KABANATA 15: LOVE SICK

33 4 0
                                    


ALEXA'S POV

Kasalukuyan akong papunta sa room namin. Medyo maaga pa kaya kaunti pa lang ang mga estudyante sa school. Pagdating ko sa classroom,si Ken pa lang ang tao. Mukhang tulog pa siya kasi naka heads down siya. Umupo ako sa upuan ko which is katabi ng upuan niya. Tiningnan ko lang siya kasi feeling ko may mali kasi nanginginig ang buong katawang niya. Hinawakan ko siya para gisingin pero nabigla ako kasi parang humawak ako ng apoy.Ang taas ng lagnat nya sheemz.

" Ken, oy " sabi ko habang natataranta ko siyang niyuyogyog

"Hmmmm " yun lang ang sagot niya sa akin

" Bumangon ka nga diyan. Punta tayong clinic, ang init mo. " sabi ko

" Ayaw" tipid niyang sagot sa akin

" Ang tigas naman ng ulo mo. Tumayo ka na diyan. Punta tayong clinic. " pag-aalala kong sambit sa kaniya

Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at ngumiti ng nakakaloko. Bakit naman parang ang slow motion masyado.

" Nag-aalala ka ba sa akin Miss Alcantara. " nakangisi niyang turan sa akin

" Aba malamang, baka mamaya pag hinimatay ka diyan na wala akong ginagawa, kuyugin ako nang fans club mo. " sagot ko

" Hayaan mo sila, I will protect you by then. " sabi niya at muling pumikit

Namula naman ako sa turan niya. Itong mokong na ito, nilalagnat na, dami pang alam sa buhay. Pinitik ko siya sa noo kaya naman napadilat siya

" Tara na sa clinic, wag ka na makulit. " asik ko sa kaniya

" Sssssh, inaantok at nanghihina ako, di ako makakalakad. Pero kung mapilit ka buhatin mo na lang ako. " wika niya

" Ano?! Di kita kaya, dito ka muna at hihingi lang ako nang tulong. " sabi ko

Bago ako tumayo ay kinuha ko ang jacket na nasa bag ko at ipinatong sa kaniya. Akmang aalis na ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hatakin. Dahil sa lakas ng pwersa niya at napaupo ako sa lap niya. Ehem ang akward kasi nakapatong yung ulo niya likod ko at nakaupo ako sa hita niya.

" Oy ken, bitawan mo ako. " sabi ko habang inaalis ang pagkakayakap niya pero mas lalo niyang hinigpitan ito.

" Wag mo akong iwan, please. " sabi niya na batid ang pagmamakaawa

" Hindi naman kita iiwan. Pupunta lang ako sa hallway para humingi nang tulong upang madala ka sa clinic " paliwanag ko

" Ayaw ko, dito ka lang. Magiging maayos din ang pakiramdam ko. " sabi niya habang parang batang sinusubsob ang mukha niya sa likod ko

Naglabas na lang ako nang buntong hininga. Mahirap makipag away sa maysakit, baka mas lalo siyang lumala. Ang akward man pero alam ko na di niya rin ako pakakawalan kaya hinayaan ko na lang siya sa trip niya. I sighed again at nilihis ang ulo ko para tingnan siya.

" Ano ba kasing pinagagawa mo at nagkasakit ka ha?! " tanong ko sa kaniya

" Practice. " tipid niyang sagot

" Ayan, subsob na subsob sa practice tas di iniingatan ang sarili. " parang nanay na sermon ko sa kaniya

Wala naman na akong nakuhang sagot. Baka nakatulog ang mokong. Maya maya nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Nagulat pa nga sila ng makitang ganun ang posisyon naming dalawa.Nag quiet sign lang ako sa kanila since natutulog nga si Ken. Kung nagtataka kayo kung bakit di ako umalis sa pwesto ko ay una, baka magising ko siya. I know how badly he needs rest and lastly, kahit tulog siya, mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya di ko rin makalas.

Maya – maya pa ay dumating na si Rhea at Caleb, taray magkasama sila. Nabigla naman sila sa itsura namin ni Ken kaya lumapit na sila sa pwesto namin.

" Anong trip niyo? " natatawang tanong ni Rhea

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagwika, " ito kasi si Ken, nilalagnat tas ayaw magpadala sa clinic, tulungan niyo nga ako. "

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumango.

" Hihingi lang din ako ng tulong sa iba. Di natin yan kaya ng tayo lang. " sabi ni Rhea saka lumabas

" Tatawag lang ako sa bahay nila para ipaalam ang nangyari. " sabi naman ni Caleb at lumabas din

Bahagya ko namang tinampal tampal si Ken para magising, mahina lang naman kaya di yun masakit. Unti-unti niyang dinilat ang mata niya.

" Tumawag na si Rhea at Caleb ng tulong kaya wag ka na matulog, sa clinic mo na lang ipagpatuloy yan. " sabi ko

Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Maya maya ay dumating na si Rhea kasama pati ang mga school nurses. Umalis na ako sa pwesto ko kasi nakakahiya na talaga. Dahan dahan nilang inalalayan si Ken papunta sa clinic habang ako ay kasunod lamang nila. Nag-aalala pa rin ako sa mokong na iyon kahit papano.

Kasalukuyan akong nasa clinic at binabantayan ang mokong na to. Pano ba naman kasi matapos ang eksena namin sa room, eh ayaw niya na akong paalisin. Tumayo ako para mag unat sandali at sumagap ng hangin kasi nahihilo ako sa amoy ng air freshener dito sa clinic. Akmang lalabas ako nang hawakan nya ang kamay ko.

" Wag mo akong iwan " sabi niya

Tiningnan ko sya pero nakapikit naman siya. Nanaginip ata. Dahan dahan kong kinalas ang pagkahawak niya pero mas hinigpitan niya ito. Dumilat siya at nawindang ako sa sinabi niya

" Do not leave me, Wag mo na ako ulit iiwan, Sandra. "

Nagulat ako sa pangalan na lumabas sa kaniya. Pinagkamalan ba niya ako na ibang tao? Sinong Sandra ang tinutukoy niya? Bakit parang takot na takot siyang iwan siyang muli neto? I sighed. Mauuna ata akong mabaliw sa lalaking ito eh. Umupo na lang ulit ako sa upuan. Maya maya dumating na ang susundo kay ken.

Bahagya naman siyang nagulat ng makita ko. Ano ba?! Ganun ba ako ka kapanget para laging may magugulat sa mukha ko. Pinatanggal ko na nga fake brace ko, nakasalamin na nga lang ako with weird wig hairdo.

" Good morning Ms. Ako po yung susundo kay young master Ken " magalang na turan niya

" Magandang umaga din po, sige po. Kayo na po bahala sa kaniya. " nakangiting tugon ko rito

Ginising niya si Ken at inalalayang tumayo. Akmang aalis na sila nang lingunin ako ni Ken.

" Salamat love. " nakangiting turan niya sa akin

" You are welcome. " nakangiti ngunit nauutal na sambit ko

He just smiled back at umalis na. Di ko man nakikita yung reflection ko, alam kong namumula ako. Kaloka talaga yung lalaking yun.Tawagin ba naman akong "love." Umalis na rin ako ng clinic. Habang naglalakad ako iniisip ko pa rin yung Sandra na sinabi ni Ken? Sino siya sa buhay ni Ken? Those question is running my mind until the last class this day.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora