KABANATA 17: THE OLD ALEXA IS BACK

36 4 0
                                    


ALEXA'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan na hindi maitatago ang ngiti sa labi. Well, I admit masaya ako this past few days which I really miss about myself for past year. Natigil ang pagmumuni-muni ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha ito at binasa ang mensahe.

" Good morning. See you at school. Wag ka magpapalate" – Ken

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Bumangon na ako at inayos ang kama ko bago ako dumiretso sa banyo. After 20 minutes ay nakaharap ako sa closet ko dahil wala akong mapiling isusuot. Tsk, ito na nga ba sinasabi ko eh, mahirap magbago ng style. Di ako sanay. Kung nagtataka kayo, I decided to remove my disguise na. I felt safe na rin naman kasi.

" Ma'am Alexa, pinapatawag na po kayo nila Ma'am at Sir " rinig kung turan ni manang habang kumakatok

" Opo, pababa na po ako. " magalang ko namang tugon rito

Nakarinig ako ng hakbang papalayo sa pintuan kaya muli ko nang dinako ang mata ko sa closet. Dinampot ko yung unang damit sa closet ko. Bahala na nga. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na rin ako. Naabutan ko silang nag aagahan pero wala pa si Kuya

" Good morning mom! Good morning dada! " masigla kong pagbati sa kanila.

Humarap naman sa gawi ko si Mom at parang nagulat dahil sa panlalaki niya ng mata. Nahampas din nga niya si Dad kaya napalingon din sa akin at naging parehas na ang mata nila, mag-asawa nga charot. Naflatter naman ako sa tingin nila mom and dad. Hindi ko naman kasi alam kung bagay ba yung suot ko sa akin. Actually I'm wearing off shoulder baby pink dress na hanggang tuhod and medyo kinulot ko yung dulo ng buhok ko.

" Ahm, mom? Dad? " nag-aalangan kong tawag sa kanila

Mukha namang bumalik na sila sa katinuan dahil patakbo akong niyakap ni Mommy.

" You look so gourgeous sweetie. " halos mangiyak ngiyak niyang turan sa akin

" Thanks mom. " nakangiti kong turan sa kaniya

Nadako naman ang tingin ko kay Dad, " do I look okay Dad? " I asked

" You look like a princess, my daughter. " nakangiting sagot ni Dad

" Syempre, nag – iisang prinsesa ng pamilya yan eh. " sabi ni Kuya Seb

Napalingon kami sa kinaroroonan niya. May bitbit pa itong training bag. Mukhang pagod na pagod siya ah.

" Bolero ka pa rin kuya. " mapang-asar kong wika sa kaniya

" Sus, bolero ako pero hindi sayo. " natatawa niyang turan sa akin.

" Mukhang nawiwili ka sa training Sebastian. You are forgetting your rule sa company. " seryosong turan ni Dad

Nag "lagot ka" sign naman ako kay kuya. Pero ang loko, ngumiti lang kay Dad.

" Hayaan mo munang mag-enjoy si Seb, pag graduate niyan, saka mo na tadtarin. " pagalit naman ni Mommy

" Fine, fine ! Halina kayo at magsiupo na para makakain na tayo! " wika ni Dad

Napangiti naman ako. Kahit kasi super strict ni Dad, napapaamo siya ni Mom. Umupo na rin ako sa upuan ko gayundin si Kuya Seb. Saglit kong idinako ang tingin ko sa hapag-kainan. It has been a while since super light lang ng atmosphere namin habang kumakain. Sayang nga lang, hindi na kami kumpleto.

" May problema ba Alexa? " tanong ni kuya

Nabalik naman ako sa katinuan sa tanong niya. Dahan dahan naman akong umiling at ngumiti saka pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kumain ay nagpaaalam na din ako sa kanila dahil malelate na ako sa school.

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now