KABANATA 30: LAST REHERSAL

24 2 0
                                    


KEN'S POV

" I want to court Alexa " diretsang wika ko sa kanila

Pinanatili ko ang seryoso kong mukha kahit gusto ko na sanang tawanan si Caleb dahil nakaawang ang kaniyang bibig habang si Rhea naman ay muntik ng mabitawan ang burger na kinakagat niya. Namayani ang katahimikan sa aming kalagitnaan ng ilang sandali. Maya – maya

" Teka, anong you want to court her? Eh diba magkasintahan na kayo? " litong tanong ni Caleb

Napasapo naman ako sa noo ng maalala ko na hindi ko pa pala nasasasabi kay Caleb ang buong katotohanan tungkol sa pekeng relasyon naming dalawa ni Alexa. Nagkatinginan naman kami ni Rhea upang tantyahin kung sino ang sasagot sa aming dalawa.

" So, ako lang ang hindi nakakaalam? " wika ni Caleb nung mapansin niya ang makahulugang tinginan namin ni Rhea

" Bro kasi nawala din sa isip ko na sabihin sa iyo ang totoo " wika ko

Makikita sa mukha ni Caleb ang pagkadismaya dahil sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ako ngunit napansin ko ang pagsiko ni Rhea kay Caleb.

" Joke lang bro, oo, alam ko yun. Nasabi na sa akin ni Rhea ang lahat " natatawang wika ni Caleb

" Ang galing mo dun, actor yarn " natatawang wika din ni Rhea

Mahina ko namang sinuntok ang braso ni Caleb na tawa pa rin ng tawa. Kabadtrip tong mokong na ito, kinabahan pa naman ako kung paano ako magpapaliwanag sa kaniya.

" Wala namang kaso sa akin kung liligawan mo siya, pero malaki ang pananagutan mo sa akin kung sakaling masaktan siya ng dahil sa iyo. " mahabang wika ni Rhea na puno ng pagbabanta

" Yes Ma'am " wika ko at sumaludo pa na ikinatawa naman ni Rhea

" Thanks for trusting mo Rhea " pagpapasalamat ko sa kaniya

" No worries, just make her happy. She experiences more than enough " wika ni Rhea

" Sino? "

Sabay sabay kaming napalingon ng marinig namin ang boses ni Alexa. Kasalukuyang nakataas ang kaniyang kilay na parang sinasabing sagutin niyo ang tanong ko.

" I am asking " wika niya ulit saka umupo sa tabi ko

ALEXA'S POV

Nagpalitan ng tinginan sila Ken, Caleb at Rhea na para bang nagtutulakan kung sino ang sasagot sa tanong ko kaya lalong kumunot ang noo ko.

" May tinatago ba kayo sa akin? " makahulugang tanong ko

" Wala beshy, nagchichismisan lang kami kanina " sagot ni Rhea

" Then who is the "she " na narinig ko? " tanong ko muli

" Ikaw " wika ni Ken

Sabay sabay kaming napatingin kay Ken dahil sa binitawan niya.

" Ako? Bakit? " takang tanong ko

" Kasi ano, pinag uusapan namin kung bakit wala ka pa " sagot ni Ken

" Ahh, nakipagkwentuhan pa kasi sa akin si mommy " wika ko na ikinatango nila

" By the way, kamusta practice? " tanong ko kay Ken

" Speaking of which, you need to be in rehearsal later kasi last na iyon and if not daw is idedisqualify ka nila. " sagot ni Ken na ikinataas ng kilay ko

" What? " I almost exclaimed

" Yeah, kaya bilisan mo na maglunch diyan kasi malapit na yung call time for the last rehearsal. " wika ni Ken

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now