KABANATA 48: SHE IS ALIVE

Start from the beginning
                                    

Napatayo naman ako nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin at ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin. Nilibot ko ang aking mga mata ngunit wala naman akong nakitang kakaiba sa paligid hanggang sa...

" Ah!!" Napatili ako nang may humawak sa balikat ko at pikit-mata siyang pinagsusuntok.

" Ouch, Alexa. Ako to si Ken," rinig kong turan niya habang dumadaing sa sakit. Doon lamang ako napahinto at napadilat.

" Ken," tawag ko sa kaniya at hinimas ang braso niya.

" Naku, sorry. Akala ko kasi kung sino," paghingi ko nang tawad habang hinihimas pa rin ang braso niya.

" Ayos lang. Okay ka lang ba talaga?" Nakangiwi niyang tanong sa akin. Mukhang masakit ata ang pagkakasuntok ko sa kaniya.

" O-oo. Akala ko lang kasi may nagmamasid sa akin. Ikaw lang pala," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

" Wala namang ibang tao dito kanina pagpasok ko," wika ni Ken.

" Ganun ba? Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kaniya upang ibahin ang usapan.

Ngumiti naman siya sa akin sabay sabi," Syempre sinusundo ka. Ako kaya ang escort ng napakagandang birthday celebrant na may pagka-amazona,"

Napanguso naman ako sa sinabi nito, " Okay na sana, humirit ka pa eh,"

" Edi sorry," natatawang turan nito kaya napatawa na lang din ako. I am now much comfortable with him. Bigla ko namang naalala ang tanong ni Rhea kanina. Maybe it is time for me to have a real relationship with Ken.

" Oh, natahimik ka na naman diyan. Ano na naman iniisip mo?" pag-iintriga niya sa akin.

" Wala naman. Tara na nga," pag-aya ko dito saka siya nilampasan.

Agad naman niya akong hinabol at sabay na kaming pumunta sa reception. Pagpasok namin sa venue ay nagsimula nang umawit ang lahat ng Happy Birthday para sa akin. Si Ken naman ay inalalayan ako papunta doon sa parang trono sa harap at pinaupo. Pagkatapos ay umalis na rin siya. Nagsimula na ang formal program ng birthday celebration ko sa pangunguna ng emcee.

Natatawa na nga lamang ako dahil ang competitive ng mga bisita sa mga palaro hanggang sa isa-isa na nagbigay ng mensahe sa akin ang mga piling bisita.

" Hi, beshy! Bago ako magspeech, pwede bang mag-ask muna ako na bigyan niyo ang ating birthday celebrant ng tissue at baka bahain tayo rito," biro ni Rhea na ikinatawa naman ng bisita. Napanguso ako dahil sa sinabi nito pero nginitian ko naman ang waiter na nagbigay sa akin ng isang box of tissue.

" Ito na seryoso na ako. B-beshy," natawa naman ako na mas nauna pang nagcrack ang boses niya kesa pumatak ang luha ko.

" Ay mukhang kailangan din ng magsasalita ng tissue," biro ng emcee kaya natawa ang lahat,

Huminga muna nang malalim si Rhea bago nagsalita muli, " Ayan, hindi ako iiyak kasi ang goal ko ikaw ang umiiyak. Happy happy birthday sa nag-iisang bestfriend ko in the whole world. Looking back sa isang taon na nagdaan sa iyo, sobrang masasabi ko na madaming nagbago sa iyo so I should say thank you sa isa diyan for coming to my bestfriend's life "

" Ehem, birthday po ito, bakit parang papunta na kung saan yang message mo," natatawang biro ko sa kaniya matapos akong abutan ng emcee ng mic.

" Che, huwag ka nga magulo diyan. Nagmemessage pa ako," Natawa naman ang lahat sa awayan namin ni Rhea.

" Ito na nga, so thank you sa iyo. Kilala mo na sarili mo saka malaki ka na at di mo birthday kaya wala dapat spotlight sa iyo," natatawang biro ni Rhea. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Caleb kaya bahagya siyang sinuntok ni Ken.

" Anyway, happy birthday uli, Beshy. Maikli lang tong message ko kasi naisulat ko na lahat sa letter na nasa gift ko yung message ko sa iyo pero yung wish ko sa iyo ay yung happiness na nararamdaman mo ngayon, wala sanang makasira noon. Enjoy your day, I love you," sinserong turan niya sa akin.

" I love you too," sagot ko sa kaniya.

Naglakad naman si Rhea upang iabot ang mic kay Caleb. Inaasar pa nga ni Caleb sir Rhea kaya bago ito magspeech ay nakatikim muna siya nang hampas mula kay Rhea.

" Hi. Lex. First of all, buti na lang hindi ka nahawa sa pagiging sadista nitong bestfriend mo," hirit ni Caleb.

" Hindi ka sure," biro ko sa kaniya kaya tumawa naman ang ibang bisita.

" Grabe talaga kayong dalawa. Pero lex, maikli lang din message ko kasi baka maagawan ko pa nang eksena yung bestfriend ko eh. Aray!" Natawa naman ang lahat ng binato siya ni Ken ng box ng tissue.

" Grabe pati bestfriend ko hinawaan na ng pagiging sadista," iiling-iling na komento ni Caleb.

" Bilisan mo na," rinig kong sigaw ni Rhea kaya natawa naman ako.

" Ayan pinapabilis na ako kaya babati na ako. Happy happy birthday, Lex. Alam ko na hindi pa tayo ganun katagal na magkaibigan pero gusto ko lamang sabihin sa iyo na andito din ako para rumesbak sa mga mananakit sa iyo kahit bestfriend ko pa siya. Enjoy your day and party party!" Sigaw nito saka sumayaw sayaw kaya lalong napuno ng tawanan ang venue.

" Salamat, Caleb," pasasalamat ko sa kaniya.

Nag-bow muna ito bago lumapit kay Ken upang i-abot ang mic. Hindi ko nga alam pero biglang tumahimik ang paligid nang magsimulang lumakad si Ken papunta sa spot nila Rhea at Caleb kanina nung nagspeech sila.

" Hi," simpleng bati niya sa akin pero nanindig ang balahibo ko sa tamis ng pagkakatawag niya. Ang titig niya din sa akin ay napakalagkit na parang ako lang ang narito ngayon.

" Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi nasabi naman na nilang lahat at nabati na rin kita kanina kaya siguro ang sasabihin ko lang ay sana maging masaya ka sa akin," Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.

" I mean, maging masaya ka sana nandito kaming lahat na nagmamahal sa iyo," paliwanag niya.

" Hiling ko na maingatan ko yang mga ngiti sa labi mo at sana next year batiin kita sa birthday mo as ehem," sambit niya. Narinig ko ang hiyawan ng mga bisita at kitang-kita ang pamumula ng tenga ni Ken dahil sa sinabi niya.

" Darating din tayo diyan," sambit ko.

" Tagal naman," biro niya pabalik.

" Che, bilisan mo na para makakain na lahat," saway ko sa kaniya dahil ako na ang nahihiya lalo na andito pa naman ang buong angkan ko.

" Ayun na nga, sana sa mga susunod mo pang kaarawan ay nasa tabi mo ko at sobrang mahal kita," Sinserong turan niya saka ngumiti. Alam kong umakyat na ang lahat ng dugo ko sa katawang sa aking pisngi dahil sa sinabi niya.

Narinig ko din ang bahagyang sigawan nang mga nakikinig. Iniabot ni Ken sa emcee ang mic. Mukhang tapos na ata ang magsspeech.

" Ehem, hindi ko kasi alam if nandito ba siya kasi sabi noong reception ay wala naman yung name niya sa attendees pero tinatawagan ko po ang last na magbibigay ng mensahe sa ating celebrant, Miss Likeness, andito ka ba?" Anunsyo ng emcee.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa pangalang tinawag ng emcee. Likeness? Like kapareha? Ang weird naman non. Iginala ko ang aking mata upang hanapin kung sino man ang taong iyon ngunit bigo akong makita siya hanggang sa...

" Hi, Alexa! "

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now