CHAPTER 8: A DAY WITHOUT HIM

39 4 0
                                    


ALEXA'S POV

Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa classroom habang humihikab. Grabe, anong oras na ako nakatulog dahil sa message ni Ken. Anlakas talaga ng trip ng lalaking yun. Pagdating ko sa classroom ay dumiretso ako sa upuan at sinubsob sa lamesa ang mukha ko. 30 minutes pa naman bago ang first class namin kaya iidlip lang ako. Wala pa rin naman si Rhea, Caleb at Ken kaya wala din akong kausap.

" Good morning beshy. "

Napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Rhea. Bahagya naman siyang nagulat kaya nagtaas ako nang kilay.

" Anong nangyari sa iyo? Bat mukha kang zombie girl. " pigil tawang turan ni Rhea

I just rolled my eyes, " si Ken kasi"

" Oh? Anong meron diyan sa boyfriend mo? " wika niya

" Wala, nevermind. " wika ko at sinubsob muli ang mukha ko sa table.

Bukod sa inaantok ako ay ayaw ko na din ikwento kay Rhea yun dahil sigurado akong aasarin na naman ako neto. Maya – maya ay napatingin ako sa pinto na hindi naman nakaligtas kay Rhea.

" Sinong inaabangan mo diyan? " pang-aasar niya sa akin

" Nothing, napatingin lang ako, wala akong inaabangan. " pagtanggi ko sa kaniya

Tinawanan lang ako nang bruha na tila pahiwatig na di siya naniniwala sa akin. Tumingin ako sa aking wristwatch, magtatime na pala. Asan na kaya si Ken este si Ma'am. Aish speaking of Ken, dahil sa trip niya kagabi di ako nakatulog. After ko kasing mabasa yung chat niya, naabnormal na yung heartbeat ko.

" Good morning class. I am sorry I am late. By the way, I will be not here today because teachers will have a meeting. I will just leave an activity for you to answer .Goodbye ! "

Pagkasabi nun ni Ma'am ay umalis na siya. I sighed. Pwede namang walang gawin. Nakakatamad kasi eh. Habang sinasagutan ko yung activity, nakakarinig ako ng mga bubuyog sa likod ko

" Biglaan naman yung practice game ng basketball team natin, sayang di natin sila mapapanood. " wika ng nasa likod ko

" Oo nga eh. Di ko tuloy mapapanuod ang crush ko, haysss. "tugon pabalik naman ng katabi ng nasa likod ko

" Malakas pa naman ang varsity team natin. Saka balita ko, maaga daw magsstart ang highschool league kaya naman puspusan na rin ang training ng boys. " nanghihinayang na wika ng babae

Tumungin naman ako sa gawi nila at nanahimik sila. Tsk! wala ba silang gagawin kundi magdaldalan.

Naging normal naman ang buong umaga ko.Yun nga lang wala akong katabi. Si Rhea kasi ay pumuntang clinic, sumakit kasi ang puson niya. Di kodin naman alam kung saang lupalop pumunta yung mokong na Ken na yun at si Caleb. Maganda na rin yun atleast tatahimik ang buhay ko. Kasalukuyan akong nasa canteen at nakikinig ng music. Naramdaman kong umupo na si Rhea kaya tinanggal ko ng earphone ko

" Hoy, bakit ang lungkot mo? " wika niya

" Ako? Malungkot? Ano na naman pinagsasasabi mo beshy. "

" Sus, kunyare pa. Kilalang kilala kita. Hinahanap mo si Ken, no? " wika niya habang may nakakalokong ngiti.

" No way. Bat ko naman hahanapin yun " pagtanggi ko

" Really? Well, fyi lang naman Nasa practice game ngayon yung boyfriend mo.Di mo ba siya namimiss? " she said it with sarcastic tone.

" At bakit ko naman mamimiss yung mokong na Ken na yun? " asik ko

Natigilan ako sa sinabi ko kasi anlakas ng pagkakasabi ko. Ow sheems. Wrong move

" Siya yung girlfriend ni Ken diba? " bulong ng babaeng nasa kabilang table pero narinig ko yun

" Oo daw" tugon naman ng katabi niya

" Eh bat parang di naman sila? Sa asta ni girl parang walang sila o baka break na sila. " wika naman nung isa

" Sana nga wala na sila. Lugi kaya si Ken sa nerd na yan. " asik naman nung isa pa.

Biglang kumirot ang puso ko sa usapan ng mga babae sa kabilang table. I fake a smile.

" Bat ko naman siya mamimiss, eh magkausap kami kagabi. " malakas at diin na wika ko

Binigyan naman ako nang nakakalokong ngiti ni Rhea. Paktay ako sa babaeng ito. Aasarin na naman ako neto maghapon. Pinagpatuloy namin ang pagkain ng lunch namin. Pagkatapos ay bumalik na kami sa classroom upang magklase.

.Natapos ang araw ko na walang Ken na nangulit sa buhay ko ngayon. I should be happy but what I am feeling? I miss his presence. Iba pa rin pala kung may nambubwisit sa iyo eh.

I decided na pumunta muna sa park since maaga pa naman. Umupo ako sa bench at pinanuod ko ang mga batang masayang naglalaro. I cannot help but to smile. Maya - maya may umupo sa tabi ko. Di ko siya pinansin ng bigla siyang magsalita na nagpalingon sa akin.

" Hi Alexa ! Long time no see. "

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now