KABANATA 45: BIRTHDAY PLAN

26 2 0
                                    

ALEXA'S POV

Para akong batang nakatingin sa kalangitan dito sa hardin ng school namin habang humihigop ng kape na binili ko sa isang sikat na coffee shop dito sa amin. Sobrang saya ko lang lately. Maybe Ken was right noong sinabi niya na living in truth set me free. Nitong mga nakaraang araw ay di pa rin ako tinitigilan ni Tiffany, ngunit hindi ko na lamang siya pinapansin sapagkat masisira lamang ang araw ko.

" Para kang baliw diyan. Ganiyan ba epekto kapag inlove,"

Napairap na lamang ako sa kawalan ng marinig ko ang komento ni Rhea. Panira din talaga ito ng moment eh. Natatawa naman siyang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

" Kung hindi kita kaibigan ay tumawag na siguro ako sa mental hospital. Para ka kayang baliw kanina, nakatulala tas ngumingiti,"

" Psh, antagal mo kasi," paninisi ko sa kaniya.

" Traffic kaya saka ang tagal ni Caleb dumating," nakangusong sagot niya. Wait, Caleb?

" Are you telling me na sabay kayo ni Caleb dumating?" nakataas-kilay kong tanong sa kaniya. Mukhang may hindi sinasabi sa akin ang kaibigan kong ito.

" Well, yes. He volunteered," simpleng sagot ni Rhea saka humigop sa kape ko. This girl is so gross.

" Bruha ka, kape ko yan eh," pagsaway ko sa kaniya pero ang loka ay humigop pa ng isa pa.

" Parang di naman tayo magkasama almost our whole life," sagot niya bago i-abot muli sa akin ang kape ko.

" Huwag na, sayo na yan. Kadiri ka," kunyaring nandidiri kong turan sa kaniya kaya naman sumimangot ito.

" Just kidding," natatawang bawi ko sa sinabi ko kanina.

" You are so mean," asik niya sa akin saka ngumuso. Napailing na lamang ako sa ginawa nito. Minsan talaga ay may pagka-isip bata ang babaeng ito.

" Mabalik nga tayo, what do you mean that he volunteered? Is there something na di mo sinasabi sa akin?" pag-iintriga ko sa kaniya saka humigop ng kape. Syempre, pinunasan ko muna yung ibabaw na di pinapahalata kay Rhea dahil sigurado ako na magra-rant na naman ito if nakita niya.

" Well, marami din kasing naganap na pangyayari sa inyo ni Ken this past weeks kaya naging close din kami lalo ni Caleb in attempting na pag-ayusin kayong dalawa," paliwanag niya habang nakangalumbaba ngunit hindi tumitingin sa aking mata.

" Is that so? Nothing else?" tanong ko sa kaniya habang hinuhuli ang kaniyang mata. May itinatago talaga sa akin ang babaeng ito.

" Ang dami mo namang tanong, beshy. Anyways, what is your plan pala? " tanong niya.

" About what?" balik na tanong ko sa kaniya.

" Your birthday is fast approaching, any plan?" sagot niya which reminded me na she was right.

" Sa dami ng happenings sa buhay ko, nakalimutan ko na ang bagay na yan. I actually do not have any plan since you know," halos pabulong na lamang ang mga huling salitang binitawan ko.

" Psh, I know kung nasaan man siya, hindi niya gugustuhin na malungkot ka pa rin. I will plan a celebration for you," pagpapasigla sa akin ni Rhea habang niyuyugyug ang braso ko.

" Do not bother. I am sure mom and dad will prepare something since kinausap na rin nila ako kanina. I told them na sila na lang bahala," paliwanag ko sa kaniya habang pilit ngumingiti upang itago ang lungkot na dumalaw na naman sa akin kasabay ng malamig na ihip ng hangin.

" Ohh"

Napuno ng katahimikan ang pagitan namin ni Rhea matapos ang naging reaksyon. Alam ko naman na tama siya na kung nandito si ate Cassie ay hindi niya rin gugustuhin na maging malungkot ako pero hindi ko pa rin maiwasang mangulila sa kaniya.

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now