KABANATA 23: CONCERN

26 4 0
                                    


ALEXA'S POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko dahil sa pagod sa practice kanina para sa pageant, malapit na din kasi ang coronation night kaya puspusan na ang pag eensayo namin. Kung nagtataka kayo kung ano nangyari kanina pagkatapos ng insidenteng iyon, ganto ang nangyari.

*** FLASHBACK ***

Lumipas na ang ilang minute ngunit wala akong naramdamang matigas na sahig kaya dumilat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko ang pwesto namin ni Ken. Kasalukuyan akong nakapatong sa kaniya, mukhang sinalo niya ako kanina pero magkalapat ang labi namin.

" Ehem ! " rinig kong pasimpleng ubo nang trainer namin.

Napabalikwas ako nang tayo saka namumulang yumuko. Gosh nakakahiya !

" Okay, 5 minutes break muna tayo. Mukhang kailangan ng pahinga ni Ms. Alexa dahil sa "accident" niya. " wika neto na may halong pang – aasar kaya lalo akong namula.

Umupo ang ibang candidates sa bleachers. Napahawak naman ako sa kanang parte ng paa ko. Kumirot kasi ito.

" Are you okay? " nag – aalalang tanong ni Ken.

" Oo, pupunta lang akong restroom. " wika ko habang tinatago ang kirot na nararamdaman ko. Ayaw ko na mag – alala pa siya sa akin.

Tumango na lamang ito kaya naman nagsimula na ako maglakad. Tiniis ko ang kirot para di niya mahalata na may mali sa paglalakad ko. Basta ang alam ko lang kailangan kong makaalis dito dahil sa kahihiyan ko. Paglabas ko nang gymnasium ay dumiretso ako papunta sa clinic upang ipatingin ito. Pagdating ko doon ay sinalubong ako nang school doctor ng school namin.

" What happened? " tanong ng doctor

" Napatid po kasi ako while practicing for pageant kanina. Pwede niyo pong tingnan kung malala? " magalang kong wika sa kaniya

Tumango lamang ito saka nagsimulang tingnan ang paa ko. Medyo namamaga ito, mukhang masama nga ang bagsak ko. Mas lalo akong kinabahan nung umiling iling ito habang tinitingnan ang paa ko.

" May problema po ba? " kinakabahang tanong ko sa kaniya

" Tatapatin na kita iha, you have a bad fall. In my estimate, it will take 2-3 weeks before makarecover ang sprain mo. " wika niya

" Po? Hindi po pwede yun, next week na po kasi ang coronation night. " nanghihinayang kong wika rito.

" I suggest that you go home now and rest it. Then drink medicine para maibsan ang kirot at ipahinga mo, baka sakaling makarecover ka kaagad. " wika naman ni Doctor.

" Okay po. " wika ko saka bumuntong hininga.

Iniwan naman ako nung doctor kaya naman tumawag ako sa bahay upang magpasundo. Ayaw ko magpasaway lalo na at nalalapit na ang competition. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin ang sundo ko kaya naman umuwi na kami sa bahay.

*** END OF FLASHBACK ***

Nagpakawala muna ako nang buntong hininga saka umupo sa kama. Tiningnan ko ang nakabenda kong paa na medyo lumubo.

"Haysss pano kaya ito. " bulong ko sa hangin

*knock knock *

Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kinumotan ko muna ang paa ko upang hindi mahalata ang benda ko. Ayaw ko na kasing may nag – aalala sa akin.

" Pasok! " sigaw ko dahil di ako makatayo para pagbuksan kung sinuman ang kumakatok

Napaayos ako nang upo nang iniluwa ng pinto si Caleb, Ken at Rhea. Jusko, wrong timing ang pagpunta nila dito lalo na si Ken.

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now