KABANATA 57: HOMECOMING

24 3 0
                                    

ALEXA'S POV

" Ladies and gentlemen, Happy Airlines extends a warm greeting to you as we arrive in Manila. It is currently 3:40 p.m. local time. Please keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate and remain seated with your seat belt fastened for your protection and the safety of those around you. Thank you! "

Rinig kong anunsyo sa loob ng eroplano kaya napaayos ako ng upo habang minamasdan ang view sa bintana. I could not believe na after six years ay babalik ako sa bansang ito. Sa loob ng anim na taon ay nakatapos na ako sa kolehiyo at isa nang ganap na fashion designer. I have my own clothing line and hoping to own another with subsidiary of my parents' company.

" Let's go, " Rinig kong turan ni James kaya naman napalingon ako sa kaniya. Nakita kong bitbit niya na ang handbags naming dalawa at ang ibang pasahero ay nagsisimula na ding bumaba sa eroplano.

Tumango naman ako saka tumayo. Inalalayan naman ako ni James pababa ng eroplano. Habang papunta kami ni James sa arrival area ay may kaba sa aking dibdib dahil siguro hindi ko alam ang i-eexpect ko ngayong bumalik na ako.

" Alexa!!!" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses.

Hindi ko naman maiwasang matawa sapagkat sa sobrang lakas ng boses ni ate Cassie ay pinagtitinginan na siya ng ibang pasahero pero hindi ito natinag at naghair flip pa. Kumaway naman ako at binilisan ang lakad papunta sa kaniya.

" I miss you so much!!" Masayang turan no ate Cassie matapos niya akong yakapin ng mahigpit.

" A-ate, I c-can't br-breathe," Nahihirapan kong turan. Sobrang higpit naman kasi ng yakap niya sa akin.

Agad naman niya akong binitawan at nagpeace sign, " Sorry naman, na-miss lang kita ng sobra,"

" I miss you too. You look so beautiful," Nakangiting komento ko sa kaniya.

" Beautiful ka diyan, stress nga sa work eh. Paano ang demanding ng boss ko," nakasimangot nitong maktol sa akin.

" Bakit? Ano ba mga pinagagawa sa iyo ni kuya? " Natatawa kong tanong sa kaniya. Si ate Cassie ay nagtatrabaho sa kompanya namin bilang executive assitant ng CEO which is si kuya Sebastian.

" Ewan ko ba doon. Kung ano-ano pinapagawa sa akin pati panliligaw niya poproblemahin ko pa," Nakangusong reklamo niya kaya naman natawa ako.

" Sabi ko naman sa iyo na sa akin ka na lang magtrabaho eh," turan ko sa kaniya.

" Nah, malapit naman na ako magresign kay kuya since I want to pursue my master's degree," paliwanag naman niya. Graduate si ate Cassie ng accountancy at balak niyang magmaster ng business.

" Ahem!" Sabay kaming napalingon sa pinaggalingan ng pekeng ubo na yun.

" Tapos na po ba kayong magchikahan diyan? Kung hindi niyo napapansin, andito ako at bigat na bigat na sa mga bagahe," reklamo ni James. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa inasal niya o maawa sa hitsura niya ngayon.

" Sorry na. Ako na magbitbit ng iba," pagboboluntaryo ko. Sinubukan kong kunin sa kaniya ang hand bag ko pero iniwas naman niya ito.

" Ako na magbubuhat. Magsimula na kayo lumakad," usal niya sa akin.

" Peroo —"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si ate Cassie" Tara na, Lex. Hayaan mo na si James diyan," saka siya umangkla sa braso ko.

Wala na akong magawa kung hindi pabayaan si James sa pagbubuhat ng bagahe mamim sapagkat hinila na rin ako ni ate Cassie.

***

" Anak!" Patakbo akong sinalubong ni mommy pagpasok ko ng bahay.

" Na-miss kita sobra," pagpapatuloy nito habang yakap-yakap niya ako.

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now