KABANATA 11: MAN TO MAN TALK

38 4 0
                                    


ALEXA'S POV

One? Two? Three? Three days na ang nakakalipas mula ng mangyari yung sa amin ni Ken sa gym. At simula nun aydi na kami nakapag usap muli ni Ken. Sobrang busy niya na kasi sa training niya dahil nalalapit na ang basketball tournament. Besides parang wala naman siyang balak kausapin ako eh. Do not get me wrong ah. Wala akong nararamdaman sa lalaking yun. Ayoko lang na may galit sa akin. At namimiss ko rin yung kakulitan niya

" Ang lungkot mo na naman. " sambit ni kuya Xander at inabot sa akin ang ice cream cup

Kasalukuyan kaming nasa ice cream store sa harap ng school. Lunch break naman namin tas sakto nagyaya si kuya mag ice cream. Syempre tapos na kami maglunch bago kami mag ice cream. Kung hinahanap naman ninyo si Rhea, nasa gymnasium siya. Manunuood daw ng practice nila Caleb. Di ko alam sa dalawang iyon kong may namamagitan na ba sa kanila. They look so close na eh. Niyaya naman niya ako but nauna nagsabi sa akin si kuya Xander kaya hindi ako sumama.

" Hindi naman kuya, antagal mo lang. " I lied with a fake smile

" Sa akin ka pa magsisinungaling eh kilalang kilala kita since pagkabata. " wika niya

" Fine, di ko lang kasi maiwasan lalo na at ---- ." sambit ko

" Lalo na ano? Wag mong sabihing nahuhulog ka na sa kaniya. " pang – aasar ni kuya Xander

" Of course not, lalo na ano ayaw ko na may nagagalit sa akin. " wika ko na with persuasive voice

I heard him chuckles kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagyaya lang yata ito para asarin ako eh.

" I know you better Alexa. I know if you are lying pero di ko pipilitin ang pagiging in-denial mo. " sabi niya habang tumatawa

" Ako? In denial? No way " asik ko sa kaniya

" Fine, relax. I am just kidding here. Oh pano, mauna na ako, malapit na magstart ang practice game namin. " sabi niya

" Okay, take care. " I replied

Tumayo naman na siya at nagsimulang maglakad habang ako ay pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.

" Alexa" tawag niya sa akin

Nilingon ko naman siya sabay sabing, " may nakalimutan ka ba? "

" Manuod ka ng practice game namin ah, lalampasuhin ko lang yung boyfriend mo " nakangisi niyang turan sa akin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumakbo na ito habang tumatawa. Bumalik naman ang atensyon ko sa ice cream na kinakain ko. Yum yum

XANDER'S POV

Pagtapos ko magpaalam kay Alexa ay dumiretso na ako sa gymnasium ng kanilang paaralan.May kailangan lang akong kausapin bago ang practice game namin. Pagkarating ko saktong water break nila sa practice nila kaya naman nilapitan ko ang lalaking dahilan ng kalungkutan ng babaeng pinakamamahal ko. Naramdaman naman niya siguro ang aking presensiya dahil lumingon siya pero inis na binalik ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.

" Pwede ba tayong mag-usap? " tanong ko sa kaniya

Lumingon siya ulit sa akin. Halata ang inis sa kaniya ng makita niya ako. Tsk, ako nga dapat mainis sa kaniya eh.

" What about? " maangas niyang tanong

" About Alexa." Tipid kong sagot

Mas lalong lumukot ang mukha niya sa narinig niya. Nauna naman siyang lumabas ng gym kaya naman sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa bakanteng classroom. Pagkatapos kong isara ang pinto ay hinarap naman niya ako.

" What about my girlfriend? " mariin niyang wika sa akin

Napangisi ako ng ipagdiinan niya ang word na girlfriend. Mukhang meron ngang misunderstanding sa pagitan naming dalawa.

" Relax, I am here to talk not to fight. Before that ,let me introduce myself. I am Alexander Lim, Alexa's cousin. " diin ko ding tugon sa kaniya

Halata naman ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Yan kasi, di man lang nagtanong bago magreact.

" Are you serious? " tanong niya

" Yep, you can ask her if you want. Ow, di nga pala kayo nag-uusap, " wika ko

" Wala siyang sinabi sa akin na may pinsan siya. " tugon niya

" Paano mag eexplain sayo eh nagselos ka na agad. " sambit ko naman

" Ako? Nagseselos? No way." Sagot niya

Napatawa naman ako sa reaction niya, isa pa tong in denial.

" Bro, lalaki ako kaya alam ko na alam mo ang nararamdaman mo. If you do not like her, break up with her.

Hindi ako papayag na may manakit sa iisang prinsesa ng pamilya Lim. " mariin kong wika sa kaniya

" I will not do that. " mariin at seryosong tugon niya sa akin

" Hindi beneficial kay Alexa ang fake relationship niyo. Wala ka ngang alam tungkol sa kaniya eh. " asik ko

" I have ample of time to know her. " tugon niya

I sighed and hid my smile, " Do not dare to hurt her dahil ako mismo ang hahanap sa iyo pag nangyari yun. " pagbabanta ko

" I will not. " seryoso niyang sagot

" Good" tipid kong sagot

Tinaas ko naman ang kamay ko as a sign na want ko makipagshake hands and he do the same. Mapapanatag na ako ngayon.

ALEXA'S POV

Pagkatapos ko mag ice cream ay bumalik na ako sa classroom. Konti pa lang ang tao, siguro di pa sila tapos mag lunch. Umupo ko sa upuan ko at nagheads down. I am so sleepy. Bigla namang nagising ang diwa ko sa sigaw ni Rhea

" BESHY !!"

" Lower down your voice Rhea. " inis kong wika sa kaniya

Lumapit naman siya sa kinalalagyan ko na bakas ang pag aalala.

" You will not believe what I saw? " sambit niya

" What? " tanong ko

" Si Ken at kuya Xander, magkasamang lumabas ng gym at parehas seryoso ang mukha. " sabi niya

Nanlaki naman ang mata ko. Oh my, what is happening. Agad ko namang kinuha ang bag ko at ready na sana tumakbo nang bigla akong makarecieve ng text message mula kay kuya Xander

" Do not worry, everything will be fine now."

Nagtataka man ay pumayapa na ang isip ko. Ano kaya ang pinagusapan nila?

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora