KABANATA 25: STRESSFUL DINNER

21 3 0
                                    


ALEXA'S POV

Pagkatapos naming ihatid si Rhea sa bahay nila ay idiniretso na rin ako ni manong driver pauwi sa bahay. Pagkatapos ko magpasalamat sa driver namin para sa paghatid sa akin ay pumasok na ako nang bahay. Dumiretso ako sa kusina dahil alam kong oras na para sa dinner. Pagkarating ko doon ay nanlaki ang mata ko sa taong nakita ko.

" Anong ginagawa mo dito?! " pasigaw kong wika sabay turo pa sa kaniya

" Ako ang nag – imbita sa kaniya dito princess. " wika naman ni Dad

Nabaling ang atensyon ko kay Dad at may pagtatanong sa aking mga mata.

" Look, your Tito Chris called me na andito na pala si James sa Pinas so dahil may pinagsamahan naman ang mga pamilya natin before they migrate sa ibang bansa ay niyaya ko na dito na maghapunan si James like the old times. " mahabang paliwanag ni Daddy

Tumango na lamang ako dahil alam ko na walang patutunguhan kahit pa magprotesta ako dahil sitting pretty na si James sa hapag – kainan namin. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa side table sa dining saka umupo na sa upuan ko na nakaharap naman sa pwesto ni James.

" How is your day, sweetie? " nakangiting tanong sa akin ni Mommy

" It is fine mom and happy. " nakangiti kong sagot sa kaniya

" So, I have heard na magkaklase pala kayo ni Alexa. " wika ni Dad habang nakabaling kay James

" Yes po tito. " magalang na sagot nito

" So, why coming back all of the sudden? " tanong ni Dad

" Parang di niyo naman po alam tito. " wika ni James sabay tumingin sa akin kaya naman tinaasan ko ito ng kilay

" Well, I mean Alexa is single and your relationship end in good terms, who knows diba. Ika nga nila, love is sweeter the second time around. " wika ni Dad na parang teenager.

Actually Dad really likes James for me. Siguro dahil nakita niya nga kung paano kami dati pero tapos na iyon. Nabaling ang atensyon ko kay James nung tumikhim siya.

" Single po? " tanong nito kay Dad pero sa akin nakabaling ang mata niya

" Yes, diba princess? " tanong ni Dad habang nakatingin sa akin

Napalunok ako nang ilang beses dahil sa tanong ni Dad. Si Mom pa lang kasi nakakaalam ng about sa amin ni Ken. Sasagot na sana ako nang makarinig kami nang doorbell.

" Manang pabuksan ako ng pinto baka yung bisita ko na ang nandyan. " nakangiting turan ni Mommy

" May bisita ka pala honey? " tanong ni Dad kay Mom

" Yes, well technically, di siya bisita, he is part of our family. " wika ni Mom saka makahulugan akong binigyan ng tingin

" Good evening po Tito and Tita. " wika nung bisita

Teka, familiar ang boses niya ah? Bumaling ako sa pinanggalingan ng boses at ganun na lang ang paglaki ng mata ko nung makita ko si Ken.

" Ano ding ginagawa mo dito?! " I exclaimed in surprise

" Tita invited me here. " nakangiti niyang turan sa akin saka lumapit sa kinaroroonan namin

" Umupo ka na iho para makakain ka na rin. " wika ni Mommy na halata ang saya

Tumango naman si Ken at saka umupo sa tabi ko. Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng matalim na tangin dahil sa kaharap namin. Oh great, di pa nga ako nakakasagot sa tanong ni Dad, tas dumating pa ang mokong na ito.

" You are here. " malamig na turan ni Ken kaya naman pasimple ko itong kinurot kaya nabaling ang atensyon niya sa akin

" Dad invited him, naabutan ko lang siya dito. " paliwanag ko. Teka? Bakit ba ako nagpapaliwanag.

Tumango si Ken sa akin saka ibinalik ang kanyang mata kay James. Halata ang tensyon sa tinginan nilang dalawa kaya naman tumikhim na ako upang maagaw ang atensyon nila.

" Tara kain na tayo. " pagkuha ko nang atensyon nila

Nagsimula naman na kami kumain. Maya – maya ay binasag ni James ang katahimikan ng lahat

" Alexa diba favorite mo itong tocino, kuha ka pa. " wika ni James saka inabot sa akin yung lagayan na may tocino

" Salamat. " wika ko na may napipilitang ngiti. What is he trying to do?!

" Gusto mo ng tocino? " tanong ko sa katabi ko. Bahagya pa siyang nagulat

" Ah, sure. " nakangiting turan ni Ken sa akin kaya naman ngumiti ako pabalik sa kaniya

" Nga pala ---- " panimula ni Dad

Napunta kay Dad ang atensyon naming lahat at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

" Wala bang umaaligid sa prinsesa ko sa school niyo? " tanong ni Dad

" Meron/Yes po tito. " sabay na wika ni Ken at James kaya naman napapikit ako. Naku, I smell disaster

" Really? Wala ka pang nakukwento sa akin about him princess? " wika ni Dad saka ibinaling ang kaniyang atensyon sa akin

" Medyo busy dad eh, pero I will tell you about it next time. " wika ko kay Dad habang nanalangin na di na siya magtanong pa

" Ganun ba? Kung wala naman siyang lakas ng loob na pumunta dito, aba dapat magkabalikan na lang kayo ni James. " wika ni Dad

Naramdaman ko ang pag – iiba ng aura ni Ken pati na rin ang matalim na tingin niya. Sabi ko na disastrous talaga mangyayari dito.

" Dad, past na po yung sa amin ni James. Tapos na po yun. " madiin kong sagot kay Dad pero nakatingin ako kay James

" Di mo rin masasabi yan princess, mahirap kalimutan ang first love. " wika ni Dad

Namayani ang katahimikan sa aming kalagitnaan. I feel the awkward atmosphere. Gosh, why this is happening. Nabasag lamang ang katahimikan sa aming kalagitnaan ng tumunog ang cellphone ni Ken. Tiningnan niya ito saka ibinalik sa kaniyang bulsa.

" Sorry po tito, tita. Something came up. Kailangan ko na pong umuwi. " magalang na wika ni Ken kay Mom and Dad

" Ganun ba iho, sayang naman at kakasimula mo pa lamang kumain. " wika naman ni Mommy

" Ayos lang po, next time na lang po. May emergency eh. " tugon naman ni Ken

" Magpahatid ka na sa driver Ken. " wika naman ni Dad

" Thanks tito pero dala ko po ang kotse ko. " sagot namang pabalik ni Ken

" Oh siya, mag – iingat ka sa pagmamaneho. " wika ni Dad

" Thank you po. " wika naman ni Ken

Tumayo na si Ken at nagsimulang maglakad.

" Wait Ken. " tawag ko sa kaniya kaya naman huminto ito at lumingon sa akin.

" Ihatid ko lang po siya sa gate. " paalam ko kay Mommy and Dad

Sabay naman silang tumango kaya patakbo akong pumunta sa pwesto ni Ken. Sabay naming binagtas ang daan palabas ng bahay na puno ng katahimikan ang paligid. Nakarating na kami sa kotse niya pero di pa rin siya nagsasalita kaya naman naglakas loob na ako na kausapin siya.

" Anong iniisip mo? " tanong ko sa kaniya

" Yung sinabi ni Tito. " wika niya

" Alin dun? " tanong ko ulit

" Na mahirap kalimutan ang first love. " malamig na wika niya

" Nagseselos ka ba? " tanong ko na may pagsundot pa sa tagiliran niya. Di kasi ako sanay na ganyan siya

" Oo " matipid niyang sagot na nagpatahimik sa akin.

" Nagseselos ako kasi alam ko na first love mo siya, eh ako? I am just your fake boyfriend. " dagdag pa nito

" Ken --- " wika ko

" Pumasok ka na doon at hinihintay ka nila. Aalis na ako. " wika niya habang may mapaklang ngiti

Ginulo lamang niya ang buhok ko at pumasok na sa kotse saka pinaharorot ito palabas ng gate. DID HE LEFT ME DUMBFOUNDED?!

ITUTULOY

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now