap talaga kami mamaya ni Rhea.

" Our contestants are really outstanding. Mukhang handa na din sila upang malaman ang susunod na Mr. and Ms. BEU. " turan ng emcee na sinundan ng hiyawan at sigawan mula sa mga audience.

Ako naman ay lihim na napalunok sa kaba. Hindi ko naman inaasahan na makukuha ko yung title na iyon dahil may mas mahalaga akong nakuha. Sinilip ko si Ken na kasalukuyan din palang nakatingin sa akin. Nginitian niya ako kaya naman isang ngiti din ang aking sinagot.

" Alright, we have the result already. Sino sa mga naggagandahan at naggagwapuhan nating mga kalahok ang mag – uuwi ng titulong Mr. and Ms. BEU. " sambit ng emcee na nagpataas ng energy sa crown pero mas lalong nagpakaba sa akin.

" Alright, our 4th runner ups, Mr. Dave Cruz and Ms. Lira Samonte. " anunsyo ng emcee kasabay ng masigabong palakpakan mula sa audience.

Teka? Hindi ako fourth place? Oemgee, paano nangyari yun

" 4 more pairs of contestant ang naglalaban sa crowns. Bawasan na natin yan whooo! Our 3rd runner ups, Mr. Angelo Gomez and Kimberly Cruz. " sunod na anunsyo ng emcee

Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko.

" Grabe partner, we only have 3 pairs at lahat sila ay mukhang sobra ng kinakabahan sa resulta kaya naman di na natin to patatagalin. " turan ng isa pang emcee na babae.

" Our second runner ups go to Mr. Karl Villafuerte and Ms. Edgielyn Ocampo. " anunsyo ng babaeng emcee at tuluyang na akong napanganga.

" Okay, we only have 2 pairs and mukhang magkaiba ng emotion ang nakikita natin sa ating candidates. Chikahin muna natin sila. " rinig kong turan ng babaeng emcee

" Sige partner, ikaw diyan, ako dito. " sabi naman ng lalaking emcee saka lumapit sa posisyon namin ni Ken.

" Hello there Mr. Miguel and Ms. Tiffany! How are you feeling? " pagbati ng emcee na babae kila Tiffany.

" We are absolutely good. " sagot ni Miguel, yung partner ni Tiffany

" And you Miss Tiffany? " tanong ng emcee na babae

" Fine, Hinahanda ko lamang ang aking sarili in reclaiming my crown. " confident na turan ni Tiffany

" Love the confident girl, and your king will be Miguel? " tanong muli ng emcee kaya napalingon ako sa pwesto nila

" Of course not ! A queen like me only deserves a king. I believe that Miguel is a prince, but Ken is my king. " turan ni Tiffany na diniin ang mga salitang my king sabay tingin sa kinaroroonan namin ni Ken.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umugong ang bulungan sa audience dahil sa tinuran niya. Maging ang emcee na nagtanong sa kaniya ay bahagyang nagulat sa sinabi niya.

" Wow, grabe ang tapang mo Ms. Tiffany. " turan ng emcee ng makabawi siya sa pagkabigla

" Well partner, medyo mainit na diyan kaya naman dako tayo rito. " turan ng lalaking emcee na nasa pwesto namin.

" Well, hello here Ms. Alexa and Mr. Ken. How are you? " tanong sa amin ng emcee.

" I am good, katabi ko ba naman ang nag – iisang reyna ko. " nakangiting turan ni Ken

Napalingon ako sa sinabi niya. Did he just junk off yung sinabi ni Tiffany? Tumingin din sa akin si Ken at hinawakan ang kamay ko at ngumiti. Dahil sa sinabi at ginawa niya ay umugong ang impit na tili ng mga audiences.

" Wow, his eyes only set on you Miss Alexa. What can you say about that? " tanong sa akin ng emcee. Ano to ? Pinagsasabong ba nila kami

" Well, I am flattered to be his queen. I think everyone should also know that he is only mine este my king. " nakangiting turan ko sa emcee

Naramdaman ko ang bahagyang pagkagulat ni Ken sa sinabi ko. Well, akala niya siya lang ang pwedeng bumanat.

" Yikes, sobrang matamis rito pakner. Mukhang kalmado na rin sila kaya naman, let us have the result. " turan ng lalaking emcee sabay punta muli sa pwesto nila kanina

" Tama ka diyan pakner bago pa tayo langgamin dito. " natatawang turan ng babaeng emcee na lumapit sa lalaking emcee.

" Alright, this is the moment of truth everybody. Are you excited to your new Mr. and Ms. BEU? " tanong ng babaeng emcee na sinagot naman ng audience ng hiyawan at sigawan.

" Listen carefully, the first pair we call will be the Mr. and Ms. BEU 20xx. At yung di mababanggit ang ating 1st runner up. " panimula ng lalaking emcee.

" Ladies and gentleman, our new Mr. BEU goes to Mr. Ken Andrew Valenzuela. " anunsyo ng lalaking emcee

Napatingin ako sa kaniya pero bakit ang seryoso niya pa rin eh nanalo naman siya.

" Naku, mukhang ayaw nabibitin ng ating Mr. BEU kaya naman tawagin na natin ang kaniyang queen. Our Ms. BEU goes to Ms. Alexandra Alcantara. " anunsyo ng babaeng emcee

Halos hindi ko na alam ang nangyayari sapagkat pagkatapos i-anunsyo ng emcee ang Ms. BEU ay hiyawan at sigawan ang umaalingawngaw sa buong stadium. At natagpuan ko naman ang aking sarili na yakap – yakap ni Ken.

I won? I really won ! I am the new Ms. BEU.

' I wish you were here to witness this. " bulong ko at may luhang tumulo sa aking mga mata.

ITUTULOY !

BLIND DATE | COMPLETED |Onde histórias criam vida. Descubra agora